Chapter 57

286 32 2
                                    

Kinabukasan ..

*someone's ringing the doorbell*

Agad bumangon si Sejun na tila bang hinihintay talaga niyang may magdoorbell. Kumaripas ng takbo si Sejun papunta sa kanilang pinto para salubungin si Stell.

Masayang binuksan ni Sejun ang pinto. Abot tenga ang kanyang ngiti nang buksan niya ito.

"STE- ..."

"Good morning po sir. Kayo po ba si Sir Sejun?" Bungad ng food delivery boy.

Nawala ang saya ni Sejun at tumango na lang siya sa nagdeliver.

Sinara ni Sejun ang pinto at inilapag sa lamesa ang pagkain. Patungo na siya sa kanyang kwarto nang bigla niyang naisipan icheck ang paperbag kung may note ba ito.

"To: Sejun

Sorry di muna ako makakauwi dyan ngayong gabi. Ang daming kailangan tapusin dito. Magiingat ka dyan ha?"

"Di uuwi si Stell ngayon .."

"Hindi na ako aamin."

"Ay hindi! Sige bukas! Panigurado uuwi si Stell bukas! Pag umuwi siya, aayain ko siya lumabas." Pakikipagpustahan ulit ni Sejun sa tadhana.

Naghanap si Sejun ng mga pwede ibigay kay Stell.

*****

Kinabukasan ..

*door bell rings*

Agad binuksan ni Sejun ang pinto kahit nakakaisang door bell pa lang.

"STELL!!!!" Bungad ni Sejun

"Ah eh? Hindi po ako si Stell. Pero may pinapadeliver po dito galing po kay Stell." Sabi ng nagdedeliver ng pagkain

Nanlumo si Sejun at bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.

Kinuha niya ang pagkain at hinanap kung may kasama ulit 'to na note, but this time. Wala siyang nakitang note. Binali-baliktad niya na ang paper bag pero wala siyang nakitang note galing kay Stell.

"Stell .. kailan ka uuwi?" Paiyak na bulong ni Sejun habang tinititigan ang pinadalang pagkain si Stell.

MeoweuWhere stories live. Discover now