Chapter 14

407 30 1
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nagigising ang lalaki. Pinagiisipan na ng magkaibigan kung ililipat na ba nila ito sa hospital para na rin mamonitor siya nang biglang bumangon ang lalaki.

"AH! MAMAAAA!!" Napasigaw si Stell sa gulat, sabay tago sa likod ni Josh

Lumingon ang lalaki sa direksyon nila Josh at Stell. Nagtinginan lamang sila ng ilang segundo.

Tumingin sa paligid ang lalaki, at nang makita niya ang sarili sa salamin. Nagulat siya dahilan ng pagkahulog niya sa higaan.

Agad na nila itong nilapitan at tinulungan makabalik sa kanyang kama.

"Uhm, hello? Anong pangalan mo?" Bungad na tanong ni Stell

Tinignan lamang siya nito na halatang hindi niya naiintindihan sinasabi ni Stell.

"Baka bingi siya?" Panghuhula ni Josh sa kalagayan ng lalaki.

Sinubukan niya tumakas gamit ang kanyang kamay at paa sa pagtakbo, pero nahuli rin siya ni Josh.

*****

Sej's POV

Sej woke up from a long nap and got shocked when he realized that he was in Josh and Stell's house. What surprised him the most was when he looked at himself in the mirror and saw a reflection of a human. He really transformed into a human.

"Paano ako naging tao?"

"Paano ako makakaalis dito?"

"Paano ako makakabalik sa pagiging pusa?"

"Paano ako makakabalik sa mundo namin?"

Sunod sunod na tanong ni Sej sa kanyang sarili nang bigla siyang tanungin ni Stell.

Naririnig ko ng malinaw mga salitang binibigkas niya pero hindi ko alam kung ano ibig sabihin!

Hindi rin pala ako marunong magsalita sa lenggwahe nila. Anong gagawin ko?!

Sej tried to go out of bed but he fell off.

He ran using his both arms and legs, but Josh caught him.

Yare talaga tayo dito.

Sej sighed.

MeoweuWhere stories live. Discover now