Ryleigh
Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko at gumagaling na rin ang mga sugat ko.
"Ryleigh!" Isang malakas na kalabog ang narinig ko sa pintuan ng kwarto ko. Dali-dali akong lumabas at si daddy ang nasa harapan ko ngayon.
"Totoo ba may ikinakatagpo kang ibang lalaki?" Napatingin agad ako kay Daphne na nasa likod lang din ni daddy. Nakataas ang kilay n'ya sa akin at nang-aasar na ngiti.
"Hindi 'yon totoo." Hindi naman kasi talaga.
"Anong nangyayari?" Dumating si mommy at siya ang pinagbuntungan ni daddy.
"Hindi ba sinabi kong pagsabihan mo 'tong anak mo?!" Isang malakas na sampal ang natanggap ni mommy mula kay daddy. Halos 'di ako makapaniwala sa nakita ko first time kong makita na sinaktan ni daddy si mommy. Usually kasi nakikita ko nag-aaway lang sila pero walang physical na nangyayari.
"Kapag 'di pa nagtino 'yang anak mo, alam mo na ang mangyayari." Galit na galit na umalis si daddy and si Daphne naman parang wala lang sa kan'ya ang nangyayari.
Tumingin ako kay mommy ngayon na luhaan.
"Mom," hahawakan ko sana siya pero tinabig n'ya ang kamay ko.
"Sinabi ko naman 'di ba sa'yo, kong may boyfriend ka makipag break kana. Layuan n'yo na ang isat-isa mahirap bang intindihin 'yon? Kahit para sa akin nalang." Ngayon ko lang din napansin na may pasa siya sa braso n'ya.
"Anong nangyari?" Agad nag-iwas si mommy at umalis kaagad.
Pagkatapos ng nangyari pinuntahan ko si Daphne na mukhang masaya habang nagbabasa ng magazine.
"Gusto mo talagang sirain ang pamilya ko no?"
"Hindi mo lang napapansin pero matagal ng sira ang pamilya mo." Hindi siya tumitingin sa akin at naka focus lang sa magazine na binabasa n'ya.
"Ano bang problema mo sa akin?" Hindi naman talaga ako galit dati sa kanya nong unang dumating siya dito. Sa totoo lang sobrang saya ko non, kasi finally magkakaroon ako ng ate. Pero kabaliktaran pala ang mangyayari kasi she never treated me as her little sister.
Tumayo siya at nilapag ang binabasa n'ya na magazine.
"Wala akong problema sa'yo! Naiinis lang ako kasi 'yong dapat na sa akin na sa'yo." Naiinggit pa siya sa lagay na 'to? Halos nagagawa n'ya nga lahat ng gusto n'ya habang ako naghihirap.
"Nasa akin? Nababaliw ka na ba?"
"Hindi mo maiitindihan pero kapag nalaman mo ang totoo for sure 'di mo kakayanin." Iniwan n'ya na ako after n'yang sabihin 'yan.
*****
Hindi ko na alam kong saan pa ako ngayon pupunta. Ayoko rin makagulo sa mga kaibigan ko, ayoko din mag stay sa bahay.
Napatigil ako sa pag-iisip ng makita ko sila, Chad. Kong bakit ba naman kasi sobrang malas ko! Actually ako naman talaga may kasalanan nakaraan prinovoke ko sila. Gusto ko kasing mawala lahat ng nararamdaman ko at mapalitan ng physical pain. Pero mas lalong lumala pa ang nangyari at yong sakit na nararamdaman ko.
"Yow, iniiwasan mo na ba kami?" Lima sila kasama 'yong girlfriend ni Chad. Kaya ko naman sila kaso 'di pa magaling 'yong mga sugat ko na natamo nakaraan. Pinagtulungan kasi ako nakaraan at mas marami sila nakaraan.
"Wala lang ako sa mood maki pag-usap sa inyo." Ayoko din muna kasi talaga maki pag-away pagod na pagod na ako.
"Suko ka na ba agad, gurl?" Panghahamon pa sa akin ng girlfriend ni Chad. Kapal ng mukha kapit lang naman siya sa boyfriend n'ya.
"Matapang ka lang naman kasi nandito boyfriend mo." Parang na insulto naman siya sa sagot ko.
"Gusto mo one on one pa tayo!" Panghahamon n'ya at namumula na 'yong mukha n'ya sa inis.
"Kaya mo ba talaga? Baka mamatay ka."
"You, bitch!" Agad n'ya akong sinabunutan pagsabi ko nyan. Yong boyfriend n'ya naman at mga kasama pa nito tuwang-tuwa habang nanonood sa amin.
Hinawakan ko 'yong ulo n'ya magkabilaan at inumpog ko sa ulo ko. Good thing nabitawan n'ya ako muntik pa siyang matumba. Inalalayan agad siya ni Chad.
"Bwesit ka talaga!" Nang maka recover siya agad siyang tumakbo palapit sa akin pero tinuhod ko siya. Nadapa siya at agad napatakbo sa pwesto n'ya si Chad at tinulungan ito ulit. Lakas talaga nito manghamon, e hindi naman marunong makipagbogbogan.
"Enough, Ryleigh! I told you kong ayaw mong masaktan." Gago ba 'tong si Chad? Yong girlfriend nya naman ang nanghahamon tapos ako pa papatigilin.
"Yong girlfriend mo pagsabihan mo." Madiing sabi ko.
"Gosh, may sugat na tuhod ko." Pag-iinarte naman nitong babae.
"Kasalanan mo to tignan mo may sugat na 'yong girlfriend ko." May sakit 'ata sa utak mga 'to. Dinuro duro n'ya ako sa noo kaya napapa atras ako dahil sa lakas nito.
"Ano ba!" Tinabig ko ang kamay nya ng duduruin nya naman ako. Aakto sana siya ng susuntukin ako ng may pumigil sa kamay nya at inunahan siyang suntukin nito.
Duguan ang labi ni Chad at tumingin kay Markie. Siya yong pumigil kay Chad at sumuntok dito.
"Anong problema mo Stephen?" Alam kong magkakilala sila na kwento sa akin dati ni Harry na malimit din sila tumambay don.
"Ikaw ano rin problema mo?!" Gaganti sana si Chad ng pigilan siya iba pa nilang kasama.
"Tama na, Chad." Naglakad na sila paalis pero tong girlfriend ni Chad mukhang may balak 'ata. Nagpahuli siyang maglakad at masamang tumingin sa akin. Hindi ko inaasahan yong gagawin nya. Tinulak nya ako ng sobrang lakas kaya na paupo ako at naitukod ko ang mga kamay ko. Pagkatapos nyang gawin sa akin tumakbo siya.
"Ayos ka lang ba?" Inabot sa akin ni Stephen ang kamay nya para tulungan akong tumayo. Naramdaman ko yong hapdi ng kamay ko ng iabot ko sa kanya. Napatingin ako dito may mga gasgas rin pala to at dumudugo.
****
Huminto kami sa isa sa mga nadaanan naming waiting shed.
"Bakit ang hilig mo ba makipag-away?" Kinuha nya sa bag nya yong bulak at alcohol.
"Hwag mo ng linisan gagaling din naman 'to." Umiling naman siya at hinawakan ang kamay ko. Napangiwi ako sa hapdi ng idampi nya yong bulak na may alcohol.
"Lakas lakas mo makipag-away takot ka naman sa alcohol."
"Kasalanan ko bang mas mahapdi kapag nilalagyan ng alcohol." Tumawa lang siya sa sagot ko.
"Alam mo nagtataka na ako, siguro stalker talaga kita." Paano kasi lagi nya akong nakikita kong na saan ako.
"Sige, isipin mo lang yong gusto mong isipin." Sobrang nakakahimala naman 'di man lang siya tumanggi or what.
"Paano mo nalaman kong na saan ako?" Lagi nya talaga ako natatagpuan kong na saan ako.
Natigil kami sa pag-uusap ng dumating si Oliver at Jake. Napatingin ako kay Oliver parang may kakaiba sa kanya ngayon or baka dati na talaga siya ganito.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong sa kanila ni Stephen.
"Hinahanap ka. Pero mauna na lang kami kasama mo pala panabong mo." Nangunot naman noo ko sa pinapagsabi ni Jake.
"Panabong?"
"Hwag mo na lang 'yan pansinin si Jake. Hindi lang yan nakainom ng gamot nya." Siguro nga 'di ko rin gets pinapagsabi nya, e.
Napatingin ako sa kamay ko na may band aid.
"Hwag ka muna makipag-away kawawa na yang katawan mo. Yong iba bago palang gumagaling tapos nadagdagan pa." Gusto ko siyang tanungin kong bakit siya ganito sa akin. Ayaw kong mag-isip ng kong ano pa.
****
![Markie Stephen [Bad Boy Series #3]](https://img.wattpad.com/cover/198778598-64-k963715.jpg)