Chapter 03

84 9 0
                                    

Ryleigh

I'm sure puno na naman ako nito ng sermon pagdating ko, sabagay palagi naman 'di pa ako masanay.

Kakapasok ko palang sa gate namin ng mapahinto ako dahil naka abang pala sa akin si mommy.

"Saan ka na tulog? Hindi mo ba alam na nag-alala kami sayo! Hindi ka man lang marunong mag paalam! Hindi ka naman namin pinalaki na ganito!" Ano pa nga bang aasahan ko, hindi naman talaga nila iniisip ang nararamdaman ko. Pero alam ko namang fault ko ngayon dahil tumakas ako at sa ibang bahay natulog.

"Ryleigh saan ka na tulog? Tinanong namin mga friends mo wala ka don." It's Daphne.

"Bakit kailangan ko pang sabihin? Bakit pinapakinggan n'yo ba 'yong side ko?" Hindi ko na sila pinansin at nag patuloy na sa paglalakad papunta sa room ko.

Palagi na lang ganito, tuwing uuwi ako itatanong nila kong saan ako nanggaling? Kong anong ginawa ko. Hindi man lang sila nagtanong kong ayos lang ba ang lahat? Kong okay pa ba ako?

"Kumain ka na ba?" It's Daphne again, pumasok siya sa room ko at 'di ko sinagot ang tanong n'ya.

"Ryleigh makinig ka naman sa amin." Palagi naman akong nakikinig sa inyo simula bata pa ako pero nakakapagod na rin. Kahit naman sundin ko sila ako pa rin ang masama, kahit labag na sa loob ko ang ginagawa nila kinakaya ko pa rin.

"Ito nga pala ang bago mong uniform," tinignan ko lang 'yong uniform at 'di pa rin nagsasalita.

"Galit ka ba sa amin?" Hindi ako galit nagtatampo ako, wala na nga silang oras sa akin puro trabaho na lang. Tapos kakausapin lang ako kapag may itatanong or may kailangan. Hindi nila alam kong gaano na kabigat sa dibdib ko 'yong pinanggagawa nila, pero di pa naman dumadating sa point na hatred na ang mararamdaman ko sa kanila.

"Hindi, pwede ka na umalis, ayoko ng kausap." Hinawakan ko siya at akmang papalabasin ng room ko.

"Ryleigh, what's wrong with you?! Nagka edad ka lang ng ganito akala mo alam mo na ang lahat!"

"Then get out!" Hinila ko siya sa braso n'ya at pinalabas ko.

Hindi na siya naka sagot pa at sinaraduhan ko na siya ng pinto. Hindi naman talaga ako galit kay Daphne pero kasi iba siya, iba siya kapag wala ang parents ko dito.

Naaalala ko pa dati kong paano n'ya ako utos utusan, e ako naman 'yong tunay na anak dito. Akala mo may care siya sa akin, pwes pinapalabas n'ya lang na maganda ang ugali n'ya sa parents ko but the truth is not.

"Ryleigh, it's me Winter." Binuksan ko ang pintuan ng room ko nang marinig ko ang boses ni Winter.

"Anong problema mo?" Sinara ko ang pinto dahil baka may makarinig pa ng pinag-uusapan namin. Lalo na si Daphne na walang ginawa kun'di siraan ako sa parents ko.

"Hindi ko pa ba sayo nasasabi?" Siguro nga kay Zhanya ko lang na sabi siguro yong about sa kasal.

"Hindi, magtatanong ba ako kong alam ko." Napaka attitude naman nito.

"Ganito kasi ipapakasal ako."

"Ikaw ipapakasal?" Para siyang temang paano ba naman tinawanan ako sa sinabi ko.

"Hindi ba kapanipaniwala?"

"Ahm hindi, kasi naman lagi mo sa aking sinasabi na parang wala ka lang sa kanila. Tapos biglang may pa ganito mas expected ko pang si Daphne dahil she's the favourite and good girl sa paningin nila."

"Yon nga, eh kaya naiinis talaga ako gusto ko mag layas kaso wala naman akong magagawa." Kaya ko naman mag trabaho kaso ang tanong kaya ko ba mabuhay ng mag-isa? Yong buhay na 'di ko nakasanayan. Medyo nahirapan na nga ako mag adjust nong natulog ako kila Zhanya.

"Baka magawan pa natin ng paraan 'yan, mag pakilala ka kasi ng boyfriend. Dati ka pa sinasabihan diba ni tito na ipakilala mo kong may boyfriend ka." Paano ako may ipapa kilala wala naman akong boyfriend at wala pa akong balak mag boyfriend. Ang bata ko pa para mag boyfriend kahit na mag e-eighteen na ako this coming august.

"Gusto mo hanapan kita, 'yong maayos din 'yong background family. I'm sure papayag 'yon sila tita and tito." Hindi ko alam kong mag a-agree ba ako sa suggestion nito, paano kong 'di effective, tapos baka 'di ko pa makasundo 'yong irereto n'ya.

"Sure ka ba dyan? Pero ang panget naman nun hindi ko gusto 'yong tao tapos magpapanggap kaming mag jowa. No, no way! Baka 'di ko pa matagalan 'yon at malaman agad na nagpapanggap lang kami."

"Ikaw naman kasi dati ang daming nagkakagusto sayo 'di mo sinasagot. Siguro iniisip nila tito lesbian ka hahaha." Hindi ko alam kong matatawa ba ako or malulungkot sa sinabi nitong kaibigan ko.

Pero totoo naman kasi dati pa ako sinasabihan ni daddy kong may boyfriend na ako. Kahit na ang bata ko pa naman sa ganong lagay. Si Winter naman wala pa rin namang boyfriend tapos ako hinahanapan ng boyfriend.

Pero kong alam ko lang na ganito sana naghanap na ako para 'di na umabot sa ipapakasal ako kong kanino. Bakit ba kasi ako ang nakita nila kong pwede namang si Daphne, dahil ba same age lang kami ni Floyd at mas matanda ng 2 years si Daphne.

"Siguro talaga yon iniisip nila, kasi simula bata pa tayo wala kang nasasabi sa akin na crush mo." Kasalanan ko bang wala akong nagugustuhan? Mataas din siguro standard ko sa lalaki wala pa ako nakaka kita ng worth it iyakan.

"Tsaka dagdag mo pa 'yang ayos mo." Eh kasi naman ayoko ng mga pang kikay na damit at mga pang sexy, lagi akong naka t-shirt at naka pants.

"Ewan ko sayo Winter, parang ikaw may naikwento ka sa aking lalake ah. Tsaka pareho lang tayo mag-ayos no!"

"Hindi no! Kahit pa paano may nasasabi ako sayong crush ko kaya lang nagtatagal lang 'ata ng isang linggo hahaha. Tapos about naman sa pananamit kahit paaano rin 'di ako nagrereklamo kapag pinapasuot ako ng dress. Naaalala ko pa dati na ayaw na ayaw mong pinapasuot nun." Gosh, ayoko ng maalala.

"Okay panalo ka na, ang daldal mo ngayon." Hindi kaya siya madaldal lalo na pag nasa school kami. Wala ngang nakakatagal sa kadaldalan n'ya may pagka introvert lang talaga siya pero extrovert siya sa amin.

"Syempre tropa kita kaya madaldal ako." Ibang term talaga sa amin 'yong bestie ginagawa naming tropa.

"So saan ka na tulog kagabi? Don't tell me natulog ka sa lalake mo?!" Walanghiya talaga ano bang nangyayari dito?

"Hoy! Umayos ka nga mamaya marinig nila sa labas at isipin na totoo 'yan."

"Mas maganda nga 'yon, e. Tapos maghanap tayong lalake na pwedeng ipakilala mong boyfriend mo."

"Siguro nagbasa ka na naman ng mga story sa wattpad no? Kaya kong ano-ano na naman 'yang suggestion mo?"

"Oo, sobrang boring kagabi, wala kasing tao don sa tambayan natin."

"Ayan talaga kapag nakakabasa ka ng story nagiging madaldal ka. Kapag nagkaroon ka ng boyfriend I'm sure kapag nagtanong sa akin 'yon kong paano ka maging madaldal yan isasagot ko sa kanya."

"Napaka ano mo naman, pinipili ko rin naman 'yong mga taong kinakausap ko. By the way may pupuntahan pa ako. Sasama ka ba?"

"Saan naman? Tsaka I'm not sure kong papayagan ako ngayon."

"Papayagan ka akong kasama mo. Magbihis kana nga amoy lalake ka!" Tinapon ko sa kanya 'yong unan na hawak ko, kong ano-ano kasi sinasabi.

Paano naman ako magiging amoy lalake wala naman akong kasamang lalake na natulog. Ang hirap talaga kapag naging madaldal si Winter, kong ano-ano nalang iniisip.

****

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now