RyleighUmuwi ako sa bahay na sobrang bigat ng pakiramdam. Parang araw-araw naman pala 'atang mabigat 'tong pakiramdam ko. Parang pasan ko na nga 'yong buong daigdig sa sobrang dami kong problema. Gabi na ako nakauwi at nakakapagtaka lang dahil 'di naka bukas ang ilaw ng apartment.
Agad akong pumasok sa loob at binuksan ang mga ilaw. Agad pumasok sa isipan ko si mommy kaya agad akong tumakbo paakyat sa hagdan papunta sa kwarto nya.
'No, please..' yan yong nasa isipan ko dahil parang alam ko na kong ano.
Unti-unti kong pinihit ang doorknob ng pintuan ng room ni mommy. Naiiyak na ako kahit 'di ko pa man nakikita.
Agad tumambad sa akin si mommy na walang malay at nagkalat ang sleeping pills na nasa sahig.
"Mom, wake up!" Inaalog alog ko na siya pero 'di pa rin siya gumigising.
"Please, mom.." nanghihina na ako at halos wala na akong makita sa sobrang blurred ng paningin dahil sa mga luha na pumapatak sa mata ko.
Kinuha ko 'yong phone ko at hinanap ang number ni daddy. Pero tanging ring lang at 'di sumasagot. Tumawag na rin ako ng help para madala na si mommy sa hospital. Sobra akong nanghihina 'di ko na kinakaya pa mga nangyayari sa akin.
****
Sa iisang hospital lang dinala si mommy kong na saan si Stephen kaya dumiritso na ako papunta doon.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko naman si Winter at niyakap ako.
"Nandito lang ako. Hwag mo naman sino solo lahat ng problema mo." Nag break down ako sa mga sinabi ni Winter. Gusto ko lahat ilabas ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na talaga kinakaya kahit ako gusto ko na rin mawala dahil sa sakit na nararamdaman ko.
****
Kagigising ko lang naalala ko umiyak pala ako ng umiyak kanina kay Winter. Kahit pa paano gumaan yong pakiramdam ko.
"Gising ka na pala," katabi ko pa rin si Winter nakatulog ako sa balikat nya.
"Pupunta nga pala ako kay Stephen," sabi ko sa kanya nakalimutan ko na pumunta doon dahil sa sunod-sunod na problema.
"Tara samahan na kita don." naglakad na kami papunta kong saan yong room ni Stephen.
Pero napatigil din kami ng mga security guards na nandoon. Hinarangan kami ng mga security guards na nandoon at bawal daw kaming pumasok.
"May binigay po bang pass sayo para makapasok dito?" Agad naman kaming umiling ni Winter.
"Kailangan po ng pass bago kayo makapasok sa loob." Lumabas naman mula sa loob ng room ni Stephen si Hailee.
"Hailee," agad naman siyang ngumiti sa amin at hinila kami palayo.
"Hindi kayo makakapasok sa loob pinagbabawal ni tita." Nandito na pala parents ni Stephen.
"Tanging kami lang ang pwede kahit nga sila Floyd 'di na makakapasok, eh. Galit na galit si tita sa nangyari kay Stephen. Pinagalitan pa sila Floyd dahil bakit daw nadadamay si Stephen sa mga ganong bagay." Bigla naman ako na guilty dahil kasalanan ko talagang lahat ng 'to.
"Wala namang may gustong may mangyari 'yon kay Markie, Ryleigh. Hwag mong sisihin ang sarili mo dapat 'yong sisihin natin 'yong may gawa sa kanya nun." Mukhang nalaman nya na sinisisi ko yong sarili ko sa lahat ng mga nangyayari.
"Right, sila Chad dapat talaga yong makulong eh," sabi naman ni Winter.
"Ano Ryleigh bawian ba natin?" dagdag pa nitong si Winter.
"Hoy, ano ba baka mapahamak pa kayo sa mga ginagawa nyo. Hayaan nyo na ang batas ang gumawa ng nararapat. Baka mas mapahamak lang kayo." tumango lang kami kay Hailee.
Sobrang bait ni Hailee and understanding napaka swerte ni Floyd na siya yong naging girlfriend.
Pagkatapos ng pag-uusap namin bumalik na ako kong na saan ang room ni mommy. Hindi na sumunod sa akin si Winter dahil may aasikasuhin pa daw siya. Pagpasok ko sa room tamang tama na nandoon ang doctor na nag check kay mommy.
"Kamusta po siya, doc?"
"Overdose lang siya ng gamot. May problema ba siya?"
"Hindi ko po alam."
"Mukhang may malaki siyang problema kaya naisipan nya siguro mag take ng maraming pills para makalimot. Kailangan nya muna mag stay dito ng ilang araw." Okay lang naman sa akin kahit ilang araw pa mag stay dito si mommy pero hindi ko alam kong saan kukuha ng pambayad sa hospital. Ayokong mag mukhang kawawa sa harapan ni Daphne at ayokong manghingi ng pera kay Daddy. Ayoko din naman manghiram dahil wala naman akong pambayad.
****
Lumabas ako ng hospital para maghanap ng tahimik na lugar at makapag-isip isip ng maayos. Habang naglalakad ako nakita ko si Winter and One.
Ha? Kailan pa sila naging close ni One? Yes, mag kasama sila habang kumakain silang dalawa ng ice cream. Ngayon ko lang din nakita na nawala yong angas ni Winter. Mukhang ang dami ko ng na missed na episode ng buhay ni Winter. Happy for her. Pero kamusta na kaya si Zhanya? Wala na akong balita sa kanya at 'di na rin siya nagtetext sa akin ilang months na. Hindi ko na siya na che-check pa dahil busy din ako sa sarili kong problema.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Zhanya pero 'di na nagriring ang phone nya. In-open ko ang messenger ko at hinanap ko ang convo namin ni Zhanya. Hindi ako makapag reply sa kanya hindi ko alam kong nang block siya akin or nag deactivated siya ng account nya.
Napaka wala ko namang kwentang kaibigan dahil 'di ko alam kong anong nangyayari sa kanila. Pero sinadya ko kasi talaga na 'wag sila kausapin dahil alam kong magtatanong sila about my problem. Ayokong makadagdag sa problema pa nila kaya iniwasan kong kausapin sila. Pero sa pag-iwas ko 'di ko alam na wala na rin pala akong alam kong ano bang nangyayari sa kanila.
Nagpara ako ng taxi para puntahan si Zhanya sa bahay nila. Alam ko kapag nalaman nya na may ganito akong problema pupuntahan nya ako pero iba ngayon. Parang may mali parang may nangyaring 'di maganda. Sana lang 'di tama 'tong hinala ko.
Agad akong bumaba sa taxi pagkarating ko kong saan ang address nila Zhanya. Naglakad pa ako ng kunti papasok pero 'di na ako nakapaglakad pa ng malayo ng makita ko na agad dito kong ano ang nangyari. Hindi ako makapaniwala.. bat 'di ko alam?
Natigilan ako kasi wala na ang bahay nila Zhanya. Halatang nasunog ito at 'di ko alam kong nangyari sa kanya.
Tinawagan ko si Winter after ng mga nalaman ko.
"Yes, okay ka na ba?" Yan agad ang bungad nya sa akin.
"Okay ako kanina not until.. nalaman ko yong about kay Zhanya. Alam mo ba?" Hindi siya agad naka sagot sa tanong ko at confirm na alam nya nga.
"Yes, matagal na. Three months na nong nangyari yan 'di ko din alam kong na saan siya. Pagkatapos kasi ng nangyari yan 'di na siya nagparamdam pa. Sa kumpirma naman ng mga pulis wala siya don at tanging parents nya lang." Halos 'di ako makapaniwala sa nalaman ko. Namatay ang parents ni Zhanya sa sunog.
"Hinanap ko siya pero 'di ko siya mahanap. Hindi ko alam kong anong nangyari sa kanya pagkatapos nyan." Kong inaakala kong malaki na yong problema ko mas malaki 'yong problema ni Zhanya pero 'di ko man lang siya nasamahan.
Matapos ng pag-uusap namin ni Winter napaupo ako sa isang tabi. Naagaw ng attention ko ang isang kotse na dumating and it's Jake. Siya 'yong lumabas sa kotse.
Lumapit ako sa kanya nagbabakasali na baka alam nya kong na saan si Zhanya dahil girlfriend nya naman ito.
Parang alam nya na agad ang itatanong ko dahil palapit pa lang ako yon na agad ang sagot nya sa akin.
"Kong itatanong mo kong na saan si Zhanya hindi ko rin alam. Lagi nga ako pumupunta dito nagbabakasaling makita ko siya. Pero sa three months na pa balik balik ko dito hindi ko siya nakita. Hindi man lang siya nag paalam sa akin. Hindi ko din alam kong ano ng nangyari sa kanya." Hindi na ako nakapag salita pa matapos nyang sabihin yan at naupo na lang sa isang tabi at napayuko.
*****