Chapter 33

363 35 3
                                    

Bago umuwi, tumungo si Stell sa SM upang bumili ng dalawang kilong hotdog, isang balot ng marshmallow at ilan pang makakain at inumin.

*****

Stell's POV

Okay na kaya to? Sana magustuhan niya yung hotdog na may marshmallow. Okay na to! Di naman maarte si Sejun sa pagkain eh, basta bigay ko kakainin niya naman.

Bago pa makalabas ng mall si Stell, ay may nadaanan siyang kwintas na agad nakakuha ng kanyang atensyon at hindi siya nagdalawang isip bilhin ito.

Mga ilang oras pa ay nakauwi na si Stell sa kanilang bahay, hindi pa naman gabi ngunit madilim ang paligid. Walang nakabukas na kahit ano.

"Umalis kaya si Sejun?" Tanong ni Stell sa sarili habang kinakapa ang switch ng ilaw

Wala namang nagbago sa ayos ng bahay simula nung umalis si Stell. Chineck niya ang bawat sulok ng bahay, ngunit walang bakas na may tao. Bukod sa kwarto ni Sejun.

Agad tinungo ni Stell ang kwarto ni Sejun ngunit nakalock ito. Kinatok niya pero walang sumasagot. Kinabahan siya kaya agad siyang tumakbo sa kanyang kwarto at kinuha ang duplicate key ng kwarto ni Sejun. Pagkabukas niya ng pinto ay binuksan niya agad ang ilaw.

"Sejun!" Sigaw ni Stell sabay takbo papalapit kay Sejun

"Sejun, gising!!"

"Sejun!!"

"S-sej .."

Sakto ang dating ni Josh at nadatnan niya kung anong nangyayari. Umiiyak na si Stell nang makita sila ni Josh.

"Anong nangyari?!" Tarantang tanong ni Josh

"H-hindi k-ko a-alam! Na-nakita k-ko g-ganyan-" pagkwkwento ni Stell

"Stell! Huminahon ka nga! Pano kita maiintindihan nyan?" Pasigaw na sabi ni Josh

Huminga nang malalim si Stell.

"PAGKAUWI KO NAKABULAGTA SIYA DITO SA KWARTO" Sagot ni Stell at tuluyan na siyang humagulgol habang yakap si Sejun sa kanyang bisig.

Napaatras si Josh na tila nanghina ang kanyang mga tuhod nang marinig ang sinabi ni Stell.

"Sej .. un. Gumising ka .."

"Please lang"

"Sejun"

MeoweuWhere stories live. Discover now