Chapter 14

68 3 0
                                    

Ryleigh

Naglalakad kami ngayon ni Stephen pauwi sa bahay. Hiniram kasi nila Oliver yong kotse nya at wala siyang dalang cash. Syempre ako wala ding dalang cash wala talaga akong pera kaya naglakad lang kami.

"Sabi ko sayo dapat 'di mo na ako hinatid kaya ko naman." Gusto ko sana siya awayin para lang 'di na nya ako ihatid. Pero na isip ko lang parang sa mundong to siya lang kakampi ko. Siya lang din yong palaging kasama ko sa lahat kahit na di ako nag e-expect na siya yon.

"Baka makasalubong ka na naman ng mga kaaway mo." Hindi na ako nakipag talo sa kanya.

Nang malapit na kami sa bahay napahinto ako 'di ko alam kong itutuloy ko pa ba ang pag-uwi ko. Nasa labas kasi si mommy.

"Dito mo na lang siguro ako ihatid." Baka madamay pa siya at paghinalaang boyfriend ko kahit hindi naman.

"Sure ka ba?"

"Ryleigh!" Napaharap ako kay mommy na galit na galit.

"Ano bang sabi ko sayo sabi ko layuan mo siya 'di ba?" Paglapit pa lang nya sa akin sasampalin nya na sana ako pero 'di ko inaasahan yong sunod na mangyayari. Sinalo ni Markie yong sampal na dapat para sa akin. Kahit si mommy napahinto pero naka recover din siya after ilang seconds.

Hinila nya ako palapit sa kanya dahil nasa harap ko si Stephen.

"Iwasan mo na yong anak ko. Ikakasal na siya." Hinila ako ni mommy papasok sa loob ng bahay. Tumingin ako sa kanya bago pa ako tuluyang makalayo ngumiti siya sa akin. Parang sinasabi nya na okay lang siya at 'wag na akong mag-alala pa.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay kinuha ni mommy ang bag ko at cellphone.

"Mom!"

"You're grounded!" Hinila nya ako papasok sa isang kwarto. Ito yong kwarto na kapag nakakagawa ako ng kasalanan dito ako kinukulong.

"Mom.." nagmamakaawa ako sa kanya na baka magbago pa ang isip nya.

"Hwag mo akong artehan Ryleigh! Ilang beses na kitang pinagsabihan 'di ba? Pero anong ginawa mo hindi ka nakikinig! Siguro naman magtitino ka na after nito." Tinulak nya ako sa loob ng room at sinarhan ang pinto.

Napa upo na lang ako at tuluyan ng nag-unahan ang mga luha ko na pumatak. Ngayon ko lang tuluyang na realised na hindi nga siguro talaga ako ang tunay na anak.

*****

Stephen

Pumasok ako ngayon at absent na naman si Ryleigh. Pumunta ako sa adviser namin para sana kausapin ito. Paano kong 'di maka graduate si Ryleigh? Ilang months na lang kasi bakasyon na tapos puro siya absent.

"Ma'am may a-ask lang po ako." Buti na lang 'di busy 'yong adviser namin pagdating ko sa office nya.

"Ano 'yon?"

"Nakapasa po ba last semester si Ryleigh?" Halos 'di ko naman na kasi nakikita siya pumapasok.

"Nag take siya nakaraan ng exam. Pero pasado naman siya, ewan lang ngayong semester. Pinagawa ko na lang siya ng mga project dahil sobrang late nya na."

Pagkatapos kong magtanong umalis na rin ako. Nagtanong lang talaga ako kasi ginawan ko siya ng assignment sa lahat ng subject na merong assignment. Hindi naman malalaman na di siya gumawa dahil di naman chenecheck agad. Ginawan ko rin siya kanina ng quizzes lalo na nong ibibigay lang yong quizzes sa office ng teacher namin.

Naglalakad ako pabalik sa room ng makasalubong ko si Jake.

"Ano yang dala mo?" Dala ko kasi mga folder at paper na ginawa kong project para kay Ryleigh. Sabay ko kasing ipapasa yong kanya at sa akin. Para problemahin nya exam na lang. Inagaw naman sa akin ni Jake yong folder na hawak ko.

"Bakit na sa'yo project ni Ryleigh? Yeeiiih" kinikilig na naman siya na parang baliw.

"May nililihim ka talaga sa amin ah," napailing na lang ako. Malapit na kasi kaminsa room at sumigaw agad ang loko.

"Guys!" Agad kong pinigilan si Jake ng balak nya pa 'atang ipagsigawan na ako may hawak ng project ni Ryleigh. Tinakpan ko ang bibig nya.

"Subukan mong mag salita ng kong ano." Pagbabanta ko sa kanya, umiling naman siya at nag agree na 'di nya sasabihin.

"Guys, napakapogi ko 'di ba?" Wala namang sumagot sa tanong nya at nanahimik silanh lahat.

"Next question please." After ilang seconds na pananahimik nag salita si Third.

"Epal ka talaga, Third." Umupo na lang si Jake sa upuan na naka pout pa. Tumabi ako kay Oliver na sobrang tahimik. Kay Hailee sana ako tatabi kaso nauna na rin si One umupo don.

Natutulog si Oliver ngayon napansin kong may mga sugat kamay nya. Sa likuran ko nakaupo si Clyde at naka airpods.

Humarap ako kay Clyde para magtanong, mukhang napansin nya naman na may itatanong ako kaya tinanggal nya airpods nya.

"Napaaway ba kayo?" Wala naman kasi akong nabalitaan na nakipag-away sila.

"Wala naman." Tinuro ko si Oliver na nasa tabi para makita ni Thunder. Tinuro ko mga sugat nya sa kamay at pati siya nagtaka.

"Baka may nakaaway lang na 'di natin nalalaman." Nag agree na lang din ako dahil ako napapa away din kahit 'di sila kasama. Umayos na ako ng upo at humarap na sa mismong board.

Pagkatapos mag klase ng isa sa mga teacher namin. Mukhang wala kaming next subject kaya balak ko na ipasa 'tong project namin.

"Guys, maghahatid pala ako ng project sino gusto pasabay?" Nagpasabay talaga ako para 'di halata.

"Ipasa mo na rin pala 'tong pinagawa kanina sa 21st century." Kinuha ko naman 'yong papel na inabot ni Third.

"Saang project yan?" Tanong naman ni Oliver. Nagising na pala siya kanina pa kasi siya tulog kahit kanina habang nag k-klase.

"Sa lahat ng subject na nagpagawa ng project."

"Sipag mo naman gumawa pero bakit parang napakadami naman nyang hawak mo?" Dagdag pa na tanong ni Jake. Kahit kailan talaga pahamak 'tong isa na to.

Nilapitan ko naman siya at inakbayan para mahila palabas ng room.

"Isa pang salita mo Jake 'di ka na aabutan ng umaga." Para naman siyang natakot sa pagbabanta ko.

"Sabi ko nga mananahimik na ako, e."

Sinama ko na lang siya sa paghatid ko sa office at hinanap yong table ng mga teacher namin para ilagay sa table nila.

"By the way Jake mag kaibigan 'di ba si Ryleigh and Zhanya?" Agad naman siya nanahimik sa tanong ko.

"Break na kayo?" Hindi siya nag salita at mukhang break na nga sila. Sa ibang school kasi nag-aaral si Zhanya kaya 'di sila ganon nagkikita.

Mukhang nawalan ng gana si Jake sa tanong ko kasi literal na 'di na nag salita hanggang makabalik kami sa room.

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now