Chapter 27

367 33 4
                                    

Inalala ni Sejun ang sinabi ni Granny Cat sa kanya sa tatlong beses na pagkikita nila. Sinulat niya ito sa isang notebook, at itinago sa isang lalagyan kasama ang sleeping pills na tinetake niya.

*****

Sa cat world naman, abala pa rin si Bujah at Kenji sa pagaaral ng mga libro na nahanap nila na maaaring makatulong para maibalik si Sej sa kanilang mundo.

Lumilipas ang mga araw, unti unti na nilang natutuklasan ang tamang paraan para mapabalik si Sej sa mundo nila.

"K-kenji .." nauutal na sabi ni Bujah

"Oh bakit na naman?!" Iritableng sagot ni Kenji

"Tignan mo to." Sabi ni Bujah sabay abot ng isang napakalumang libro na tila sinubukang sunugin

"Ano to? Wag mo ko abutan ng basura." Sabi ni Kenji

"Basahin mo muna bago ka dumadada dyan." Sagot ni Bujah

Sinubukang basahin ni Kenji ang cover ng lumang libro.

"G .. R .. Y .. C .. T " pagbigkas ni Kenji sa mga tanging letra na kanyang naiintindihan

"Ano to?" Pabalik na tanong ni Kenji kay Bujah

"Di ko rin alam. Di ko maintindihan. Lasog lasog, sunog pa yung kalahati ng ibang page." Pagddescribe ni Bujah sa libro

Itinago ni Kenji ang librong nakita ni Bujah.

"Kenji anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Bujah kay Kenji

"Lumang libro to, baka makatulong kay Sej." Matipid na sagot ni Kenji sabay tayo.

Tumungo ang dalawa sa kanilang hide out kung saan nila inaaral ang mga impormasyon na nakakalap nila.

MeoweuWhere stories live. Discover now