Chapter 10

63 6 2
                                    

Stephen

Napatingin ako sa upuan ni Ryleigh na hanggang ngayon 'di pa rin pumapasok. Ilang araw na siyang 'di pumapasok ganon din si Floyd. Baka mag kasama lang talaga silang dalawa kaya 'di sila pumapasok.

Lumapit ako kay Winter na ikina kunot ng noo n'ya.

"Ginagawa mo dito?"

"May itatanong lang ako sa'yo." Mag bestfriend sila ni Ryleigh kaya for sure may alam siya sa nangyayari sa dalawa.

Hinila ko siya palabas ng room namin dahil ayokong may maka rinig sa itatanong ko.

"Bakit para namang interested ka kay Ryleigh? May something ba?" Pinitik ko naman ang noo n'ya baka kasi iba iniisip nito.

"Kong ano-ano naman nasa utak mo. Nagtataka lang kasi ako kong wala si Floyd wala din si Ryleigh." Bigla naman nagbago ang expression ng mukha n'ya na halata mong may itinatago.

"Sabihin mo na, gusto ko lang malaman 'yong totoo. Hindi mo ba napapansin na si Hailee ang naapektuhan nito." Mali talaga ako sa part na dinahilan ko pa si Hailee. Gusto ko lang talaga malaman kong na saan siya at kong anong nangyayari. Sobrang na guilty kasi ako nong nakita ko siyang umiyak na judge ko kasi siya na 'di alam ang totoong dahilan. Pero naaawa na rin kasi ako kay Hailee na walang alam sa mga nangyayari.

"Hindi ko rin talaga alam. Hindi ako 'yong dapat na magsabi nito kundi si Floyd." Hinayaan ko na lang si Winter na 'di sabihin sa akin. Mukhang ganon talaga ka importante 'yon na pati siya ayaw magsabi ng totoo. Gagawa na lang ako ng paraan para malaman ang totoo.

Pumasok na ako sa loob ng room ulit at break time na pala.

"Anong nangyari sa'yo?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Oliver.

"Wala siguro siyang gana kasi ilang araw ng 'di pumapasok 'yong panabong n'ya." Gago talaga 'tong si Jake kong ano-ano sinasabi. Chicks 'yon ginawa n'ya lang lalaking manok kaya panabong ang sinabi n'ya.

"Wow, may tandang ka na pala?" Nagtawanan pa si One and Jake.

"May hindi ba kami nalalaman, ano 'yon?" Hinihintay nila ang sagot ko pero 'di ako umimik.

"May sasabihin pala ako guys." Nalipat 'yong attention namin kay Thunder.

"Mag t-transfer na pala si Floyd." What? Ganon ganon n'ya na lang talaga iiwan si Hailee. So, I guess mukhang pipiliin talaga si Ryleigh over Hailee.

"Alam na ba ni Hailee?" Kami lang kasing walo ang nandito sa room.

"Mukhang wala pa siyang alam. May alam ba kayong pwedeng maging dahilan kong bakit need n'ya mag transfer?" Gusto ko sana sabihin sa kanila 'yong about kay Ryleigh and Floyd pero gusto ko muna malaman ang totoo.

Lahat sila tumingin sa akin.

"Bakit?" Pagtatakang tanong ko.

"Mukhang may itinatago ka kasi. Napapansin namin ilang araw ka ng tahimik at nong napapansin ka namin lagi mo sinasabi na dapat si Floyd 'yong pinapagtuunan namin ng pansin. May alam ka ba or may nangyari ba?"

Napahinto kami ng pag-uusap ng dumating na 'yong ibang mga classmate namin dahil tapos na ang break time. Mabuti nalang din talaga 'di ko pa rin kasi alam kong paano sa kanila sasabihin.

Tumabi ako kay Hailee, alam kong sobrang bigat na ng nararamdaman n'ya ngayon. Lalo na 'di na nagpaparamdam pa si Floyd and worst 'di man lang nagpapaliwanag ang gago.

"Okay ka lang ba?" Ask ko sa kan'ya na ikinapagtaka n'ya, ramdam ko naman na 'di siya okay at pinipilit n'ya lang maging okay.

"Ayos lang naman ako 'wag ka mag-alala sa akin." Siguro nagtataka na siya kong bakit lagi ko siya sinasamahan sa lahat.

*****

After ng class pumunta ako kong na saan 'yong bahay nila Ryleigh. Nagbabakasali lang talaga ako kong makikita ko ba dito si Floyd and Ryleigh. Pati ba si Ryleigh mag t-transfer din? Kaka transfer nga lang nun ng pasukan, e tapos irregular student pa siya pero 'di pumapasok. Kagagaling ko lang din kasi kanina kila Floyd before ako pumunta dito pero ang sabi wala sila don kahit ang parents n'ya.

Umalis na rin ako sa pag-aabang sa gilid ng bahay nila Ryleigh ng wala namang dumadating. Mahigit two hours na kasi akong naghihintay, mukhang wala din siguro siya sa kanila.

Naisipan ko nalang pumunta kong saan una ko siyang nakita. Malimit din kasi talaga kami dati doon kasi nakikipag basag ulo kami. Pero 'yon nga dahil bagong buhay na kami 'di na kami pumupunta don nagkataon lang nong ni ligtas ko si Ryleigh nong hinahabol siya nila Chad napadalaw ako don at pauwi na.

Kilala ko rin halos ng mga nandoon na tumatambay pero first time ko lang nakita si Ryleigh don. Siguro lagi siyang pumupunta doon dati nong panahong nagbago na kami.

Dumating ako na halos ang gulo ng area. May ibang mga nandito pero 'di ko sure kong kilala pa nila ako. Mga bagong mukha kasi sila sa paningin ko.

"Anong nangyari?" Pagtatanong ko sa isa mga nandito.

"May gulo kasi dito kanina. Sila Chad tapos 'yong babae na may atraso sa kanila pinagtulungan nila." Agad kong kinewelyuhan 'yong lalaki na pinagtanungan ko.

"Saan 'yong babae na pinagtulungan nila?" Mukhang natakot siya sa akin kaya binitiwan ko na. Mag so-sorry sana ako pero 'di na lang nadala kasi agad ako ng emotion ko. Paano kong 'di naman si Ryleigh 'yon pero possible din na siya 'yon.

"Alam mo ba kong na saan 'yong babaeng pinagtulungan nila." Agad siyang umiling.

Malawak kasi 'tong area at medyo magulo. Paano kong wala na siya dito?

Lakad at takbo ang ginawa ko baka sakaling nandito pa siya. Kong siya man 'yon sobrang tanga n'ya bakit siya nakipag basagan ng ulo don kila Chad. Wala ba siyang magawa sa buhay n'ya at hinamon n'ya ng bogbogan 'yong mga 'yon? Hindi na lang siya umiwas pa.

Huminto muna ako nakakapagod din kasi tumakbo at ang init pa.

"Stephen nandito ka pala." Ngumiti lang ako kay Rix. Aalis na sana siya ng maalala kong baka alam n'ya kong na saan si Ryleigh.

"Nakita mo ba si Ryleigh?"

"Magkakilala pala kayo? Nandoon siya sa likod namimilipit sa sakit ng katawan." Napailing iling pa siya na parang 'di makapaniwala sa pinanggagawa ni Ryleigh.

"Teka, paano kayo magkakila—" hindi ko na siya pinansin pa dahil naglakad na ako paalis.

Sabi ko na nga ba tama hinala ko siya talaga 'yong nakaaway nila Chad. Gusto n'ya ba patayin ang sarili n'ya?

*****

Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now