Chapter 37

349 32 2
                                    

"Aray. Ang sakit nun ah." Hawak ni Kenji sa ulo habang umiiling iling

Pagdilat ni Kenji ay may mga paa na siya. Paa ng tao.

"AAAAHHH!!!" Sigaw ni Kenji dahil sa gulat nang makita niya ang kanyang sarili sa katawan ng isang tao.

Tumingin siya sa paligid, sa di kalayuan ay may natatanaw siyang isa pang hubad na lalaki ngunit wala itong malay. Inisip niyang si Bujah ito.

"Meow meow!" Ang tanging lumabas sa bibig ni Kenji nang subukan niyang gisingin si Bujah

Natatakot na si Kenji sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya lalo na't di pa nagigising si Bujah. Napatingin siya sa kalangitan. Tumambad sa kanya ang isang malaking bilog na buwan.

"M-meow?" Bungad ni Bujah

Agad lumingon si Kenji sa kaibigan na may luha sa kanyang mga mata.

"Bujah!" Sabay yakap ni Kenji

"Akala ko di ka na magigising" dagdag pa ni Kenji

"Na-natakot ako. Na baka ako na lang magisa rito. Hindi ko kaya na mawalan pa ng isa pang kaibigan. Hindi ko kakayanin." Sambit ni Kenji habang humihigpit ang kanyang yakap kay Bujah

"Tahan na, Kenji" pagpapatahan ni Bujah sabay tapik sa likuran ng kaibigan.

"Di ka nawalan ng kaibigan. Kaya nga andito tayo diba. Para ibalik si Sej." Dagdag pa ni Bujah sabay ngiti kay Kenji.

"Tama ka." Pinunasan ni Ken ang kanyang luha.

Nagisip sila ng paraan kung paano sila makakaraos sa gabing iyon. Luckily, they found some ragged clothes near them. Naglakad sila ng magkaakbay, inaalalayan ang isa't isa sa paglalakad gamit ang kanilang dalawang paa.

MeoweuWhere stories live. Discover now