Chapter 22

64 1 0
                                        


Ryleigh

Nasa isang bench ako ngayon na kaupo at naka tingin sa kalangitan. Kitang-kita ang mga bituin kahit gabi dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Basang-basa din ako ngayon at nilalamig. Katatapos lang kasi ng ulan kanina at 'di pa ako umuuwi. Ang bilis lang nagbago ng panahon parang kanina puro ulap ang nakikita ko ngayon puro bituin na.

Ilang years na rin ang nakalipas pero ito ako parang 'di pa rin umuusad. Naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong umiyak pero wala ng luha na papatak pa. Nasanay akong mag-isa pero iba pa rin yong may kasama. Wala din akong naging balita kong anong nangyare kay Zhanya kasi ni minsan 'di siya nagparamdam sa amin at nagpakita. Ang daming mga nangyari na ayoko ng balikan pa.

Gusto ko lang sabihin sa'yo na hinanap kita pero 'di kita matagpuan. Saang lupalop ka ba kasi napunta? Ikaw lang yong laging nakakahanap sa akin. Ikaw lang din yong naging kakampi ko sa lahat. Pero bakit kailangan pati ikaw mawala.

Tumayo na ako para umuwi pero dumaan muna ako convenient store na malapit dito sa amin.

"Basang-basa ka na naman." sabi ni ate Bernadette. Siya yong bantay dito sa convenient store. Kilala nya na talaga ako dahil lagi akong bumibili dito. Siya lang din yong lagi kong nakakausap kapag wala pang bumibili.

"Wala kasi akong payong." napailing naman siya. Kumuha lang ako ng ready to cook na pagkain.

"Oh ito," inabot nya sa akin ang payong.

"Mas kailangan nyo po yan." agad naman siyang umiling sa akin at kinuha ang kamay ko at pinahawak ang payong.

"Hayy naku ka talagang bata ka. Mas kailangan mo yan at baka mag kasakit kana. Sa loob ng isang buwan parang tatlong beses ka laging basa na pumapasok dito."

"Thank you po, pero baka maiwala ko lang." kaya 'di talaga ako bumibili ng payong last time kasi naiwala ko lang.

"Ingatan mo." yan lang sabi nya at ngumiti ako. Nagbayad na ako ng binili ko at lumabas na sa convenient store.

Habang naglalakad ako umaambon na nga. Grabe talagang panahon na 'to samantalang kanina ang daming stars na nakikita tapos ngayon natabunan na naman ng ulap. Binuksan ko ang payong na binigay ni ate Bernadette kahit na basa naman talaga ako kanina pa.

******

Katatapos ko lang maligo ngayon at manonood lang ng mga movies. Ilang months din akong 'di naka nood ng mga movies dahil na busy ako sa finals. Pumipili ako ng mga movies na papanoorin ko ng nag beep ang phone ko.

Si Winter ang nag message sabi nya lang naman nasa pinas na siya. Doon na kasi siya sa ibang bansa nag college.

"Ano meron?" reply ko sa kanya.

"Nasa labas ako ng bahay nyo." agad naman akong napa takbo pababa.

Binuksan ko ang pinto ng bahay at bumungad siya sa akin na basang-basa.

"Bakit kasi 'di ka nagsabi agad? Nabasa ka tuloy." kinuha ko yong towel at binigay sa kanya.

"Paano kasi naabutan ako ng ulan. Mahina lang naman kanina like ambon lang tapos lumakas." inabot ko sa kanya yong towel pinunas nya naman agad sa braso nya at buhok.

"Okay ka lang ba dito? Like ikaw lang mag-isa."

"Sanay kaya akong mag-isa."

"Si tita kamusta?" umupo kami sa couch na nandito sa sala.

"Hindi pa rin siya okay." nasa rehabilitation kasi si mommy. Nagpapakalunod kasi siya sa alak at iyak ng iyak. Hindi ko naman siya maalagaan dahil nag-aaral ako at the same time nag pa-part time job.

"Hindi ka ba humingi man lang ng tulong?" I tried.. pero sobrang tigas ng puso ni daddy. Kaya ayoko ng gawin yon ulit.

"Hindi na ako umaasa sa kanila wala naman silang paki sa amin." Like anak nya rin naman talaga ako pero nawalan na talaga siya ng paki. Sabagay simula bata pa naman ako wala na siyang paki.

"Gusto mo ba ng makakain? Baka gutom kana. Kailan ka pa dumating?"

"Kanina pa akong umaga. Balak ko nga sana umuwi nong graduation mo nong isang araw para may kasama ka."

"Okay lang naman." Inabot ko kay winter yong tasa, kape and creamer.

"Ikaw na mag timpla." marahan naman siyang natawa. Baka kasi nilalamig siya kaya kape nalang inumin nya.

"May sasabihin pala ako sa'yo."

"Hmm?"

"May balita ka na ba sa kanya?" naka cross arm pose ako at naka cross leg din habang nakatingin sa wall.

"Wala. Ikaw?"

"May nabalitaan ako na bumalik na siya dito sa pinas." halos marinig ko ang kabog ng dibdib ko ng sabihin yan ni Winter.

"Matagal na ba?"

"Last month ko pa yon nalaman eh. Hindi ko lang nasabi sayo kasi busy din ako at busy ka rin sa finals." Gusto kong matuwa kasi sa 4 years na nakalipas nagkaroon na rin ako ng balita sa kanya.

"Pupuntahan mo ba sa bahay nila baka nandoon." umiling ako. Gusto kong pumunta at makita siya. Gusto kong mag thank you sa lahat ng mga ginawa nya sa akin. Pero kinakabahan ako hindi ko alam kong bakit.

"Pag-iisipan ko muna."

Tumango lang naman si Winter habang umiinom ng kape.

Umalis na rin siya pagkatapos namin mag-usap. Sinundo siya ni One. Ngayon ko na lang din ulit nakita si One.

Bumalik na ako sa kwarto ko at na iwan nga pala dito 'yong phone ko kanina. Kinuha ko ito at cheneck ang message ko sa facebook.

Gusto ko tuloy i-delete 'tong mga message ko kay Stephen. Paano kasi napakadami parang ginawa ko na 'atang diary tong facebook nya. Chineck ko rin naman kong naka active ba status nya hindi naman at 'di nya rin naman na seen message ko. Wala rin naman siya new post. Siguro 'di naman 'di nya na 'to ginagamit kaya 'di ko na lang idedelete.

Ang hirap kasi kong idedelete ko apat na taon kayang message yong nakalagay don. Hindi naman sa araw-araw ko siyang menemessage pero parang ganon na nga. Pati mga dapat kong bibilhin nakalagay na din dito. Hwag na sana nyang ma open 'tong account nya. Nakakahiya mga pinapagsabi ko.

Pero bakit kaya kahit last month na siyang nandito 'di ko man lang siya nakita. Sabagay malayo pala yong bahay nila sa bahay namin. Plus busy ako dahil graduating ako 'di ako nagkaroon ng time na hanapin siya.

Kamusta kaya siya? Ano na kayang itsura nya? In-start ko na yong napili kong movie at kinuha yong tsitserya na binili ko sa convenient store kanina.

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Stories to obsess over. Discover now