Chapter 39

328 30 0
                                    

"Stell, may tournament akong sinalihan. Baka bukas o sa makalawa na ko makakauwi." Pagpapaalam ni Josh

"Ah ganun ba. Sige. Easyhan mo lang. Wag mo masyado galingan. Maawa ka sa kalaban mo. Hahahaha" pagbibiro ni Stell

"Di ko pa ginagalingan. Baka ngayon palang. HAHAHAHA!" Balik na biro ni Josh

"Oo na. Ikaw na malakas. Ingat ka!" Pagpaalam ni Stell bago umalis si Josh

*****

Josh's POV

Sa tinagal tagal kong pagsali sa mga tournament, ngayon lang ako kinabahan. Balita ko kasi bigatin yung makakalaban namin. May pangalan sila. Wew! Josh Cullen, inhale exhale. Kaya mo yan. Tiwala ka lang sa sarili mo. Fighting!

Lima kaming bbyahe patungo sa isang baryo kung saan gaganapin yung tournament. Medyo malayo rin pala kesa sa ineexpect ko.

Baryo lang to pero para kang nasa Manila, ang pinagkaiba lang, malinis, maayos at mapuno dito.

"Josh! Sa susunod na araw ka na maglibot! Practice muna tayo, may game tayo bukas oh!" Tawag ng isang kasama ni Josh

"Oo! Bihis lang ako!" Sagot ni Josh

Naglaro sila ng tatlong game bago tuluyang matulog bilang paghahanda sa tournament nila kinabukasan.

MeoweuWhere stories live. Discover now