Ryleigh
Masaya ako ngayong araw dahil nalaman na ang results about my entrance exam and pasado ako. Nagbibihis ako ngayon para sana pumunta sa hospital. Isang linggo na rin kasi akong 'di nakakadalaw kay Stephen. Siguro naman wala na rin 'yong mga security guards nya, ano? Sana lang wala na. Natagalan kasi talaga ako dumalaw sa kanya kasi nagbabantay ako kay mommy. Sinabihan kasi ako ng doctor na bantayan ko daw lahat ng kilos ni mommy dahil baka mag-isip naman ng kong ano.
Tinawagan ko nga rin ngayon si Winter na samahan nya ngayon si mommy para naman may ma kausap. Mabuti na lang talaga pumayag siya at makakaalis ako ngayon.
Nag abang na ako ng sasakyan papunta sa hospital. 15 minutes din before nakarating sa hospital kong saan naka confine si Stephen. Nagmadali akong maglakad papunta sa room nya. Ilang munutes din before ako nakarating.
Mabuti na lang talaga walang security guards nya na nandito sa labas. Binuksan ko ang pinto ng room ni Stephen pero napatigil ako ng makita ko ang loob. Walang nandito, wala si Stephen..
Agad akong lumabas para mag tanong sa nurse na dumaan.
"Saan na po yong patient sa room na 'to?" pero mukhang 'di nya din alam dahil sa ibang department daw siya naka assign. Kaya naman para malaman ko kong na saan at kong ano ang nangyari tinawagan ko si Floyd. Naka ilang ring din before nya sinagot.
"Hello" si Hailee 'yong sumagot ng tawag mukhang mag kasama silang dalawa or nag palitan sila ng phone.
"May itatanong lang sana ako."
"Kay Floyd ba? May binili kasi siya na iwan nya 'tong phone. Hintayin mo na lang ba?" Actually parang mas okay mag tanong kay Hailee dahil mag pinsan naman sila ni Stephen.
"No need sayo na lang ako magtatanong."
"About?"
"About kay Stephen nandito kasi ako sa hospital pero wala naman siya dito. Lumipat ba siya ng hospital or okay na ba siya?"
"Hindi pa rin siya maayos. Nag decide sila tita na sa ibang bansa na lang dalhin si Markie dahil don mas maalagaan at mas advance. Lalo na 'di pa rin siya nagigising." Nanlumo naman ako sa nalaman ko 'di ko man lang siya nakita bago siya umalis.
"Kailan pa?"
"Three days ago." pinatay ko na ang tawag at na upo na lang dito sa waiting area sa may gilid.
****
Bumalik na ako sa bahay dahil baka na bored na si Winter. Pagdating ko sa bahay naabutan kong nasa labas si Winter. Agad akong napatakbo palapit sa kanya.
"Bakit ka nandito?"
"Si tita kasi nag tantrums ata." Hindi ko na pinansin pa ang iba nyang sinabi at pumasok na agad sa loob. Sobrang napakagulo ng loob at si mommy naman nasa couch at tumutungga ng beer. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang beer na iniinom nya.
"Ma naman!" Gusto kong sabihin sa kanya kong 'di ba siya naawa sa akin. Ako na lang palagi nagdadala lahat sa problemang 'to. Kong sa tingin nya na nahihirapan siya mas nahihirapan ako.
"Hayaan mo akong uminom. Akin na yang beer!"
"Bakit ka ba ganyan?!" tumayo naman siya at dinuro duro ako.
"Kasalanan mo syempre. Hindi naman tayo aabot sa ganito kong 'di mo kasalanan." Akala ko ba naman may character development na si mommy pero wala pa rin. Actually 'oo' pala matino siya kapag 'di nakakainom pero once na naka inom siya sinisisi nya ako sa lahat ng bagay. Pati yong pag papalayas sa amin ni daddy sabi nya ako daw nag bigay ng kamalasan sa buhay nya. Sanay na rin naman ako na lagi nya yon sinasabi.
"Oo na kasalanan ko ng lahat kaya tumigil ka na."
Hindi ko rin naman kasalanan na binuhay mo ako para lang pa kasalan ka ni daddy at ako ang sisisihin mo ngayon. Pero syempre 'di ko na yan sinabi pa sa kanya baka mas lumala pa 'yong situation nya. Lumabas na ako ng mapa kalma ko siya at nakahiga na lang sa couch na tulala.
Nakaupo naman dito si Winter sa may labas at halatang nag-aalala.
"Okay na ba siya?" marahan lang akong tumango.
"Pasensya sa abala," sabi ko sa kanya na ikinailing nya naman.
"Luh, ano ka ba? okay lang naman." sobrang swerte ko talaga kasi nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila. Mis ko na din si Zhanya sana okay lang siya kong na saan man siya ngayon.
****
Tinignan ko yong mga bills namin na naka dikit sa fridge. Hindi ko alam kong saan ako kukuha ng pambayad dyan. Ayoko pumunta kay daddy para humingi ng help, yes ganon ka taas ang pride ko ngayon. Gusto ko pakita sa kanya na kaya ko kahit wala siya, na kaya namin ni mommy mabuhay kahit wala siya. Kasama din pala naka dikit dito sa fridge yong mga resita ng gamot ni mommy. Mabuti nga yong sa hospital bills ni mommy nagawan ko ng paraan dahil may insurance si mommy.
Total one month pa rin naman before mag pasukan siguro maghanap na lang muna ako ma a-applyan kong work. Kailangan ko talaga ng pera lalo na ang laki pa ng bayarin sa tuition fee.
Bago ako umalis nagluto muna ako ng pagkain para kapag gumising si mommy kakain na lang siya.
*****
Sobrang init ngayon pero mas pinili ko maglakad dahil wala na akong pamasahe. Habang naglalakad ako huminto muna ako sa nadaanan kong waiting shed para mag pahinga sana. May isang tao lang dito na naka higa at in-occupied na yong buong upuan.
Nang makalapit ako kong sino 'tong nakahiga para sana paalisin siya or umayos sana. Kaso na bigla ako ng ma kilala ko kong sino, it's Oliver. Sobrang dami nyang mga galos at ang dumi ng damit nya. Akala ko nga kanina homeless 'to dahil sa itsura. Hindi ko alam kong gigisingin ko ba 'to or hindi.
Tinapik tapik ko siya para magising. Bumangon siya agad ng makita nya ako.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong nya.
"Bago lang, ayos ka lang ba?" yong itsura nya kasi parang pagod na pagod na ewan.
"Okay lang ako, thanks." bago tumayo na siya at naglakad. Halatang may sugat siya sa may binti nya dahil may dugo pa 'yon at hirap siya maglakad.
Gusto ko pa sana malaman kong ano bang nangyare sa kanya. Pero alam ko namang 'di nya sasabihin kaya 'di na ako nag tanong pa. Sa kanilang lahat na mag kakaibigan siya yong pinaka matino for me. Kaya nakakagulat na makita siya ganong kalagayan tapos kapag nasa room kami dati siya yong di maingay sa kanila.
Si Stephen kaya kamusta na? Nakakamis rin pala kakulitan non. Lalo na kapag kailangan ko siya, siya 'yong laging dumadating, siya yong palaging nandyan.
![Markie Stephen [Bad Boy Series #3]](https://img.wattpad.com/cover/198778598-64-k963715.jpg)