Chapter 34

357 34 10
                                    

Ilang saglit pa, tatawag na sana si Josh ng ambulansya nang biglang ..

"JOSH! JOSH!!" Sigaw ni Stell

Agad tumakbo si Josh papunta kay Stell.

"B-bakit ka umiiyak?" Tanong ni Sejun kay Stell habang nasa bisig niya pa ito.

Napaupo ni Josh sa sahig nang makitang buhay si Sejun. Napabuntong hininga ito.

"Anong meron?" Tanong muli ni Sejun

Niyakap nang mahigpit ni Stell si Sejun

"S-Stell? B-bakit?" Naguguluhang tanong ni Sejun

Humihikbi pa rin si Stell, at ramdam ni Sejun ang init ng luha nito. Tinapik ni Sejun ang likod ni Stell para patahanin siya.

"Wag mo na uulitin yun." Bulong ni Stell habang mahigpit na nakayakap kay Sejun

"A-ang alin?" Naguguluhang pa ring tanong ni Sejun

"Wag mo ko iiwan." Sambit ni Stell

Natigilan si Sejun nang marinig niya iyon at tumingin kay Josh na latang lata na at walang kibong nakaupo sa sahig.

"A-ano ba kasing nangyari? Bakit ganyan kayong dalawa?" Nalilitong tanong nj Sejun

Kinalas ni Stell ang kanyang mahigpit na yakap kay Sejun at tinignan ito sa mata.

"Wala kang malay kanina" sagot ni Stell

"Akala ko .. akala ko iniwan mo na ko, kami." Dugtong pa nito.

Ramdam ni Sejun ang takot at lungkot na nararamdaman ni Stell. Pinunasan ni Sejun ang mukha ni Stell na basang basa ng pawis.

"Hindi kita iiwan." Sambit ni Sejun na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa mga mata ni Stell

Niyakap siyang muli ni Stell nang marinig iyon at binuhos pa ang natitira niyang luha.

MeoweuWhere stories live. Discover now