Chapter 32

356 33 0
                                    

Stell's POV

Mukhang mapapaaga ako ng uwi ngayon ah? Patapos na itong mga ginagawa ko. Ano kayang gustong pasalubong ni Sejun? Tawagan ko kaya?

Napaisip saglit si Stell.

Ay hindi, wag na. Surpresahin ko na lang siya.

*****

Habang naglilipit ng gamit si Stell ay natabig niya ang basong ginagamit niya sa pagkakape. Nabasag iyon at lumakas ang kabog ng dibdib niya. Tinangka niyang pulutin ang malalaking parte ngunit nasugatan pa rin siya. Agad tinawag ng kanyang katrabaho ang janitor para asikasuhin ang nabasag na baso ni Stell.

"Magdahan dahan ka nga Stell" pagpapaalala ng katrabaho nito

"Sorry. Naexcite lang mag-out" sabi ni Stell na may ngiti sa labi ngunit hindi maikukubli ang kabang nadarama niya

"Oh. Ayos ka lang ba?" Tanong ng katrabaho niya

"Ah .. eh .. O-oo. Paborito ko kasing baso yun. Bigay ng importanteng tao." Pagpapaliwanag ni Stell

"Kaya naman pala. Jowa mo? Yie!" Panunukso ng katrabaho niya

"Hoy! He's just .. a friend. A special friend .." seryosong sabi ni Stell

"Ay wow, 'special' friend. Okay" Patuloy na panunukso ng kanyang katrabaho sa kanya.

Matapos gamutin ng kanyang katrabaho ang natamo niyang sugat, ay agad rin siyang nag-out para di maabutan ng rush hour at makabili ng pasalubong kay Sejun.

MeoweuWhere stories live. Discover now