Ryleigh
One day na akong nandito sa hospital pero 'di pa rin gumigising si Stephen. Gusto ko mag tanong kong ano na ang kalagayan nya pero 'di ko magawa kasi kasalanan ko 'tong lahat. Hindi din naman nila kusang sinasabi sa akin kaya nanahimik na lang din ako.
"Ry, your mom hinahanap ka sa labas." it's Floyd. Lumabas ako at si mommy nasa labas alalang-alala ang nasa mukha nya.
"Napano ka? Nag-alala ako kahapon ka pa 'di umuuwi sa bahay. Mabuti na lang na tanong ko si Floyd at sabi nya nga nandito ka sa hospital." Ngayon ko lang nakitang ganito sa akin si mommy kaya nakakabigla. Never naman kasi siya nag-alala sa akin.
"Ayos lang po ako."
"Umuwi ka na. Tsaka kailangan mo pa rin pala mag asikaso para sa entrance exam mo para sa college." Nakalimutan ko nga pala na may entrance exam din ako bukas.
"Kapag nakapasa ka don sa university na papasukan mo. Pwede bang lumapit ka muna sa daddy mo malaki kasi ang tuition fee sa gusto mong university." Actually hindi ko naman talaga gustong university 'yon. Gusto 'yon ni mommy dahil mataas ang standard non. Pero hindi naman ako ganon ka talino para mag-aral pa don. Pero kong maka pasa nga ako sa entrance, edi goods.
"Mag pa paalam lang po ako sa kanila." Iniwan ko muna si mommy sa labas at pumasok sa loob. Si Floyd lang ang nasa loob hindi pa rin nakakauwi ang parents ni Stephen nasa ibang bansa kasi ang mga ito. Pero base sa narinig ko kanina pauwi na daw ang mga ito.
"He's in coma, Ryleigh. We don't know when he will wake up." Natigilan ako sa sinabi nya at mas lalong bumigat ang dibdib ko sa nalaman ko. Akala ko hindi ganito kalala 'yong kalagayan nya. Kaya pala it's been 24 hours na pero 'di pa rin siya gumigising.
"He suffer from head injury. Sobrang lakas ng impact nong ginawa sa kanya ni Chad." Nakuyom ko ang kamay ko ng naalala ko na si Chad. Siya nga pala lahat may pakana nitong lahat. Babalikan ko 'yong gago na 'yon!
Lumabas na ako pagkatapos ng pag-uusap namin at si mommy naman naghihintay sa akin sa labas.
"Yong lalaki na naghatid sa'yo sa bahay last last month siya ba yong patient?" Marahan naman akong tumango kay mommy. Hindi na rin nag tanong pa ng iba si mommy at lumabas na kami ng hospital.
Nag commute lang kami papunta sa apartment. Pagdating ko maayos na lahat ng mga gamit at malinis na rin ang apartment.
"Bininta ko yong ibang mga branded ko na bag sa mga kakilala ko. Kailangan kasi natin ng pera pero kulang pa rin yon para sa tuition fee mo kong sakaling makapasa ka." Naghanda na rin si mommy ng lunch namin. Ito rin ang first time na pinaghanda nya ako ng lunch at 'di pinagalitan. Ito din yong unang araw na nag-usap kami ng maayos na walang bangayan.
"Alam ko malaki ang tampo mo sa akin." sinasabi nya yan habang naglalagay ng mga plato at kutsara sa lamesa. "Hindi ako naging mabuting ina sayo pero para sa kabutihan mo rin yon. Ayoko lang na maranasan mo ang hirap. Pero kahit anong gawin ko siguro ito na talaga ang kapalaran ko." dagdag nya pa na mas lalong nagpa guilty sa akin. Lalo na may part na kasalanan ko rin kong bakit 'di tuluyang natuloy ang kasal namin ni Floyd.
"Gusto ko malaman ang totoo mommy." Hindi pa rin kasi nag si-sink in sa akin ang mga nangyayari talaga. Sa totoo lang ang hirap tanggapin na totoo ko pala talagang kapatid si Daphne. Yong mga pagtitiis ko nong ilang taon hindi pala worth it yon kasi totoong anak rin naman siya. Tiniis kong lahat yong unfair treatment kasi laging nasa utak ko ako naman 'yong totoong anak. Iniisip ko na lang non na kaya laging pinapaboran si Daphne dahil marami siyang naranasang hirap bago pa man siya ma ampon.
"Totoo yong sinabi ng daddy mo. Napilitan lang ang daddy mo na pa kasalan ako. Naghiwalay yong daddy mo at yong girlfriend nya dahil na buntis nya ako. Inakit ko siya yes, pero kahit anong gawin mo pala hindi matutumbasan non yong totoong mahal nya. Kahit ilang years na kaming nagsasama yong mama pa rin ni Daphne yong hinahanap nya. Kaya napilitan akong ampunin si Daphne baka sakaling matutunan nya na akong mahalin. Baka sakaling mapatawad nya rin ako. Kaya din mas lagi ko kinakampihan si Daphne sa lahat ng bagay kaysa sayo."
"How about yong mommy ni Dahpne?"
"She committed suicide." Tuluyan ng pumatak ang luha ni mommy pagsabi nya 'yan.
"Alam kong kasalanan ko kong bakit nya yon nagawa. Lalo na 'di alam ng lolo mo na magka relasyon sila dahil ni lihim yon ng daddy mo dahil nag-aaral pa ang daddy mo ng na buntis nya ito kaya tinago nila. Ako ang pina kasalan nya dahil sinabi ko sa lolo mo na buntis ako. Nong araw na kinasal kami nong namatay ang babaeng pinakamamahal ng daddy mo. Pagkatapos na pagkatapos ng kasal namin umalis agad ang daddy mo at pumunta don." Hindi ko alam kong anong isasagot ko kay mommy dahil kahit ako kong mangyari sa akin yon 'di ko mapapatawad si mommy. Sobrang napaka valid ng reason ni daddy.
Naiintindihan ko na kaya galit na galit din sa akin si daddy. Kaya hirap na hirap din siyang mahalin ako, kaya ganon na lang ang pagmamahal nya kay Daphne. Naiintindihan ko na rin si Daphne kong bakit galit na galit siya akin. Kong hindi ako sinilang hindi mangyayari 'tong lahat kong 'di na buntis si mommy, kong 'di ako nabuo 'di mapapa kasalan ni daddy si mommy at buhay pa sana ang ina ni Daphne.
Halos 'di ko malunok yong kinakain ko sa mga nalaman ko. Gusto ko rin maiyak pero mukhang pagod na ang mata ko wala na 'atang mailalabas 'to.
"Nagsisisi ka na rin ba na ako ang naging ina mo?" Hindi ko alam kong anong isasagot kay mommy. Kasi sobrang nakaka trauma talaga ang ginawa nya sa kanila.
"Hindi ko po alam." Gusto kong magalit sa kanya pero ayoko din i-invalidate ang nararamdaman nya. Siguro naman karma na rin ni mommy lahat ng nangyayari sa akin. Lahat-lahat talaga bumalik sa akin. Ako lahat ang sumalo lahat ng kasalanan ni mommy ako yong nagbabayad sa lahat.
"Busog na po ako." Iniwan ko na si mommy habang kumakain siya mag-isa. Hindi ko alam kong makakaya ko pa bang kausapin si mommy after ng mga nalaman ko.
Biglang nawala lahat ng galit ko kay daddy and Daphne dahil naiintindihan ko ng lahat. Sa totoo lang gusto ko pa nga mag sorry sa kanila, lalo na yong trauma na binigay ni mommy sa kanila. Alam kong kulang yong sorry sa lahat ng kasalanan nya nun, the pain she cost to them. Sobrang hirap mag hilom ng mga sugat na 'yon, naiintindihan ko ng lahat..
Naiintindihan ko na rin na sa akin lahat na punta ang karma ni mommy. I will accept it all na lang.
****