RyleighPasukan na bukas at 'di ko alam kong anong gagawin ko. Ngayon ko rin i-me-meet 'yong lalaking papakasalan ko. Sa totoo lang wala akong balak na i meet siya, kaso bantay sarado ako ngayon.
Nasa isang restaurant kami ngayon at naka dress ako. Nakakainis nga ito 'yong binigay na damit nong nagpa bihis sakin. Hirap na hirap din tuloy ako sa paglakad dahil naka heels ako.
"Sorry late ako." Hindi ko siya tinignan dahil 'di naman ako interesado sa kanya. Una rin wala naman talaga akong balak hintayin siya.
"Ayos lang." Ayokong sumagot sa kanya pero kailangan dahil nandito na ang mga parents namin.
"It's been a year since we last meet." Pag-uusap ng mga parents namin. Wala akong sa mood makinig sa kanila kaya 'di ko alam kong ano pang pinapag-usapan nila.
"Ryleigh!" Nabalik ako sa katinuan ng sinipa ako ni Daphne mula sa ilalim ng lamesa.
"Ha?"
"Anak siya si Floyd. Siya ang papakasalan mo." Don lang ako napatingin sa lalaking nasa harapan ko. Hindi siya ngumiti sa akin, tamang tingin lang at syempre ganon din ginawa ko. Mukhang ayaw n'ya rin 'tong ginagawa ng parents n'ya, good thing kong ganon.
"Iiwan na muna namin kayo para makapag-usap kayong dalawa." Hindi na ako sumagot dahil wala naman akong balak mag salita.
Hindi ko rin alam kong paano ko papakisamahan 'tong lalakeng nasa harapan ko. Bakit ba kasi ang daming keme ng parents ko? Kailangan ko pang mag pa kasal sa taong 'di ko gusto! Hindi naman na uso 'to ngayon ba't may pa ganito?
"Hey, may galit ka ba sakin?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong n'ya.
"Paano naman ako magkakaroon ng galit sa'yo? Hindi nga kita kilala 'di ba? Ngayon lang tayo nagkakilala tapos magagalit ako sa'yo, are you okay?" Balik na tanong sa kanya at napa iling naman siya.
"Kasi kanina ko pa napapansin na parang wala kang gana."
"Alam mo tama ka, ayokong mag sinungaling, ayokong ma kasal sa'yo." Ayokong mag assume siya na gusto ko siya kahit 'di naman dzuh.
"Pareho lang naman tayo ng situation. Hindi ko rin gustong ma kasal sa'yo." Mabuti naman tama ang hinala ko kanina, mas maganda 'yon atleast medyo nabawasan iisipin ko.
"Mabuti naman kong ganun. So, can we make a deal?"
"Anong deal naman 'yan?"
"Kasi kong 'di naman natin gusto ang isat-isa at ayaw naman natin din makasal sa isat-isa. Bakit pa natin kailangan gawin 'to? Kaya bahala ka sa buhay mo at bahala din ako sa buhay ko? Okay ba?"
"Okay, no problem."
"Okay, gagawin lang natin ang dapat kapag nasa harap tayo ng parents natin." Actually di ako agree sa sinabi ko na 'to, dapat kahit sa harap ng parents namin di kami nagpapansinan. Baka kapag ganun magbago pa isip nila na 'wag na kami ipakasal.
"Yah, no problem sa'kin. Tsaka pala sana walang makaalam about dito. Lalo na sa school 'yong malaman na ipapakasal tayo yon lang." Hindi ko rin naman gusto na malaman na ikakasal ako.
"Okay 'di ko rin naman gusto na malaman nila." After naming mag-usap umalis na ako. Ano pa bang gagawin ko? Hindi na ako nag paalam pa sa parents ko.
Pumunta ako sa malimit kong puntahan kapag boring ako. Malayo pa lang ako ang ingay na.
"Ry kanino ka pupusta?" Street fight ang pinuntahan ko. Actually kami ni Winter laging mag kasama sa mga ganito. Hindi ko lang alam kong bakit 'di n'ya sinasagot tawag ko kaya 'di kami mag kasama ngayon.
"Sino yong bago na lalaban?" Narinig ko kasi sa mga usapan dito na may bagong lalaban. Suki na talaga ako dito pero lagot talaga ako kapag nalaman ng parents ko na tumatambay ako dito. Ilang days na rin 'di ako nakakapunta dito dahil sunod-sunod ang problema sa bahay.
"Ayun oh, naka upo." Itinuro sa akin ni Riz, hindi ko siya makilala kasi naman naka face mask. Mukhang takot magka virus.
"Sure ka bang 'yan? Mukha namang mahina 'yan at ang payat." Real talk 'yon 'di kasi ganon kalaki ang katawan n'ya.
"Hindi mo pa ba siya nakita lumaban dito? Lumaban siya dito nung isang araw at natalo n'ya si Briz." Nagulat ako sa sinabi n'ya dahil ultimate champion talaga dito si Briz. Wala pang nakakatalo sa kan'ya at nakaka himala naman 'yon. Baka may sakit lang si Briz kaya n'ya natalo.
Napatingin tuloy ako ulit sa bagong salta dito. Hindi ko akalain na matatalo n'ya si Briz kasi sobrang laki ng katawan nun at lagi ko talaga pinapanood si Briz.
"Susunod na lalaban.." Sobrang ingay ng crowd kaya halos 'di ko rin marinig 'yong nagsasalita. Bago lang siya dito pero ganito kalaki impact n'ya. Ma tignan nga kong gaano siya kagaling.
Pinanood ko talaga ang laban n'ya at tinignan ang bawat moves at isa lang masasabi ko magaling nga siya. Hindi na rin ako magtataka kong bakit ang dami n'ya agad naging taga hanga.
Pero 'di ako sa kan'ya nag pusta, pero okay lang wala kasi akong tiwala sa kan'ya nung una dahil ngayon ko lang siya nakita dito.
Natapos na ang laban at siya ang panalo at hinintay ko talagang tanggalin n'ya 'yong mask n'ya. Gusto kong makita kong sino siya, hindi man lang kasi naalis ng kalaban n'ya ang mask n'ya habang naglalaban sila.
Halos 'di ko marinig ang sigawan ng mga tao ng makilala ko kong sino siya. Nagpapa salamat talaga ako na 'di ako nag pusta sa kan'ya. Ayos lang na 'di nanalo yong pusta ko kong siya naman ang mananalo.
Na badtrip ako nung makita siya. Bakit lagi ko nalang siya nakikita? Dati rati naman di ko siya nakikita. Ano ba trip sa akin ng mundo, ba't lagi ko siya nakikita kahit na ayaw ko naman siya makita.
Maka alis na nga bago pa tuluyang masira ang araw ko.
"Ryleigh!" Napa hinto ako nang may tumawag sa akin at si Kev lang pala. Isa siya sa mga kilala dito pero 'di siya kasama sa mga naglalaban kasi siya yong naglilista sa mga sumasali.
"Bakit?"
"Kilala mona ba 'yong bago?" Gusto ko na sanang umalis nang binanggit n'ya 'yan kaso sumulpot sa harapan namin si Markie.
"Oh ito na pala siya." Dapat talaga umalis na ako eh, dahil sira na talaga araw ko.
"Hi"
"Hello." Actually para kaming tanga na dalawa.
"Kumain ka na ba?" What the actually fuck? Is he serious? Tinaasan n'ya pa ako ng kilay napaka hangal n'ya!
"Kumain ka na rin ba?" Akala n'ya 'di ko siya sasabayan sa trip n'ya.
"Ginagaya mo ba ako Miss?"
"Magkakilala na ba kayong dalawa?" Hindi namin siya pinansin.
"Mukha ba kaming magkakilala?" Sabay na sabi namin na ikinagulat ni Kev.
"Sabi ko nga hindi eh, bat parang galit kayo? Bahala nga kayo!" Iniwan na kami ni Kev at kami lang dalawa na iwan.
"Ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako? Stalker!"
"Ako pa naging stalker. Bakit pag-aari mo ba 'to?"
"Wala akong time makipagtalo sayo mister!" Iniwan ko na siya baka lalo pa ako ma bad trip. Bakit naman kasi napakasama, sa daming pwede kong makita yung bwesit pa na lalaki na 'yan.
Actually 'di ko rin alam kong bakit sobrang naiinis ako sa kan'ya. Ako naman talaga may kasalanan ng una at 'di n'ya rin alam ang dahilan kong bakit ko siya sinuntok nong time na 'yon. Kaya siguro inaasar n'ya nalang ako para maka ganti siya sa akin.
****