Hindi nagtagal ay napaginipang muli ni Sejun si Granny Cat at hindi na niya pinaglagpas ang pagkakataong iyon. Hindi na niya ito binati gaya ng ginagawa niya dati, agad niya itong tinanong kung paano siya makakabalik sa cat world.
"Granny Cat. Paano ako makakabalik?" Bungad ni Sejun
"Oh hijo! Masaya akong makita kang muli" bati ni Granny Cat
"Ako rin. Paano ako makakabalik?" Seryosong sabi ni Sejun
"Mukhang ayaw mo na talaga rito sa mundo ng mga tao ah?" Sabi ni Granny Cat
"Cut this nonsense. Just tell me how. Mahirap ba yon?" Pasigaw na sabi ni Sejun
Nawala ang ngiti ni Granny Cat. Naging poker face ito at kinabahan si Sejun nang makita niya ang pagpapalit ng mood ni Granny Cat.
"Kapag pinanganak ka sa cat world, kasalanan ang pumunta sa mundo ng mga tao, sadya man o hindi." Panimula ni Granny Cat
"Sa nakatakdang kabilugan ng buwan, kamatayan ang naghihintay sa pinaka naging malapit sayo dito sa mundo ng mga tao." Dagdag pa nito
Halos nabingi si Sejun nang marinig niya ang mga salitang iyon mula kay Granny Cat.
"S-seryoso p-po?" Nauutal na pagkumpirma ni Sejun
"Oo. Mukha ba akong nagbibiro? Diba ayun ang gusto mo malaman?" Sagot ni Granny Cat
"P-paano maiiwasang mamatay yung taong naging malapit sa akin?" Tanong muli ni Sejun
"Kailangan mo makabalik sa mundo mo bago ang sumapit ang gabing iyon." Mabilis na sagot ni Granny Cat
"At sa oras na .."
Naudlot ang sinasabi ni Granny Cat dahil sa paggising ni Stell kay Sejun.
"Sejun?"
"Sejun, gising!!"
"Sejun!!"
YOU ARE READING
Meoweu
FanfictionSejun is a cat who lives in a cat world, and accidentally entered the portal to human world. Can Sejun go back to his world or .. -- Notes: ☆ Bored lang ako ☆ On Going ☆ Pure Fiction! ☆ Slow Updates (?) ☆ Sorry na po agad sa maling grammar ✌ ☆ Happ...