Chapter 06

83 6 0
                                        

Ryleigh

Hindi naman talaga ako dapat sumama kahapon kay Floyd, kaso kailangan dahil inutusan siya ni mommy. Wala na rin naman akong nagawa kailangan kasi siya yong maghahatid sa akin pauwi. Parang ginawa naman nila akong bata na 'di alam ang pauwi nakakainis.

Napatayo ako ng may marinig ako na ingay mula sa baba. It's mom and dad nagtatalo na naman sila, as usual palagi naman talaga silang nagtatalo hindi lang nila pinapakita sa amin dati. Akala ko nga napaka perfect ng pamilya ko. Tsaka ko lang na realize ang lahat nong nag high school na ako.

Bumaba ako at wala akong balak na pansinin ang parents ko. Kahit na nag-aaway pa sila sanay na ako wala namang bago pa, tsaka wala naman silang paki sa akin.

"Ryleigh! Saan ka pupunta?" Napahinto ako sa tanong ni mommy. Actually hindi ako makapaniwala na may pakialam na sila sa akin ngayon. Ang dami ko kayang ginagawang kagagohan sa school para lang ma pansin nila ako.

Tapos ngayon? Bakit biglang ganito? Dati rati kasi 'di naman sila nagtatanong. Lagi akong nawawala dati at never sila nag tanong kong saan ako pupunta. Ngayon lang 'ata sila nagkaroon ng pakialam sa buhay ko.

"Aalis po, gusto ko lang ng lugar na tahimik." Sagot ko, hindi ko sure kong medyo rude ba 'tong sagot ko sa kanila.

"Dapat kasama mo si Floyd sa mga lakad mo. Para naman mas ma kilala n'yo pa ang isat-isa." Si Daddy naman nakaupo lang at nakikinig sa amin ni mommy.

"Baka po busy siya tsaka kaya ko na po mag-isa, hindi na po ako bata." Puro nalang si Floyd nakakainis.

"Pero mas maganda na kasama mo si Floyd. Tatawagan ko siya ngayon."

"Mom! Pwede ba?!" Hindi na ako nakatiis bakit naman kasi palagi nalang si Floyd! Gusto ko ngang mag-isa eh.

"Hindi n'yo po ba naiintindihan? Ang sabi ko po pupunta ako sa lugar na tahimik. Gusto kong mapag-isa! Bakit hindi n'yo po 'yon maintindihan?! In the first place din po alam n'yo na ayaw kong ma kasal sa kan'ya. Pero sinunod ko pa rin kayo, sana naman kahit mga ganitong bagay lang pag bigyan n'yo na ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mommy dahil palagi naman silang ganon. They don't listen to me.

*****

Pumunta ako sa resort namin. Pero ayokong dito tumambay sa loob ng resort kaya naisipan kong pumunta sa floating dock.

Umupo ako don at binaba ang mga binti ko sa tubig, nakaka stress naman ang araw na 'to.

Nag vibrate ang phone ko at tinignan ko kong sino ang nasa notification. Si Floyd nagtatanong siya kong na saan ako. Nakakainis talaga si mommy sure akong inutusan n'ya na naman 'yong tao 'di n'ya ba feel na napipilitan na lang kami.

Hindi na ako nag reply pa kay Floyd dahil ayoko nga ng may kasama. Gusto ko talagang mag-isa ngayon.

*****

Markie Stephen

Magkakasama kami ngayong lahat maliban kay Floyd at syempre nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila.

"Stephen, anong nangyari sa'yo? Pansin ko lang kasi parang kahapon ka pa tahimik, may nangyari ba?" Nag sang-ayon naman kay Christian 'yong iba. Napansin pala nila pananahimik ko.

"Luh, nanibago kayo dyan? Eh kahapon nga ngumingiti yan mag-isa." Potek na Jake 'to sarap batuhin!

"Bakit ako ba pinapansin n'yo? Si Floyd dapat pinapansin n'yo." Siya naman talaga dapat 'di ba nila napapansin kong anong pinagbago n'ya?

"Ano meron pa tsismis?" Lumapit naman sa akin si One at tumabi.

"Hindi ako tsismoso! Nagsabi lang ako na dapat si Floyd pinapansin n'yo."

"Nagpapansin lang talaga ako sa'yo baybeh." Pabebeng sabi ni One.

"Baybeh, na mis kita." Bago nag finger heart ako, para kaming tanga ni One nito.

"Awit sa inyo, kadiri!" Binato ko ng ballpen si Ayen kahit na 'di naman siya natamaan dahil nakaiwas agad.

"Hwag ka kasi manood Ayen, pang spg content nila." Sabat naman ni Clyde. "Bakit nga pala 'di naka punta si Floyd?" Pag-iiba ng topic ni Clyde. Goods 'yan dapat talaga si Floyd 'yong ma pansin nila.

"Hindi namin alam ang sabi may emergency kaya 'di siya makakasama."

"So, saan ba tayo?" Nakikinig na lang ako sa pinag-uusapan nila.

"May kaaway na naman ba kayo?" Si Third ang nagtatanong, sa amin kasing lahat siya yong may pagka good boy. Hindi siya masyadong sumasama sa gulo pero kapag inabot siya ng topak n'ya mas malala pa siya sa amin.

"Wala naman trip lang namin guluhin sila Ricky." Sila Ricky kasi nakaraan 'yong nantrip sa sasakyan ni Aaron. Wala naman kaming balak pa makipag basag ulo dahil nagbago na kami. Pero 'di talaga maiwasan 'yong mga ganitong bagay.

"Takot naman mga 'yon 'di marunong lumaban ng patas, gusto pa traydor amp."

"Iharap lang natin si Clyde baka magsi takbuhan na sila." Oh yeah, pero walang nakakaalam about kay Thunder na hindi siya katulad ng isang normal lang.

Iba yong kinalakihan n'yang mundo, naging mag kaibigan lang talaga kaming lahat dahil same subdivision kaming lahat. Pero nitong lumaki na kami syempre 'yong iba lumipat na ng bahay at naging classmate kami ulit ng nag senior high kami.

"Hindi naman nila alam kong ano si Clyde. Pero pag nag background check sila baka matakot sila." Masyadong mapanganib 'yong family ni Thunder, kaya ilang years lang din naming siya na kasama. Lumipat kasi sila ng bahay nong 10 years old pa lang siya, 'di nga namin akalain na babalik siya ulit.

Kaya kapag may mga kalokohan kami lagi kaming nakakaligtas.

"Pero pre, paano pala 'yong dati 'di ba may nabaril si Floyd?" Oo nga pala nong ni ligtas n'ya dati si Hailee.

"Don't worry nagawaan ko 'yon ng paraan, ako pa ba?" Mayabang na sagot ni Thunder.

"Saan ba location ng mga gunggong na 'yon ngayon?"

"Nasa isang resort sila."

"Anong resort? Baka ma influential yong may-ari patay tayo kapag nanggulo tayo." Hindi rin naman nalalaman ng parents namin mga kalokohan namin dahil laging nagagawaan ni Thunder ng paraan 'yon.

"Okay lang yan, mas malakas kapit ni Thunder." Tumingin ako kay Thund at nag dominance smile sa kanya.

"Anong meron sa resort don?"

"Debut party nong kapatid ni Ricky. Magandang panggulo 'to mga tsong. Ipahiya ba natin si Ricky para mag tino?" Medyo boring din talaga ako sa buhay ko ngayon. Wala kasi akong kasama sa bahay plus nag-iisang anak lang din ako.

Pero soon baka kasama ko na rin sila Hailee sa bahay 'yon nga lang baka matagalan. Nasa ibang bansa kasi sila mom and dad.

"Yeah, may video ako nong pinaka embarrassing moment n'ya." Kapag naging excited na rin talaga si Third nagiging mas demonyo pa siya sa amin.

Lumabas na kami ng bahay nila Christian, nasa bahay kasi kami nila christian. Sabado din ngayon kaya wala kaming pasok kaya timing.

Pumasok na kami sa kan'ya kanya naming kotse. Si Ayen nalang lala 'yong wala sa aming kotse dahil minor pa siya.

Nag beep ang phone ko at nakita kong nag message pala si Aaron.

"Send location mga pre." Hindi ko rin pala alam kong saan 'yong location.

Sinend naman ni Jake 'yong location. Medyo malayo kasi 45 minutes bago kami makarating don. Pero maaga pa naman tama lang magiging dating namin don.

****

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Stories to obsess over. Discover now