Chapter 02

91 10 1
                                    

Nagising akong masakit ang ulo dahil 'di ako maayos na naka tulog kagabi. Parang 3 am na 'ata ako naka tulog, 'di rin kasi ako comfortable sa matigas na higaan.

"Gising ka na pala madam, kumain na tayo." Sobrang saya naman ng babae na 'to, napatingin ako sa whole clock nila dito sa room at 8:40 am na pala.

Bumangon ako para sana lumabas, kaso napa hinto ako nang may ibang taong nandito. Potek! Kagigising ko lang pati tapos wala akong hilamos baka may laway pa ako or what!

Agad akong tumalikod sa kanila at pumunta agad sa lababo nila Zhanya at nag hilamos.

"Hindi ko pala nasabi sayo Ryleigh na nandito sila Jake and Markie," hindi ko sila kilala, ngayon ko lang sila nakita. Pero alam kong Jake ang pangalan nong boyfriend ni Zhanya.

Teka wait? Parang pamilyar yong isa? Lumabas na rin ako ng matapos ako mag hilamos at mag toothbrush, buti nalang talaga may baon akong toothbrush sa bag ko.

Napa tingin ako sa isang lalake at hindi nga ako nagkamali siya 'yong lalake.

Naka tingin lang din siya sa akin pero naka taas ang kilay. Anong problema nito sa akin? Napaka sungit amp! Napatingin naman ako sa kasama n'ya. So, ito pala si Jake, bago ko lang kasi siya nakita.

"Kumain na nga tayo." Napatingin ako sa lamesa hindi ko alam kong anong ulam ang nandito. First time ko lang talaga kumain ng ganito kaya 'di ko rin alam ano tawag dito basta ulam 'yon na yon.

"Saan 'yong kapatid mo?" Tanong ko kay Zhanya.

"Inutusan kong bumili ng ice and juice, maya-maya dito na rin 'yon, tsaka nga pala si Jake and kaibigan n'ya si Stephen."

"I thought it's Markie?" Sabi n'ya kasi kanina Markie, e.

"Ay, second name nya 'yong Markie hahahaha." Ngumiti na lang ako, paano kasi ang sama talaga ng tingin sa akin ng lalake na 'to. Ginawa ko ba sa kanya? May ginawa ba ako sa kanya nong nagkita kami? Alalahanin mo Ryeleigh!

The fuck! Sinuntok ko nga pala siya! Sobrang tanga mo Ryleigh! Mukhang 'di n'ya pa nakakalimutan ang ginawa ko.

"Ryleigh!" Natauhan ako ng inalog ako ni Zhanya.

"Ayos ka lang ba?" Napatingin naman ako ulit kay Stephen na ngayon ay naka teasing face sa akin.

"Ayos lang ako, kumain na lang tayo." Kumuha na ako ng kanin at ng ulam kahit na 'di ko alam kong anong tawag dito sa ulam. Pero masarap naman 'yong lasa n'ya 'di na masama.

Iniiwasan ko rin tumingin sa side nong Stephen. Kainis naman kasi. Pero bakit ba kailangan kong umiwas? Wala naman akong kasalanan.

Oo nga wala akong kasalanan! Siya 'tong bastos, e.

"Nakakainis naman kong bakit naman makikita ko pa 'tong lalaki na 'to!" Oh Shit! Napalakas 'ata ang pag sabi ko.

"Anong nakakainis Ryleigh?" Nag smile ako kay Zhanya.

"Alam mo na 'yon," pinilit ko talagang 'wag maging weird baka maghinala siya na may iba sa ikinikilos ko.

"Hwag mo na lang isipin mona 'yan, uuwi ka ba?"

'Uuwi na lang siguro ako kaysa makasama sila,' bulong ko.

"Anong sabi mo?" Nagulat ako sa biglaang pag salita ni Markie.

"Ha? May sinasabi ba ako? Wala akong sinasabi duh!" Sagot ko na ikinataas n'ya ng kilay. Parang tanga siya ngayon, ba't ba hilig nito tumaas ng kilay naiinis akong makita mukha n'ya.

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now