Ilang araw nagpagala gala sa lansangan sina Bujah at Kenji. Namumuhay sila sa pagkakalkal ng pagkain sa basura. Hanggang sa sumakit ang tyan ni Bujah.
"K-kenji" namimilit na sabi ni Bujah
"Ano yun?" Tanong ni Kenji
"Ang sakit ng tyan ko." Sagot ni Bujah habang nakahawak sa kanyang tyan
Nataranta si Kenji kung anong gagawin sa kaibigan.
"Kenji, sa ospital. D-dun tayo pumunta" sabi ni Bujah
"O-oh sige. Kapit ka lang ha." Naluluhang sabi ni Kenji
Tumango si Bujah. Pinagpapawisan na ng malamig si Bujah habang papunta sila sa ospital. Hindi nila alam kung saan at kung paano pupunta doon, ngunit patuloy lang sila sa paglalakad.
Magiisang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa rin sila sa ospital. Umupo sila sa isang tabi.
"B-bujah. Patawarin mo ko." Umiiyak na sabi ni Kenji
"Hindi ko alam kung saan dito ospital. Sorry kasi sinama pa kita dito. Edi sana ako na lang nagdurusa." Dagdag pa ni Kenji
"Okay lang, Kenji. Masaya ako, kasi kasama kita." Nanghihinang sagot ni Bujah
Niyakap ni Kenji si Bujah ng mahigpit hanggang sa bumagsak ang kamay ni Bujah sa sahig.
"B-bujah?!" Sigaw ni Kenji
"BUJAH! GUMISING KA WAG MO KO IWAN." paggising ni Kenji
"Bujah! Gising! Dumilat ka!!" Niyugyog ni Kenji ang katawan ni Bujah baka sakaling magising ito.
Niyakap ni Kenji ng mahigpit ang kanyang kaibigan at tuluyan ng humagulgol.
"Anong nangyari?"
"May maitutulong ba ako?"
"Bro?"
YOU ARE READING
Meoweu
FanfictionSejun is a cat who lives in a cat world, and accidentally entered the portal to human world. Can Sejun go back to his world or .. -- Notes: ☆ Bored lang ako ☆ On Going ☆ Pure Fiction! ☆ Slow Updates (?) ☆ Sorry na po agad sa maling grammar ✌ ☆ Happ...