Chapter 13

400 34 1
                                    

Agad binuhat ni Stell ang lalaki papasok sa bahay nila. Nagulat si Josh sa ginawa ni Stell ngunit wala siyang nagawa kaya nama'y sumunod na lamang siya.

Josh: Jusko naman Stell!
Stell: May sugat siya
Josh: pano kung magnanakaw yan?
Stell: kunin mo first aid kit natin
Josh: seryoso ka?!
Stell: please?

Wala na namang nagawa si Josh. Kinuha at inabot niya ang first aid kit kay Stell. Nilinis, ginamot at nilagyan ng band aid ni Stell ang sugat. Binihisan rin nila ito para hindi masyadong mailang kung magising man ito.

Josh: for real? Pagsstayin mo pa yan dito?
Stell: ano gusto mo? Iwan sa labas? Tapos tatanungin tayo kung ano yan?
Josh: Pano kung baliw pala yan?
Stell: magluluto muna ko, bantayan mo muna siya.
Josh: pano kung bigla akong patayin nito?
Stell: wala ngang saplot yan kanina, pano ka papatayin nyan?
Josh: wow! Takot sa multo pero di takot sa tao

Tumungo si Stell sa kusina upang magluto ng kanilang agahan, habang si Josh naman ay pumunta sa kanyang kwarto at naglaro.

Mga ilang sandali pa ay luto na ang pagkain, tinawag ni Stell si Josh at ang kanyang pusa na si Tooti.

"Tooti~ swswswsw" tawag ni Stell sa pusa ngunit ni isang meow ay wala siyang narinig

"Josh! Nakita mo ba si Tooti?" Tanong ni Stell na tila nagaalala

"Malay ko. Nilayasan ka na nun" sagot ni Josh

Nalungkot si Stell kaya nama'y hindi na niya ito hinanap. Umaasa na isang araw ay bumalik ito sa kanila.

MeoweuWhere stories live. Discover now