Chapter 11

60 5 0
                                    


Stephen

Malayo pa lang ako kita ko na ang mukha n'ya na puno ng sugat may dugo rin ang damit n'ya. Nang makalapit ako ng tuluyan nakahawak siya sa tiyan n'ya mukhang may tama din 'yon. May mga gasgas din siya sa binti and braso n'ya. Hindi n'ya ako pa ako napapansin dahil nakapikit siya.

"Gusto mo na bang mamatay?" Don n'ya lang iminulat ang mga mata n'ya at marahang tumawa.

"Mas okay na 'tong sakit na ganito atleast kinakaya ko." Lumapit ako sa kan'ya at tinignan 'yong likod ng braso n'ya kong may mga sugat pa ba. Pati na rin 'yong likod n'ya mismo.

"Ano bang ginagawa mo?" Halata na pagod na pagod siya at masakit ang katawan dahil 'di n'ya man lang ako mapalagan.

"Anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako?" Binuhat ko siya para magamot ko mga sugat n'ya. Wala kasi ako ditong first aid kit nasa kotse ko kaya dadalhin ko na lang siya don. Wala rin naman siyang nagawa dahil nanghihina siya.

Pagdating sa kotse ibinaba ko na siya.

"Pumasok ka na or gusto mo ako na mismo magbubuhat sa'yo papasok sa loob?" Inirapan n'ya lang ako at pa ika-ika pa siyang naglakad papasok sa loob ng kotse ko.

Hinanap ko 'yong first aid kit ko kaso mukhang 'di ko nadala kaya no choice kun'di iuwi ko siya sa bahay.

"Saan tayo pupunta?" Hindi ko siya sinagot at 'di na rin siya nangulit. Mas maganda pala kapag ganito siya kasi nanahimik siya. Hindi ko rin naririnig 'yong boses n'ya na iritang irita sa akin.

Tumingin ako sa kan'ya na ngayon ay nakapikit na. Halatang halata na pagod talaga siya buti na lang 'di mas malala ang nangyari sa kanya.

****

Nakarating na rin kami sa bahay at siya naman hirap na hirap maglakad papasok. Hinanap ko kaagad 'yong first aid kit para naman magamot ko siya agad. Sa hospital ko sana siya dadalhin pero nag insist siya na 'wag na, kaya itinuloy ko na talaga ang balak ko na dito na lang siya sa bahay gamotin.

Nakaupo siya ngayon sa sofa at namumutla pa. Tumabi ako sa kan'ya para magamot ko na ang nga sugat n'ya.

"Ako na ang gagamot sa sarili ko."

"Hindi mo nga halos maigalaw ang braso mo tapos gusto mo pang ikaw ang gagawa." Tsk, tsk, tsk napaka tapang talaga ng babae na 'to.

Hindi ko siya pinagbigyan at wala na rin naman siyang nagawa kasi 'di n'ya talaga gaanong maikilos ang braso n'ya.

"Bakit mo ba na isipan maki pag-away don kila, Chad. Iniwasan mo na lang sana sila." Sabi ko habang ginagamot ko ang sugat n'ya sa braso.

"Trip ko lang." Napailing na lang ako.

"May iba pa bang masakit sa'yo or may iba ka pa bang sugat?" Tanong ko sa kan'ya matapos kong magamot mga sugat n'ya. Marahan naman siyang umiling.

"Tapang mo kasi, e." Pumunta ako sa kusina para maghanda ng makakain. Mabuti na lang wala dito mga maid namin. Baka mag sumbong mga 'yon sa parents ko na may dinala akong babae dito na basagulero. Pero wala naman din sila magagawa.

"Kumain na muna tayo." Inalalayan ko siya umupo sa lamesa kawawa naman kasi hirap na hirap maglakad.

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Nasa hapag kainan na kami ng tanungin n'ya ako.

"Anong gusto mong gawin ko? Ganyan kalagayan mo pababayaan lang kita?"

"Oo, kasi 'di ba galit ka sa akin?"

"Hindi ako galit, kumain ka na nga lang." Nakailang subo na ako ng mapansin kong pati paggalaw ng labi n'ya hirap siya. May sugat din kasi labi n'ya.

"Ngayon nagsisi ka na bang nakipag basagan ulo ka don? Tignan mo, sarili mo lang din pinahirapan mo." Akong nahihirapan kapag tumitingin sa kalagayan n'ya.

"Sanay naman akong mahirapan." Inagaw ko sa kan'ya 'yong kutsara at inihipan 'yong kanin at ulam. Medyo mainit pa kasi 'tong niluto ko baka mapaso pa siya.

"Say, ahhh." Inilayo n'ya sa akin 'yong mukha n'ya at ayaw magpasubo.

"Hwag ka nang maarte, 'wag mo na pahirapan pa sarili mo." Napilitan naman siyang sumunod sa akin. May advantage din talaga kapag ganito kalagayan n'ya 'di siya nagrereklamo.

Matapos naming kumain, niligpit ko na ang pinagkainan namin. Malapit na rin dumilim at parang uulan pa 'ata.

"Uuwi ka ba? Ihahatid kita baka kasi umulan ng malakas." Mukhang ako lang 'ata dito ngayong gabi. Minsan kasi wala dito 'yong mga maid namin dahil naka day off siguro. Hindi ko na alam, wala naman kasi akong pake. Tsaka minsan 'di din ako umuuwi kaya siguro akala nila 'di ako uuwi.

"Pwede bang dito na lang ako matulog? Ayoko kasing madatnan ako ng parents ko na ganito ang kalagayan." Mukhang tama naman siya.

"Sige, pero ngayong gabi lang. Ihahatid kita bukas ng umaga sa inyo." Agad naman siyang tumango.

"Sige, thank you." Grabe, iba talaga nagagawa ng nangyari sa kanya, bigla nalang siyang bumait.

Umakyat kami sa second floor ng bahay para ihatid siya sa guest room namin. Mag katabing room lang kami.

"Kapag may kailangan ka katok ka lang sa kwarto ko. Nasa kabilang side lang." Hindi na siya sumagot pa.

Bumaba muna ako para mag check sa labas. Nandito na pala 'yong dalawang maid namin nag tsi-tsismisan pa.

"Good evening, sir." Bati nilang dalawa sa akin.

"Pa luto na lang po ng dinner, kong pwede po 'yong may sabaw lang." Hapon na kasi kami kumain ni Ryleigh, nagpahanda lang ako baka gutumin siya mamaya before midnight.

"Siya nga pala may bisita ako nasa guest room pa check na lang po siya, pakitanong na rin kong may kailangan after n'yo dyan."

Bumalik na ako ulit sa taas, sa kwarto ko para na rin mag pahinga. Sumilip ako sa bintana at malakas ang ulan. Ganito maganda matulog.

*****

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto at inis na binuksan ito. Isa sa mga maid namin 'yong kumakatok.

"Ano bang kailangan mo?!" Feeling ko kasi midnight na 'to tapos nanggugulo pa ng tulog.

"Sir, 'yong bisita n'yo po kasi inaapoy ng lagnat." Nawala bigla 'yong antok ko at napatakbo ako agad sa guestroom.

Pag check ko kay Ryleigh tulog ito pero sobrang init.

"Kanina pa ba siya nilalagnat?"

"Opo, sir."

"Bakit ngayon n'yo lang ako ginising?"

"Kanina pa po ako kumakatok, sir. Pero 'di po kayo sumasagot." Napa sulyap ako sa bintana at malakas pa rin ang ulan, may bagyo ba? Inayos ko ang kurtina sa kwarto ni Ryleigh dahil baka nilalamig siya.

"Ano po bang ginagawa kapag inaapoy ng lagnat?" Mukhang sa sobrang pagod n'ya kaya siya nagkasakit.

Pinakuha ko na lang ang maid namin ng bimpo na may cold water. Hindi na dapat talaga ako ang gagawa nito kay Ryleigh pero naawa ako sa maid namin kasi halatang antok na siya.

Nilagyan ko lang ng bimpo 'yong forehead ni Ryliegh. Naghanda na rin ako sa tabi n'ya ng gamot at mineral water incase na magising siya. I hope she will be okay tomorrow.

*****

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now