Ryleigh
Magka group kami ni Markie kaya naman nandito ako ngayon sa bahay nila. Sa bahay sana kami gagawa ng reporting pero 'di ako pumayag.
Nandito din naman si Christian may reporting kasi kami bukas. Actually hindi na dapat ako tutulong sa kanila. Okay lang naman na bumagsak ako sanay na ako doon. Kaso lang pinilit ako ni Daphne dahil nga graduating na ako baka daw 'di ako maka graduate. Ayoko rin naman na 'di maka graduate kaya kahit ayaw ko need ko pumunta dito.
Hindi ko rin alam kong anong gagawin ko, paano kasi nakaupo lang naman ako. Habang nakatingin sa dalawa na nag e-encode sa desktop.
"Wala ba akong gagawin?" Sabay silang huminto sa ginagawa nila at tumingin sa akin bago nagkatinginan.
"Nandyan ka pala?" Sabay pa na sagot nila. Ang sarap nilang sipain na dalawa mga bwesit. Bakit ba kasi ako pumayag na pumunta dito.
"Siguro dapat mong gawin ipagluto mo na lang kami." Si Christian nagsabi n'yan.
"Ayoko nga." Bukod sa 'di ako marunong magluto ayoko talaga.
"Ows, okay. Ikaw magrereport nito bukas." Parang gusto ko na lang mag absent bukas.
"Hindi ko nga alam ang topic tapos ako ipapa report mo."
"Pwede naman basahin mo naka sulat dito at pag-aralan, Ms. Ryleigh." Akala mo prof siya na pinapangaral ako. Pansin kong tahimik si Markie, actually kanina pa talaga siya tahimik nag salita lang siya nong sabay sila ni Christian.
Pero ano bang paki kong tahimik siya? Siguro tahimik lang talaga siyang tao.
Hindi ko na alam kong ano bang gagawin ko kasi kahit si Christian tumahimik na rin. Bibilangin ko ba yong mga gumagapang sa kisame? Kaso wala namang gumagapang kahit anong tingin ko. Kaya naisipan ko nalang umalis sa harapan nilang dalawa. Bahala sila dyan, siguro maglilibot na lang muna ako dito sa bakuran ng bahay nila. Actually ang laki ng bahay nila Markie as in super laki. Kaso nakakapagtaka lang na siya lang mag-isa dito. Wala akong alam sa buhay n'ya kaya di ko alam kong na saan ang parents n'ya.
Mas malaki 'tong bahay nila kaysa sa bahay namin.
Nag stay muna ako dito sa labas, may mini garden kasi sila dito tapos may fountain. Parang 10 minutes bago ako nakarating dito, ang lawak din kasi ng bakuran mismo nila. Literal na mansion 'ata talaga 'tong bahay nila.
Nakita ko si Christian na lumabas sa gate. Kahit medyo malayo ako nakikita naman dito kong may lumabas or pumasok sa gate. Saan kaya siya pupunta? Tapos na ba ginagawa nila? Pwede na kaya ako umuwi?
Naglakad na ako pabalik sa bahay nila Markie, tatanungin ko kasi siya kong tapos na ba. Para makauwi na rin ako or makaalis dito, wala din pala kasi ako balak umuwi.
Kaso napahinto ako nang makita ko siya na nasa harap ko na. Hindi ko alam kong anong sasabihin sa kanya kahit na may itatanong naman talaga ako sa kanya.
Ang awkward lang kasi walang nagsasalita sa aming dalawa. Magsasalita na sana ako ng makita ko ring balak n'ya rin mag salita kaya napahinto ako. Kailan pa kaming dalawa naging ganito? Pagkakaalam ko lagi kaming nag-aaway pero bakit naging awkward?
"May sasabihin ka ba, mauna kana." Aniya.
"Hindi ikaw na." Pero dapat talaga ako na lang nauna.
"Sige." Ang cold ng pagkakasabi n'ya mararamdaman mo 'yong lamig.
"Anong meron sa inyo ni Floyd?" Sabi ko nga 'di ba dapat ako na lang sana nauna para nakaalis na sana ako.
"Wala." Sagot ko.
"Liar." Nainis ako sa sagot n'ya pero tama siya sinungaling ako.
"Bahala kana kong anong gusto mong isipin pero wala. Yon ang sagot sa tanong mo 'wala'." Medyo umiinit na naman dugo ko atleast mas okay na 'yong ganito kaysa naman awkward.
"May girlfriend si Floyd at alam kong alam mo 'yon. Sana alam mo ang limitation mo." Hindi ko alam ang pinapagsabi n'ya. Nakita n'ya ba kaming dalawa ni Floyd na mag kasama? Kaya ba biglang naging ganito pakikitungo n'ya sa akin.
"Ano bang pinapagsabi mo? Wala akong ginagawang masama."
"Really, ha?" Parang iba 'yong tingin n'ya sa akin ngayon. Parang feeling ko galit na galit siya sa akin at inaagaw ko si Floyd kay Hailee.
Hindi ko naman kasalanan na ipakasal kami ng parents namin. Naiintindihan ko naman si Hailee pero wala siyang dapat ika selos don.
"Nakita namin kayo ni Hailee nong sinundo ka ni Floyd. Hindi lang 'yon nakita ko rin kayong dalawa ni Floyd sa resort." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil 'di ko alam kong anong isasagot ko. Nahihiya din ako kay Hailee lalo na nakita n'ya pala kaming dalawa. Hindi ko naman sinasadya na makasakit.
"Kong alam mo lang kong gaano kasakit kay Hailee na makita kayong dalawa. Habang hinihintay n'ya si Floyd, iba na palang babae ang sinusundo. Aware ka naman na silang dalawa, pero bakit?" Naiiyak na naman ako, ayoko umiyak sa harap n'ya.
"Hwag kang mag-alala hindi ako katulad ng iniisip mo. Hindi ko inaagaw si Floyd sa kan'ya." Hindi ko naman talaga inaagaw sadyang naiipit lang kami ni Floyd gawa nang parents namin.
Ayoko rin ipaliwanag ang sarili ko sa kanya hindi naman kasi kailangan. Gusto kong si Floyd mismo ang magsabi sa kanila ng totoo, ayokong manggaling sa akin.
"That's good to hear then. Iwasan mo na lang si Floyd kong ayaw mo makasakit. Pero kong talagang gusto mo si Floyd sabihin mo sa kan'ya na makipag break na siya kay Hailee." Hindi na ako sumagot pa, mabuti nalang din dumating na si Oliver.
"Tara guys bumili akong meryenda." Kararating lang ni Christian may mga dala siyang paper bag.
"Hindi na ako sasama uuwi na lang siguro ako." Nawalan na kasi talaga ako ng gana mag stay pa dito. Alam kong galit sa akin ngayon si Markie at iba ang tingin n'ya sa akin. Naiintindihan ko naman siya dahil kaibigan n'ya silang pareho. Pero sa akin kaya kailan may makakaintindi ng nararamdaman ko?
"Ang aga pa Ryleigh para umuwi ka. Tsaka ibibigay pa namin sa'yo yong copy para mapag-aralan mo. Tsaka sayang 'tong binili ko, para sa atin kasi 'tong tatlo."
"May nangyari ba?" Siguro napansin ni Christian na ang tahimik naming dalawa.
****
In-arrange na namin yong binili na food ni Christian, actually pang tatluhan talaga yong binili n'ya na food parang sobra pa nga.
Kukuha na sana ako ng pagkain ng may ma ingay na pumasok, si Jake and One pala ang dumating.
"Tamang tama pala timing natin pre!" Tuwang tuwa na sabi nila at sabay na tumakbo papunta sa lamesa at kumuha.
"Hoy! Hindi yan para sa inyo!" Sigaw ni Christian. Hindi siya pinansin ng dalawa at sumubo agad ng pagkain na nasa lamesa.
"Hi Ryleigh." Tumango lang ako kay One.
"Bakit pala ang tahimik ng isa dyan?" Tinutukoy nila si Stephen na kanina pa talaga 'di nagsasalita.
"Pre, binasted 'ata 'yan kaya ganyan."
"Babeby Markie, bat ka naman tahimik?" Bago lumapit sa kanya si One at minasahe 'yong balikat n'ya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.
"Siraulo! Hindi porket tahimik may problema na."
"Ayan atleast nag salita kana babeby!" Napangiti ako habang naka tingin sa kanila.
Ang saya ng friendship nila namimis ko din tuloy sila Winter. Namimis ko rin kapag sumasali kami sa street fight and kapag ginugulo namin sila Chad.
******
![Markie Stephen [Bad Boy Series #3]](https://img.wattpad.com/cover/198778598-64-k963715.jpg)