Chapter 01

88 9 0
                                    


Ryleigh

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisnge ko halos namangid ang pisngi ko sa sakit nito.

"Bakit ba napaka tigas ng ulo mo?!" Naiiyak na ako pero 'di ko pinakita 'yon sa kanila. I can endure this pain sanay na sanay na akong ganito ang buhay ko.

"Bakit 'di n'yo rin ba maintindihan na ayaw ko?!" Isang sampal na naman sa kabilang pisnge ko ang tumama.

"Sa ayaw at sa gusto mo mag papa kasal ka ngayon ka lang namin pinilit sa ganito kaya sana naman pag bigyan mo kami!" Tumakbo ako palayo sa kanila at pumasok sa room ko.

Pinipigilan kong umiyak habang nakahiga ako at naka tulala sa kisame. Nararamdaman ko pa rin 'yong sakit ng pag sampal sa akin ni mommy ngayon n'ya lang ako napagbuhatan ng kamay.

"Ryleigh," it's Daphne. She's my older sister but we're not related because she's adopted. Pero sa tingin ko I am the one who's adopted here, lalo na kong paano nila ako ituring.

Hindi ko na pinansin pa ang pag katok n'ya. In-open ko nalang ang phone ko para maka paglaro ng Call of Duty. Pero hindi pa man din ako nakaka pag start maglaro nawala na 'yong wifi. 'The heck mukhang blinock nila ako sa wifi.'

What I'm gonna do now? I can't purchase load via online too naka block din 'ata 'yong mga card ko. You see, I am the one who's adopted here never ko 'atang naranasan na ako 'yong tunay na anak dito.

Parang gusto ko nalang nga mag palit kami ng position ng sister ko kasi siya nagagawa n'ya lahat ng gusto n'ya. Never siyang pinagalitan, never siyang pinakialaman walang pressure na dinadala. Wala ring mga expectation sa kanya 'yong parents ko basta always silang proud sa kanya.

Tinignan ko ang wallet ko kong may cash pa ba ako. Good thing may 2k pa ako kahit pa paano may panggastos ako kapag naglayas ako.

Tumayo ako at tumingin sa bintana, alam ko naman kasing 'di ako papaalisin dito sa bahay kaya kailangan kong tumakas.

Nakakainis lang kasi 'yong sanga ng puno na dito banda sa balcony ng room ko pinutol na. Alam kasi nila na don ako dumadaan pag tumatakas. Pero marami pa namang paraan para makatakas.

In-open ko muna messenger ko para i-message si Zhanya. Siya nalang pag-asa ko ngayon. I'm sure naman kasi na si Winter sinabihan na ni dad na 'wag akong patuluyin sa kanila. Pero walang makakapigil sa akin na su-suffocate lang ako dito sa bahay wala na 'ata akong matatawag na home.

Zhan, dyan muna ako makikitulog sa inyo ah, nakakainis kasi dito sa bahay..

Good thing online din siya, hindi siya kilala ng parents ko na friend ko dahil una sa lahat she's not rich that's why my parents didn't know her. Ang alam lang talaga nilang kaibigan ko ay si Winter.

Okay, basta carry mo mga lamok dito at init ah.

Kumuha ako ng mahabang tela at tinali 'yun sa railing ng balcony ko. Hwag lang sana mapunit 'to kundi babagsak talaga ako. Kong bakit pa kasi may second floor pa 'tong bahay namin.

*****

Nandito na ako sa bahay nila Zhanya. Medyo madilim sa daan kanina pero ayos lang.

"Bakit ka na naman ba kasi nag layas?" Naka liptint siya na pula ngayon, naka fitted dress din siya at sobrang sexy n'ya tignan. Ewan ko ba kong ba't ganito 'to mag ayos 'yong babaeng 'to. We're so opposite. Hindi ako sanay mag-ayos ng ganyan. Basta 'yong porma n'ya babaeng babae.

"Maiinis lang naman ako don sa bahay, wapla naman ako dong kakampi."

"Even your mom?" Tumango ako sa kanya. Remember she's the one who slapped me.

"Kumain ka na ba? Wala na kaming ulam na natira kasi. Bago kasi umalis kanina sila mama at papa kumain na muna sila."

"Ayos lang bukas nalang siguro ako kakain, wala rin naman kasi akong gana." Pumasok naman siya sa isang kwarto dito. Yung tabon nang pintuan ng kwarto n'ya ay curtain lang.

"Tsaka pala Ryleigh dalawang kwarto lang kasi dito, dito kami sa room na 'to ng kapatid ko sa kabila sila mama at papa." Nasa kusina ako ng bahay nila as in paglalabas ka kasi sa room ni Zhanya yong kusina na agad ang bubungad. Kaya rinig ko ang sinasabi n'ya mula sa loob kahit dito ako. Actually mas malaki pa nga ang room ko sa bahay nila.

"Ayos lang naman kahit dito lang ako sa kusina." May upuang mahaba kasi na nandito kaya dito nalang siguro ako matutulog. Lumabas naman siya pero naka sandal siya sa jamb ng pinto.

"Baliw kasya naman tayo dito." Sumunod ako sa kanya nang pumasok siya sa loob ng room n'ya. Maliit lang ang room n'ya at kasalukuyan siyang nanalamin at nag-aayos ng sarili n'ya ngayon.

"Wala pala kayong kama?" Napansin ko lang kasi naka lagay lang din sa durabox 'ata 'yong mga damit nila. Tapos may maliit na lamesa na nandito tapos nakalagay dun 'yong mga gamit pang school.

"Oo, sabi ko naman kasi sayo 'di ba. Sorry beshy 'di naman kasi ako kasing yaman n'yo. Sa semento lang kami ng kapatid ko naka higa at naka banig lang."

"Ayos lang naman I can handle it," umupo naman ako sa higaan nila. Naka ayos na kasi ang higaan nila. 'Yong kapatid n'ya pala nandito rin mukhang naglalaro sa phone kaya ang tahimik.

"Ako nalang sa gitna tapos ikaw dito sa tabi ko."

"Next time ayain natin si Winter, movie marathon tayo." Napa pout naman siya.

"Wala nga kaming tv tapos movie marathon pa, tsaka baka 'di 'yon sanay dito."

"Ano ba yan okay lang yan tsaka may laptop naman."

"Problema ko pa nga 'yang laptop wala kaya kaming pera, lalo na malapit na tayo mag college."

"Hwag mo munang problemahin next year pa naman. Tsaka sorry pala kong medyo pabigat ako," sabi ko sa kanya. Feeling ko kasi napaka dami n'yang problema sa financial, kaso 'di ko man lang siya natulungan.

"Ayos lang," humiga na rin siya. Sa gitna namin siya ng kapatid nya.

Kinuha ko ang phone ko sa backpack ko, napakarami na pa lang call at text. Naka do not disturb kasi 'tong phone ko, ayoko din kasi kausapin pa sila.

Hindi na ako nag aksaya na basahin pa, kasi alam ko naman kong ano 'yon, ayokong pilitin ang sarili ko sa ayaw ko.

"Malapit na pala ang pasukan, paano ka makakapasok?" Yan rin ang problema ko, two weeks nalang kasi pasukan na namin.

"Malaman nalang natin 'yan, uuwi rin naman ako pero sa ngayon ayoko munang umuwi."

Bago kami natulog nag kabit muna ng mosquito net si Zhanya. Which is di ako sanay, wala naman kasing lamok sa bahay kaya 'di na ako gumagamit ng ganito. Tsaka ramdam ko na rin 'yong init pero kaya ko 'to.

Yung parents ni Zhanya mamaya pa 'ata uuwi kasi may pinuntahan daw. Gusto ko na rin matulog kasi tulog na sila kaso 10:00 pm palang kaya, hindi ako sanay matulog ng ganitong oras. Usually kasi nagpupuyat ako palagi kaya lagi akong late.

*****

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now