When they arrived at their destination, ginising ni Stell si Sejun kasi bababa na sila.
Sejun acted he was shocked na andoon si Stell kahit aware naman siya.
May few minute walk pa bago makarating sa bahay nila. Panay hikab at kusot ng mata si Sejun, halatang inaantok pa siya.
"Saan ka ba galing?" Nagtatakang tanong ni Stell
"Ah eh .. may pinuntahan lang. Naligaw ako kaya nalate ako ng uwi" pagdadahilan ni Sejun
"Sana nagpasama ka sakin or at least nagtanong ka sakin. Mamaya kung mapano ka." Alalang sabi ni Stell
"Okay lang ako oh! Lakas lakas ko e" Masayang sabi ni Sejun sabay pakita ng biceps
"Loko ka talaga. May gusto ka ba bilhin bago dumiretso sa bahay?" Tanong ni Stell
"Hmm .. gusto ko ng itlog!" Sagot ni Sejun
"Tara! Try mo to." Hinila ni Stell si Sejun papunta sa nagtitinda ng balut
"Di naman to itlog eh?" Nakabusangot sa sabi ni Sejun
"Itlog yan! Kuya pabili nga po dalawa." Pagbili ni Stell sa mambabalut
Binuksan ni Stell ang balut, nilagyan na rin niya ng suka at asin tsaka inabot kay Sejun. Hinawakan lang si Sejun ang balut dahil ayaw niya nito. Tinawanan lamang siya ni Stell habang binabalatan ang isa pang balut na binili niya para sa kanyang sarili.
"Ganito kumain niyan" pagtuturo ni Stell
Kitang kita naman ni Sejun na sarap na sarap si Stell sa balut kaya nama'y ginaya niya ang pagkain ni Stell. Nangasim ang mukha niya nang higupin niya ang sabaw. Nakangiting tumango lang si Stell kay Sejun, tila sinasabing "sige lang, you're doing it right". At nang naubos ni Sejun ang balut, gusto niya pa ng isa kaya nama'y binilhan siya ulit ni Stell at naglakad na pauwi.
"Sa bahay na natin kainin to." Pangbibitin ni Stell kay Sejun

YOU ARE READING
Meoweu
Fiksi PenggemarSejun is a cat who lives in a cat world, and accidentally entered the portal to human world. Can Sejun go back to his world or .. -- Notes: ☆ Bored lang ako ☆ On Going ☆ Pure Fiction! ☆ Slow Updates (?) ☆ Sorry na po agad sa maling grammar ✌ ☆ Happ...