Chapter 16

67 2 0
                                    


Ryleigh

Halos hindi mag sink-in sa akin lahat ng nangyayari. Ito ba 'yong sinasabi dati ni Daphne na baka kapag nalaman ko baka 'di ko kayanin. Well tama naman siya :di ko talaga kaya. Sobrang hirap tanggapin lahat. Hindi ko talaga kinakaya. Hindi ko alam kong ano bang kasalanan ko bakit nangyayari 'to sa akin?

Napatingin ako sa mga gamit namin ni mommy na nasa labas ng apartment. Dito kami hinatid ng driver ni daddy dito na daw kami titira. Actually kaya ko naman tumira dito pero ang 'di ko talaga kaya tanggapin yong katotohanan.

Hindi pa rin kami pumapasok ngayon sa loob dahil si mommy umiiyak pa rin. Wala rin akong lakas na maglakad papasok sa loob.

"Mom," hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanya kasi never kaming nag bonding at never kami naging close. Pero it hurts na makita siyang ganito.

"I'm sorry," I know it's my fault. Hindi ko din kasi alam na ganito pala ang mangyayari. Pero ayoko rin makasal sa taong kailan man hindi ko naging gusto. Ayoko rin maka sira ng relasyon ng iba.

"Ryleigh, please kausapin mo ang daddy mo. Baka mapatawad nya pa tayo at pabalikin o kaya kausapin mo si Floyd na ituloy ang kasal nyo. Hindi ko kayang tumira sa ganito." Napahagulhol na siya sa sobrang iyak nya. Agad akong lumapit kay mommy at inalalayan ito tumayo.

Habang inaalalayan ko siya unti-unti na kaming naglalakad papasok sa loob ng apartment. Kinapa ko ang switch sa may pinto para makita ang loob ng apartment.

Maayos naman 'yong apartment at maganda. Pero maliit lang may couch din na nandito kaya pinaupo ko muna si mommy. Kinuha ko na rin lahat ng mga gamit namin na nasa labas.

May second floor pala ito at dito yong room namin ni mama. Maliit lang siya may bed na rin na for single person lang bawat room. Pag bukas mo ng pinto ng kwarto hagdan agad bubungad sayo.

'So, I guess need ko na 'atang mag work para lang maka pag-aral ako at pang gastos dito sa bahay.

Bumaba na ako at nakita kong tulog na si mommy sa couch. Hinalungkat ko ang maleta ni mommy at kinuha ang blanket sa maleta nya para kumutan siya.

Dinala ko na lang muna yong mga gamit ni mommy sa bago nyang room. Kong dati napakalaki ng kwarto namin ngayon napakasikip nito hindi ko sure kong kakasya dito mga damit na ilalagay ni mommy. Yong comfort room din namin nasa baba at nag-iisa lang 'di tulad sa bahay na bawat room ay mirong bath room.

Inuna kong inayos 'yong mga gamit ni mommy sa kwarto nya. Para 'di na siya mag-aayos pa kinabukasan. Hindi ko na binuksan yong ibang nasa maleta nya na puro bag lang din ang laman. Hindi na din kasi kakasya pa para ilagay sa kwarto nya. Wala na siyang matutulugan pa kong ilalagay ko. Pagkatapos kong maayos ang lahat at pati na rin ang sa room ko bumaba na ako at tulog pa rin si mommy sa couch.

Wala pang pagkain na nandito kaya kailangan kong bumili. Pero wala naman akong pera kahit piso. Napatingin naman ako sa wallet ni mommy na nasa table.

'Siguro naman okay lang kumuha.'

Nagugutom na rin kasi talaga ako. Binuksan ko ang wallet nya at mabuti na lang may cash siya.

Lumabas ako ng apartment at naghanap ng convenient store na malapit dito. Gabi na din kasi feeling ko mag 9:30 pm na. Hindi ko pa kasi nahawakan ang phone ko kaya 'di ako sure.

Pagkarating ko sa convenient store bumili agad ako ng cap noodles at ng iba pang frozen foods. Bumili na rin ako bg drinks para naman magkalaman ang fridge doon at mga snacks.

Actually 'di pa rin talaga kami pinabayaan ni Daddy dahil complete lahat ng mga gamit sa apartment. Kulang na lang talaga don pagkain. Sabi din kanina ng driver bayad yong anim na buwan ng apartment. So, basically kami na ang magbabayad after six months.

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now