Chapter 05

77 6 0
                                    


Markie Stephen

Hindi ko na alam sa babaeng 'yon kong bakit feeling n'ya wala na akong ginawang mabuti sa mundo. Bakit naman parang laging galit 'yon sa akin? May pinagdadaanan ba yon, ang dami ko ng iniisip dumagdag pa siya sa isipin ko. Bakit ko ba kasi siya iniisip? Potek naman oh!

"Bakit naman ganyan itsura mo? Ang aga-aga." Nasa room na ako ngayon dahil nga pasukan na. Kami palang ni One, Jake and Christian nandito. Kanina nandito si Hailee kaso baka nag harutan na naman sila ni Floyd. Sana all na lang sa kanilang dalawa!

"Iniisip 'yan chicks." Sagot naman ni One. Bahala sila wala akong sa mood maki pag-usap ngayon.

"Chicks? Wala na non manok na lang." Hindi na ako nakinig sa pinag-usapan nila. Yumuko nalang ako sa desk ko para mag kunwaring tulog.

Hinayaan ko lang sila mag-ingay lalo na dumating na yong ibang mga ugok ko na kaibigan. Basta ako dito chill lang.

"Okay class may new classmate kayo." Hindi ko namalayan na nandito na pala yong adviser namin, umayos na ako ng upo.

"Pumasok na kayong dalawa." Napatingin kaming lahat sa new student. Holy crop!

It's Ryleigh and Winter, kilala ko na si Winter dahil ate siya ni Ayen at syempre si Ryleigh kilala ko din. Hinding hindi ko makakalimutan mukha n'ya na walang ibang ginawa kundi saktan ako. Umay hindi saktan na emotionally ah, physical. Hindi ako broken ng dahil sa kanya at hinding hindi ako magkakagusto sa amazonang babaeng kagaya n'ya.

"I'm Ryleigh Dhane." May Dhane pa pala sa name n'ya.

Napatingin siya sa akin ng matapos n'ya mag pa kilala sa harap. Halatang nag iba yong mood ng mukha n'ya ng makita n'ya ako. Sana okay pa siya amp! Ang pogi ko naman pero bakit ganyan ang reaction n'ya. Naiinis ako lalo kapag nakikita ko yong reaction n'yang parang ayaw sa akin.

"What's your last name Ryleigh?" Tanong ng adviser namin. Parang ayaw n'ya pa sagutin 'yong last name n'ya, ganon n'ya siguro ka ayaw sa apilyido n'ya. Pwede naman last name ko, lol! Ano ba 'tong pinag-iisip ko, nababaliw na 'ata ako.

"Gritzner." Napatingin kaming lahat kay Floyd. How did he know?

"How did you know her last name?" Potek na bibig 'to! Bakit ako nagtanong, baka isipin pa ni Ryleigh na interested ako sa kanya.

"W-wala hinulaan ko lang. I didn't know that is correct." Nanahimik na ako ulit kasi in the first place naman dapat di ako interesado, dapat wala akong paki!

Natapos yong klase namin na maayos naman. Nagpaiwan ako sa classroom dahil wala talaga ako sa mood.

"Anong problema mo?" Napansin 'ata ni Floyd na tahimik ako. Nag salita lang talaga ako kanina nong nagtanong ako. Nagkusa kasi yong bibig kong mag salita amp!

"Wala naman." Nagtataka lang talaga ako sa part na nahulaan n'ya yong last name ni Ryleigh. Sinong tanga ang maniniwala sa dahilan n'ya na nahulaan n'ya lang.

Umalis na si Floyd at ang iba pa, ako na lang ang na iwan dito sa classroom.

Napansin kong parang may tao sa may pintuan. Hindi ko na sana papansinin kaso lang parang nagdadalawang isip pumasok. Kanina pa balik balik tapos di tutuloy. Tumayo ako para tignan kong sino. She's a girl hindi naman ata si Hailee 'to kasi kong si Hailee kanina pa siya pumasok.

"Anong trip mo mis?" Napatigil ako ng ma kilala ko kong sino at syempre siya rin. Muntik pa kaming mag banggaan kasi mukhang napagpasyahan n'ya na rin 'ata na pumasok.

"Wala may nakalimutan lang kasi ako sa desk ko na naiwan." Agad siyang nag-iwas sa akin ng tingin at lumakad papunta sa desk n'ya.

"Nahihiya ka ba? Hindi naman ako nangangain." Natatawa ako sa pinagsasabi ko kasi kanina wala akong sa mood tapos ngayon kinakausap ko 'tong si Ryleigh.

"Hindi ako nahihiya! Bakit naman ako mahihiya? Ako mahihiya sa isang katulad mo? Never!" Halata 'yong inis sa boses n'ya. Bakit ba inis na inis 'to sa akin?

"Sige sabi mo, eh." Bago kumindat sa kan'ya.

"Sana okay ka pa MARKIE STEPHEN! TABI NGA DYAN DADAAN AKO!" Tinulak n'ya ako nakaharang kasiako sa pintuan.

"Hoy! Nakakarami kana!" Sobrang sadista naman ng babae na 'to. "Babae ka ba talaga? Baka kasi nagkatawang babae ka lang?!"

"Ang kapal mo! Babae ako, okay!" Gusto kong tumawa sa reaction n'ya pero pinigilan ko.

"Babae ka pala?" Hindi n'ya na ako pinansin at padabog na umalis. Napangiti ako ng makita ko reaction n'ya.

"Hoy! Okay ka lang?" Natauhan ako ng dumating si Jake. "Mukhang may something ah," dagdag n'ya pa.

"Pinapagsabi mo?" Nang-aasar 'yong ngiti n'ya na nakatingin sa akin. Akala ko umalis na 'to, e.

"Kita ko 'yong nangyari kanina Yeeeiiiihh." Potek! Parang bakla si Jake sa pa yeeiih n'ya amp! Tapos parang kinikilig kilig, mga abnormal talaga mga kaibigan ko. Ako lang talaga matino sa amin napailing na lang ako.

"Tigilan mo nga 'yan parang uod ka na inasinan d'yan."

"Okay lang yan pre. Ako lang nakakita sa mga nangyari pati 'yong mga pag ngiti mo ng palihim." Potek!

"Walang ganon, namamalikmata ka lang Jake, epekto lang 'yan ng wala kang ka bebe time! Kailangan mo na nang pamlinaw ng mata."

"Bakit ikaw meron ba? Hwag nga ako wala ka rin namang ka baby time! Pero ship ko kayo ni Ryleigh. Sana lang mag sail kayo 'wag kayong lulubog!" Pagkatapos n'yang sabihin 'yan pa takbo na siyang umalis, bwesit talaga. Pero mabuti na lang din na si Jake lang ang nakakita. Hwag lang talaga si Third baka gawing pang blackmail sa akin 'yon. Makakalibre na naman yon ng baon amp.

Pero bwesit naman kasi bakit ba ako ngumiti kanina?! Dapat talaga wala lang akong sa mood.

Kinuha ko na ang bag ko at ni lock na rin ang pinto ng classroom. Halos wala ng student na nandito sa ground, mukhang ako na nga lang, quarter to 7:00 pm na rin kasi.

Nasa may gate na ako ng makita ko si Hailee na nasa labas mag-isa. Akala ko ako nalang ang nandito, anong oras na 'di pa siya umuuwi. Kanina pa tapos ang klase namin at dapat 5:30 palang nakauwi na siya. May sasabihin din pala ako sa kan'ya kaya lumapit ako sa kanya.

"Hailee," napatingin naman siya sa akin bago ngumiti.

"Akala ko umuwi kana."

"May sasabihin pala ako sa'yo."

"Ano yon?" Napatigil ako ng makita ko sa parking lot si Floyd and Ryleigh na nag-uusap. Tama nga yong hinala ko na magka kilala sila. Napatingin ako kay Hailee na naka tingin din sa kanilang dalawa.

Sobrang gago naman ni Floyd kong lolokohin n'ya si Hailee na girlfriend n'ya! Sumakay si Ryleigh sa motor ni Floyd. Tumingin ako pabalik kay Hailee and kitang kita ko 'yong sakit sa mga mata n'ya  habang pinapanood yong dalawa.

Hindi ko alam ang mga nangyayari gusto kong pakinggan muna 'yong side ni Floyd bago ako magalit ng tuluyan sa kanya. Bestfriend ko si Floyd oo, pero di ko itotolerate na lokohin din ang bestfriend at pinsan ko na si Hailee.

"Hailee tara umuwi na tayo." Hindi ako pinansin ni Hailee. Feeling ko gusto n'ya ng umiyak pero pinipigilan n'ya lang.

Hinila ko si Hailee dahil mukhang nawala na siya sarili n'ya. Alam kong masakit 'yong nakita n'ya kanina kaya mas kailangan n'ya ako ngayon.

Ano bang meron kay Ryleigh and Floyd?

****

Notes: Sorry sa mga typo and errors guys di ko na chineck ulit. Kapag may time nalang ako mag edit. Edit ko, thank you so much. Enjoy reading.

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now