"Congrats!! That was a close battle." Pagbati ng isang kagrupo ni Josh
"Good game mga sir!"
"Congrats mga preeee!!"
"GG mga lods!"
"Idol talaga tong si Josh eh!"
"Loko, tayong lahat may gawa kaya tayo nanalo!" Sagot ni Josh
"Sus"
"Pahumble si master"
"Totoo naman kasi. HAHAHA" Pagawat ni Josh sa mga papuri ng kanyang kagrupo
"Edi okay"
"So saan kayo?" Tanong ng isang kagrupo ni Josh
"Ako babalik na. Papahinga muna ako. Kangalay eh."
"Ako rin babalik na."
"Bibili ako ng pasalubong sa kapatid ko. Babalik na rin ako sa condo pagkatapos.
"Sama ko sayo! Ikaw Josh, saan ka?"
"Bibili lang ako pagkain. Magiikot ikot na rin." Sagot ni Josh
"Okay. See you na lang sa condo mga idol"
"Gegege. Ingat kayo!"
*****
Josh's POV
Nakakamiss sa ganitong lugar. Hindi polluted. Fresh air pa. Ano ba masarap kainin ngayon? Ah! Lechon manok! Meron kaya nun rito? Hmm ..
Nilabas ni Josh ang kanyang phone at sinearch kung may nagbebenta ng lechon manok sa baryo.
Ah! Ayun, kaso ang layo. Pero puntahan ko na. Para makapagikot na rin ako.
Nagsimula bumyahe si Josh papunta sa nakitang bilihan ng lechon manok.
*****
Pagbaba ni Josh sa jeep nagsimula siya maglakad patungo na bilihan ng lechon manok nang may madaanan siyang lalaki na nakayakap sa isa pang lalaki sa di kalayuan.
"Jusko naman. Bakit may nagmomomol dito sa kalsada. Wala pang gabi nagmomomol na." Bulong ni Josh sa sarili bago niya ibalin ang tingin sa ibang lugar.
Muling nilingon ni Josh ang dalawang lalaki niyang nakita. Marahan siyang lumapit at narinig niya ang hagulgol ng lalaking nakayakap.
Lumapit pa lalo si Josh sa dalawa.
"Anong nangyari?" Pagapproach ni Josh sa dalawa
"May maitutulong ba ako?" Dagdag pa ni Josh
"Bro?" Muling sabi ni Josh sabay tapik sa balikat ni Kenji.
YOU ARE READING
Meoweu
FanfictionSejun is a cat who lives in a cat world, and accidentally entered the portal to human world. Can Sejun go back to his world or .. -- Notes: ☆ Bored lang ako ☆ On Going ☆ Pure Fiction! ☆ Slow Updates (?) ☆ Sorry na po agad sa maling grammar ✌ ☆ Happ...