Chapter 15

57 3 0
                                    

Stephen

Nag p-practice kami ngayon para sa graduation. One month na 'yong nakalipas at 'di na talaga pumasok si Ryleigh after nong nangyari. Wala akong balita sa kanya kong ano ng nangyari sa kanya. Gusto ko sana pumunta sa bahay nila pero baka mas malala lang 'yong mangyari sa kanya.

"Hoy!" Napatigil ako sa pag-iisip ng tinulak ako ni One kasi 'di pa pala ako naglalakad papunta sa stage.

Pagkatapos ng practice lumapit ako kay Winter at napansin ko pang nakatingin sa amin si One.

"Alam ko na kong bat ka lumapit? Itatanong mo si Ryleigh, right?" Agad naman akong tumango.

"Sabi na, e. Lumalapit ka lang sa akin kapag may kailangan." Napansin nya 'atang seryoso talaga ako at nag clear throat siya.

"Ganito kasi wala din ako balita sa kanya. Kapag pumupunta ako don ayaw ipakausap sa akin si Ryleigh nag-aalala na nga ako sa kanya. Tapos nakapag take na rin naman siya ng exam via online." Napansin kong tingin ng tingin talaga sa amin si One.

"Thanks for the info." Bumalik na ako sa pwesto ng mga kaibigan ko.

"Bakit kausap mo si Winter, may nagpapatanong." Tanong agad sa akin ni Ayen. Tanging si One lang din naman katabi nya kaya for sure si One nagpapatanong.

"Secret walang clue," sagot ko.

*****

Ryleigh

Binuksan na 'yong room kong saan ako nakakulong. Mukhang papalabasin na rin ako sa wakas. Ilang days, weeks din ang binilang ko sa loob ng room na 'yan.

Napahinto ako ng may mga maleta na nandito mukhang mga gamit ko ito. Pero sobrang dami hindi ko alam kong kanino 'yong iba.

Naglakad ako papunta sa living room. Nag-aaway si daddy and mommy.

"Dan, pag-usapan natin 'to. Hindi mo kami pwede palayasin na lang ng ganito ni Ryleigh." Napaawang ang mga labi ko sa narinig ko.

"Ano pa bang magiging silbi nya dito sa pamamahay na 'to kong 'di rin naman matutuloy ang kasal. I told you kapag 'di natuloy ang kasal lalayas kayong dalawa." Lumapit naman ako sa kanila at tinignan lang ako ni daddy na parang 'di nya anak.

"Ryleigh, bumalik ka muna sa loob." Sabi sa akin ni mommy pero 'di ko ito sinunod.

"Dad, anak nyo po ba talaga ako?"

"Anong klaseng tanong 'yan Ryleigh, anak ka namin ng daddy mo."

"Mom, si daddy ang tinatanong ko. Anak nya po ba talaga ako? Kasi never kong naramdaman na anak nya ako. Bakit parang mas turing nya pa kay Daphne ay totoong anak compare sa akin. Sagutin nyo po ako gusto ko malaman ang totoo." Humarap naman sa akin si daddy bago humarap kay mommy na puno ng galit sa mga mata nya.

"It's your mom fault. Pinilit nya ang parents ko na ipakasal sa kanya kahit na 'di ko siya mahal. Totoo kitang anak pero totoo ko ring anak si Daphne. Anak ko siya sa babaeng gusto kong makasama habang buhay pero sinira lahat ng mommy mo." Tuluyang pumatak ang luha ko sa mga nalaman ko. Kaya pala iba ang turing nya sa amin ni Daphne.

Naiitindihan ko na ang lahat ngayon.

"Kaya ba pinaparusahan mo ako ng ganito? Sa akin ba lahat mapupunta ng galit mo kay mommy?"

"Yes, para maramdaman nya yong naramdaman ko nong pinagkait nya sa akin 'yong buhay na gusto ko."

"Paano naman yong nararamdaman ko? Anak nyo rin naman ako? Ni minsan ba 'di mo ako tinuring na anak dahil sa galit mo kay mommy?" Hindi siya naka pag salita at mukhang alam ko na 'yong sagot.

Napatakbo ako sa labas ng bahay at 'di alam kong saan ang papatunguhan. Bakit kailangan pang maging ganito ang buhay ko?

*****

Stephen

Graduation na ngayon at mukhang 'di ko na talaga siya makikita pa. Last pace ko na talaga na gagawin mamaya ang pumunta sa bahay nila at kidnappin siya. Pero bago ang lahat kailangan ko munang tulungan magkaayos si Floyd and Ryleigh.

Nandito na kami ngayon sa camp at nanonood kila Hailee. Gusto kasing maki tsimis ng mga ugok na 'to kaya sumunod kami kila Floyd.

"Jake, ikaw wala ka balak makipag ayos." Bulok ko kay Jake na ikinasama naman nya ng tingin.

Mukhang sumasama talaga timpla ng mukha ni Jake kapag napapag-usapan yong ex nya. Kaya lumapit nalang ako kay Oliver na tahimik sa gidli.

"Oliver, papatulong pala ako." Magpapatulong ako sa kanya kong paano makapasok sa loob ng bahay nila Ryleigh, e.

"Ano 'yon?" Hindi ko tuluyang nasabi kay Oliver dahil hinila na ako ni One and Ayen palapit kay Hailee and Floyd. Mukhang okay na silang dalawa, good for them.

****

Palabas na kami ngayon ng camp at lumapit sa akin si Oliver.

"Papahanap mo ba si Ryleigh?" Teka- paano nalaman ni Oliver 'to?

"Nahalata ko lang. Lagi ka kasi nakatingin sa bakanteng upuan at si Ryleigh 'yong nakaupo don. Plus nakita ko kayo mag kasama." Mukhang ang dami nya nga alam about sa amin. Pero buti na lang 'di siya katulad ni Jake.

"Papasama lang sana ako pasukin yong bahay nila. Ready ka ba?"

"Anong papasukin?" Biglang sulpot ni One and ng iba pa.

"May nanakawan kayo?" - Thunder

"Ano yan?" - Ayen

"Mukhang kakawatin lang ni Stephen 'yong tandang nya. Ilalaban nya kasi yon bukas sa sabongan." Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa pinagsasabi ni Jake.

"Grabe pala pagka adik mo dyan sa tandang mo Stephen." Nagtawanan naman sila.

*****

Nandito na kami sa labas ngayon ng bahay nila Ryleigh.

"Here's the blue print." Tinignan ko pasikot sikot sa bahay nila Ryleigh. Hindi na rin ako nagtanong kay Christian kong saan nya to nakuha. Nakalagay din dito kong saan yong room ni Ryleigh.

Magiging look out lang muna siya dito sa labas incase na may tao. Pero pagkakaalam ko nagawan ng paraan ni Oliver ang lahat.

Mabilis lang ako nakapasok sa loob ng bahay nila, Ryleigh. Wala kasi talagang tao nandito. Pumunta ako agad sa room ni Ryleigh.

Sobrang linis ng kwarto nya at wala man lang gamit kahit isa. Tinignan ko isa-isa ang mga cabinet nya at drawer wala na rin mga laman ito.

Lumabas ako sa kwarto nya baka nasa ibang room siya.

Nakapasok ako sa isa sa mga kwarto dito. Sobrang ganda ng room na ito at madaming gamit.

Napansin ko rin yong larawan na nasa table nya. Picture ni Daphne ito at yong daddy nila. May isang pamilyar na babae na nandito at kamukhang kamukha ni Daphne. Pero iba 'yong nasa internet na asawa ng father ni Ryleigh. Siya yong nagpalalayo sa akin kay Ryleigh.

Tumingin pa ako sa ibang gamit ni Daphne. Napansin ko ang isang book na nakapatong sa taas ng drawer nya. Binuksan ko isa-isa bawat pages. Mukhang diary nya lang naman 'to.

Aalis na sana ako sa kwarto nya ng ma isip ko basahin ang last page ng diary niya. Baka makakuha ako ng clue kong na saan si Ryleigh.

Agad kong hinanap 'yong pinaka last na sinulat nya.

Dear Diary,
I'm happy right now, kasi finally natupad na 'yong matagal kong pinapangarap. Nalaman na ni Ryleigh na tunay din akong anak at hindi natuloy yong kasal nila ni Floyd kaya pinalayas sila ni daddy. Sa wakas masosolo ko na rin ang lahat. Dapat talaga matagal na 'tong nangyari pero mabuti na rin at nangyari na nga.

Hindi na ako nag abala pang basahin ang ibang sinulat ni Daphne. Atleast alam ko na rin ang mga nangyari. Bumalik na ako kong saan si Oliver pagkatapos kong mabasa. Sakto din nong dumating ang sasakyan ni Daphne ng makalabas ako ng bahay nila. Pumasok ako sa loob ng kotse baka mapansin akong nandito.

"Nakita mo ba siya?" Umiling ako sa tanong ni Christian. Pero hahanapin ko siya lalo na kailangan nya ng kasama.

*****

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now