Chapter 17

67 2 0
                                        

Ryleigh

Biglang nawala yong sakit ng ulo ko at kalasingan ko ng makasalubong namin ang grupo nila Chad. Napakarami nila at halos wala ng tao na nandito sa kalsada dahil madaling araw na for sure.

"Hwag ka nalang sigurong umuwi, Ryleigh." Dinig ko pang sabi ni Stephen. Babalik pa sana kami kong saan kami nanggaling kanina pero hinarangan kami ng iba pang mga kasama ni Chad. Hinawakan ni Stephen ang braso ko.

"Saan kayo pupunta?"

"Ano bang problema mo Chad?"

"Akala mo ba 'di namin nakakalimutan ang nangyari nakaraan." Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang dahil nagsisimula na naman umikot ang paningin ko. Bad timing naman ang dating nitong sila Chad. Hindi ko kayang makisabayan sa kanila dahil lasing na lasing ako.

"Sobrang babaw mo naman kong yon lang ang dahilan." Sagot naman ni Stephen sa kanila.

"Hindi lang yon dahil yang si Ryleigh malaki kasalanan nyan sa amin." Wala naman akong matandaan na may malaki akong kasalanan sa kanila. Maliban na lang sa part na hinamon ko sila.

"Nagkita tayo ulit." sabi sa akin ng girlfriend ni Chad na nakataas pa ang kilay.

"Enough this shit, Chad. Lasing si Ryleigh wala siyang time sa inyo." Pilit kong inaayos ang sarili ko dahil kapag nagkataon dehado kami. Lalo na napakadami nila plus lasing pa ako.

"Wala kaming paki!" Panghahamon pa nito kay Stephen. Naramdaman ko ang pagluwag ng paghawak nya sa akin. Alam kong sign 'yon na lalabanan nya sila kahit na sa umpisa pa lang talo na.

Tuluyan ng bumitaw ang paghawak ni Markie sa braso ko. Agad ko siyang pinigilan at umiling sa kanya.

Nakita ko pa siyang ngumiti bago nya tuluyang tinanggal ang kamay ko na nakakapit sa damit nya. Pagkatapos non hindi ko na alam pa ang mga nangyari dahil nawalan na rin ako ng malay sa kalasingan.

*****

Stephen

I know na hindi ko sila kaya pero 'di naman ako pwedeng umatras. Ayoko pang mas masaktan si Ryleigh, lalo na alam ko lahat ng mga nangyari sa kanya. Pinindot ko 'yong watch ko para mag alarm ito sa mga connected watch. Sa aming walo naka connected 'tong watch meaning lang kapag pina alarm ay kailangan namin ng help ng bawat isa. Makikita din dito kong na saan ang exact location but hindi ko alam kong suot pa ba nila ito. Lalo na nong we decided all na 'di na makiki pag-away kaya ang iba 'di na sinuot. Good thing nga na na isipan ko 'tong suotin ngayon. Bad thing lang kapag walang may suot sa kanila kahit isa.

"Stephen, alam mo dapat 'di ka na nakikialam pa. Ano ba mo yang si Ryleigh?" Tumingin ako kay Ryleigh na naka higa na ngayon sa malamig na kalsada. Tuluyan na talaga siyang nawalan ng malay sa kalasingan.

"Don't touch her!" sigaw ko ng balak na gisingin nila si Ryleigh.

"Ibigay mo na lang sa amin si Ryleigh para wala ng gulo."

"No way!" Nag sign naman siya sa mga kasama nya na simulan na.

Apat agad 'yong sumugod sa akin. Umiwas lang ako sa mga pag sugod nila at nag timing para sipain at suntukin sila. Hindi ko pa napapatumba ang dalawa ng may dumating naman na tatlo. Agad kong hinila sa likod ang isa sa kanila at hinarang ito sa tatlong susugod sa akin. Siya lahat ang sumalo sa mga balak nitong gawin sa akin at itinulak ko ito sa kanila. Bago sinipa sila sa binti at sinuntok.

Nakahiga na silang lahat at na patingin ako kay Chad na inis na inis ang pagmumukha. Nag sign ulit siya sa iba pang mga kasama nya at pinalibutan ako. This time 'di ko alam kong kakayanin ko pa ba. Sampu sila na nakapalibot sa akin.

Sabay-sabay silang tumakbo papunta sa akin hindi ako agad nakakilos ng may dalawang humawak sa likuran. Isang malakas na suntok ang natamo ko sa harapan ko. Sobrang na manhid ang mukha ko sa suntok na 'yon at parang may echo akong narinig. Nag blured din bigla ang paningin ko. Nalasahan ko rin ang dugo na nanggagaling sa sugat sa labi ko.

Inayos ko ang sarili ko dahil 'di ako pwede maging mahina ngayon. Agad kong sinipa ang lalaking sumuntok sa akin at binalibag 'yong dalawang nakahawak sa likuran ko. Nabitiwan nila ako at napatingin ako sa kanilang lahat. Nag do-double ang paningin ko sa kanila at parang wala akong naririnig dahil napakalakas pa rin ng echo na naririnig ko galing sa tainga ko.

Agad akong napatingin kay Ryleigh ng bumangon ito.. May sinasabi siya pero 'di ko marinig kahit anong gawin ko.

Isang malakas na hampas ang naramdaman ko sa ulo ko.

******

Ryleigh

Nagising ako sa kalasingan ko dahil nasusuka na naman ako. Napabangon ako para sana sumuka pero nakita kong may hawak si Chad na tubo na ihahampas nya kay Stephen.

"Stephen!!!" Kitang-kita ko ang pag bagsak nya at ang dugo na dumaloy sa ulo nya.

Agad akong napatakbo palapit sa kanya agad namang nag takbuhan sila Chad. Pero bago pa man sila makalayo dumating sila Floyd.

"Anong nangyari?" Lumapit sa akin kaagad si Oliver na 'di rin alam ang gagawin.

"Hindi ko alam. Kasalanan ko 'tong lahat." Pinagtulungan namin si Stephen na buhatin ni Oliver papunta sa kotse nya.

Bigla akong natauhan sa lahat ng mga nangyari at literal na nawala ang pagkalasing ko.

Napapaiyak na ako habang nag d-drive si Oliver papunta kami sa hospital.

Naiwan ang iba pa kong saan kami kanina dahil nag rambolan na sila ng grupo nila Chad.

Dumating kami sa hospital agad dinala si Stephen sa emergency room.

"Anong nangyari Ryleigh?"

"Kasalanan kong lahat." Yan lang ang tangi kong nasabi sa kanya. Hindi nya na rin naman ako tinanong pa.

*****

Nagising ako nasa labas ng room ni Stephen. Tumingin ako sa phone ko 9:30 am na pala. Sobrang napaka dugyot ng itsura ko ngayon at ngayon ko lang din na pansin na ang dumi ko pala. Siguro dahil sa paghiga ko kagabi sa kalsada.

Pumasok ako sa loob ng room ni Stephen at nandito si Hailee, Floyd and One.

"Gising ka na pala." bati agad sa akin ni Hailee pagpasok ko sa loob. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanila.

"Nagdala pala kami ng damit para sayo." Inabot nya sa akin ang paper bag at ngumiti. Glad to see na okay na sila ni Floyd.

Pumasok ako sa cr nitong room ni Stephen at naglinis ng katawan. Pagkatapos kong makapaglinis ng katawan lumabas na ako at wala na sila Floyd dito sa room ni Stephen.

Umupo ako sa tabi ni Stephen may tubo na nakakabit sa kanya. Mukhang malala ang nangyari sa kanya at kasalanan ko yong lahat. Mukhang napakamalas ko 'ata lagi na lang napapahamak mga napapalapit sa akin. May bandage din yong kaliwang ulo nya.

Napansin ko ring nasa table 'yong phone ko. Naiwan ko kasi to kagabi sa kalsada. In-open ko ito at binuksan ang data connection. Nag pop-up agad yong message request na galing lang naman sa iisang tao. Sino pa ba walang iba kundi itong si Markie Stephen.

"Nabasa mo naman na 'tong chat ko pero 'di nang a-accept. Famous ka?" Napangiti ako ng nabasa ko 'tong chat nya.

"Saan ka pala?"

"Found you." Yan ang huling message nya sa akin. In-accept ko na 'yong message request nya pati na rin yong friend request nya.

Na isipan ko ring i-stalk siya kong ano kaya pinang po-post nya. More on kalokohan lang naman mga post nya pero may isa siyang post na naka agaw ng attention ko.

"Gusto ko lang malaman mo na sana dumating yong araw na ako naman yong hanapin mo." I don't know what to react kasi he always found me. Hindi ko sure kong para sa akin ba 'tong post na ito or direct para sa iba pero ako 'tong natatamaaan.

Paano kasi lagi na lang nyang akong natatagpuan tapos siya never kong hinanap.

****

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Stories to obsess over. Discover now