Dahan dahan inangat ni Kenji ang kanyang ulo upang tignan kung sino ang tumapik sa kanya.
Kenji looked at Josh with his eyes half opened, dahil tirik pa ang araw.
"May maitutulong ba ko?" Isa pang sabi ni Josh
Hindi umimik si Kenji, bukod sa hindi niya maintindihan ang lenggwahe ng mga tao, ay hindi rin niya alam kung paano magsalita sa paraan ng mga tao.
Tumingin si Kenji kay Bujah tila bang sinasabi na tulungan si Bujah.
Agad lumapit si Josh upang icheck ang pulso ni Bujah. Buhay pa ito. Agad kinarga ni Josh si Bujah sa pinakamalapit na ospital.
"Buhay pa siya!" Sabi ni Josh
Tinignan lamang siya ni Kenji
"Dalhin natin siya sa ospital. May nadaanan ako kanina" dagdag ni Josh sabay buhat kay Bujah
Sumunod na lang si Kenji, iika ika man ay pinilit niyang makahabol sa dalawa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Josh kay Bujah pero isa lang ang kanyang alam, may mabuting loob ito.
*****
Nakarating na sila sa ospital at naghihintay na lamang sila ng resulta.
"Kayo ba ang kaibigan ng pasyente? Nafood poison siya but he'll be okay in no time." Bungad ng doktor kay Kenji at Josh
Napabuntong hininga na lamang si Josh. Agad nila tinungo si Bujah sa kanyang kwarto. Lumapit agad si Kenji upang tignan ang kalagayan ng kaibigan, litong lito man kung anong nangyayari, alam ng kanyang puso na magiging maayos rin ang kanyang kaibigan.

YOU ARE READING
Meoweu
Fiksyen PeminatSejun is a cat who lives in a cat world, and accidentally entered the portal to human world. Can Sejun go back to his world or .. -- Notes: ☆ Bored lang ako ☆ On Going ☆ Pure Fiction! ☆ Slow Updates (?) ☆ Sorry na po agad sa maling grammar ✌ ☆ Happ...