Ryleigh
Nagising ako ng maaga ngayon dahil may entrance exam ako. Sana lang makapasa ako balak ko rin pagtapos ng exam pupunta ako ng hospital para dalawin si Stephen. Sana maayos na ang kalagayan nya.
In-open ko yong messenger ko at nag message sa kanya.
'Good morning, gumising ka na. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon sayang 'di mo masisilayan kaya bumangon ka na.' Nag attach ako ng picture ng kalangitan na may sinag ng araw.
Naligo na muna ako bago ako kumain. Nakahanda na rin agad yong pagkain sa lamesa pero 'di ko nakita si mommy na nandito. Mukhang mas maaga siya nagising sa akin at pinaghandaan talaga 'to.
Nilagay ko na sa isang envelope lahat ng dadalhin ko. Umakyat muna ako sa taas para puntahan si mommy para mag paalam na rin na aalis na ako.
Kumatok ako sa kwarto nya pero walang sumasagot kaya na isipan ko na lang na buksan ang pinto. Mabuti na lang 'di na ka lock ito.
Napahinto ako ng makita ang loob ng kwarto nya sobrang gulo at nagkalat lahat ng gamit nya. Wala rin siya dito. Hindi ko na lang inisip kong na saan man siya kong ano mang nangyayari sa kanya dahil baka ma late ako.
Baka may pinuntahan lang siya at kaya baka magulo yong kwarto nya baka may hinanap siya dahil sabi nya nga sa akin kahapon pinang benta nya lahat ng bag nya na branded.
*****
Pagkatapos ko makapag take ng exam dapat talaga pupunta na ako agad sa hospital pero nakita ko yong isa sa mga kasama ni Chad nong gabing yon. Sobrang bilis nya maglakad na akala mo may naghahabol sa kanya kaya naman na isipan ko siyang sundan.
Pagkakaalam ko magsasampa ng kaso ang parents ni Stephen at kailangan nandoon din ako. Hindi ko tuloy alam kong anong sasabihin ko lalo na sa parents ni Stephen, alam ko naman kasalanan kong lahat. Baka nga sisihin pa nila ako kong bakit nagka ganon si Stephen. Kong maayos lang sana ako nong gabing 'yon 'di sana mangyayari lahat ng 'yon.
Palabas na ng university yong sinusundan ko at lumiko siya sa isa sa mga eskinita na nandito. Tumago ako sa may basurahan na nandito sa gilid dahil nag pa linga-linga siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nong nakalayo na siya ng kunti tsaka ako sumunod. Medyo malayo na yong pinuntahan nya at medyo napakalayo na rin nito sa highway. Napapadaan din ako sa mga mukhang sanggano na nag-iinom sa gilid kahit na tanghaling tapat.
Sa wakas huminto rin siya. Nandito din sila Chad at yong iba pang kasama nila nong gabing yon. Tumago ako baka ma pansin nila ako. Parang may hinihintay silang dumating. Naninigarilyo pa si Chad na mukhang stress. Yes, mukha siyang stress dahil siguro alam nyang makukulong siya. Mabuti na lang wala dito yong jowa nya baka 'di ako makapag pigil.
Mas napatago ako ng marinig ko ang yabag napaparating. Hindi pala yabag kasi tunog 'yon ng heels.
"Like are you okay, Chad? Bakit ba naman dito mo pa binalak na makipag kita is so kadiri." Nang marinig ko ang boses na yon alam ko kaagad kong sino.
Pero dahil gusto ko maka sigurado kong siya talaga. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinilip kong siya nga. Hindi nga ako nagkakamali it's Daphne pero anong ginagawa nya dito? Hindi ko akalain na kilala nya sila Chad. Bumalik ako sa pinagtataguan ko at makikinig na lang ako sa pinag-uusapan nila.
"Paano na 'to? Mukhang makukulong 'ata kami. Kasalanan mo 'tong lahat!!" Sigaw kay Daphne ni Chad.
"Gago ka pala eh, sino ba kasing may sabing hampasin mo si Stephen?! I told you si Ryleigh lang!"
"Pinoprotect kasi siya ni Stephen kaya anong magagawa namin?"
"I don't care! Basta ang gusto kong mangyari si Ryleigh lang dinamay nyo pa talaga si Stephen! Tignan nyo ang nangyari sa kanya he's in coma! Kayo bahala umayos ng gusot nyo!"
"Paano kong sabihin namin na ikaw ang may utos nitong lahat?!" Pagbabanta sa kanya ni Chad.
"Then go on, tignan ko lang kong anong mangyayari sa family mo!" After nyang sabihin yan narinig ko yong tunong ng takong nya na papalayo na.
Galit yong nararamdaman ko ngayon. Kong kagabi I feel sorry for her pero ngayon binabawi ko na yon. Alam kong galit siya sa akin dahil sa nangyari sa kanya pero bakit kailangang humantong sa ganito?!
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at naglakad para puntahan si Daphne. Good thing hindi pa siya nakakalayo. Hinabol ko siya at hinawakan yong buhok nya na ikinatigil nya.
"What are you doing, Ryleigh?!" Sobrang tinis ng boses nya ang sakit sa tainga.
Hinila ko pa lalo ang buhok nya kaya paliyad na siya. Hawak nya rin ang buhok nya para 'di ko mahila lalo.
"Alam mo sobrang guilty ako sa lahat ng mga nalaman ko about your mom. Pero matapos ng mga narinig ko di mo deserve lahat yon!" Mas lalo ko pang hinala ang buhok nya at hinawakan ang pisngi nya ng mahigpit bago sinapak siya. Nabitiwan ko na rin siya dahil sa lakas ng sapak ko natumba siya. Kita rin ang dugo na lumabas sa labi nya.
"Ang kapal ng mukha mo! Ano bang problema mo?" aniya bago pinunasan ang dugo na nasa labi nya.
"Ikaw ang problema?! Ano bang problema mo sa akin? Gets ko naman na galit ka sa akin pero sayang-saya ka 'ata talaga kapag nasasaktan ako! Ano masaya ba na may nadamay ka pang iba?"
"What are you talking about?"
"Hwag ka na mag maangan! Alam kong ikaw lahat ang may pakana kong bakit trip na trip ako nila Chad. Narinig kong lahat!" Kaya pala 'di ako tinitigilan nila Chad it's because of her.
"I don't know what you're talking about! You're crazy." Maarteng sagot nya habang pinapagpagan ang binti nya na nadumihan dahil natumba siya.
"Eh kong hampasin kita malalaman mo na ba?" Pagbabanta ko sa kanya.
"Try it, I will sue you."
"Really huh? I have a video! May video akong nag-uusap kayo nila Chad at inamin mong ikaw lahat may pakana nun. May laban ka pa ba?" Actually panakot ko lang talaga 'to, wala naman kasi talaga.
"Look I am sorry. Hindi ko naman alam na ganon ang mangyayari kay Stephen at 'di ko ginusto ang mga nangyari."
"Hindi mo ginusto pero kong sa akin nangyari gugustuhin mo na ba? Alam ko naman kong bakit galit na galit ka sa akin. Pero 'di ko aakalain na sobrang lala mo pala." Halata sa reaction nya ang galit after kong sabihin yan.
"Don't invalidate my feelings! Galit na galit ako sayo, sa mommy mo. Nang dahil sa inyo para na rin akong walang buhay. You took my mom life.. you took mine too.." hindi ako naka pag react dahil totoo naman kasi. Pumatak ang mga luha nya pero agad nya rin itong pinunasan.
"Hindi nyo alam ang pinagdaanan ko. Hindi nyo alam na ako mismo naka witness kong paano siya nawalan ng buhay. Habang nakikita ko kayo ng mommy mo pa ulit-ulit din nag f-flash back sa akin lahat ng mga nangyari. I will never forgive you and your mom.. never.." pagkatapos nyang sabihin yan naglakad na siya palayo sa akin.
Pinag masdan ko lang siya habang papalayo. Pinigilan kong 'wag ma iyak dahil nakakawala yon ng angas. Pero sobrang hirap naman gawin kasi pumatak pa rin talaga.
****