Chapter 23

42 0 0
                                    

Nasa mall ako ngayon para bumili ng damit. Medyo luma na kasi yong mga damit ko plus 'di ako nakaka bili ng maayos dahil maraming bayarin sa college. Maghahanap pa nga ako ng mapapasukang trabaho dahil mauubos na 'tong perang hawak ko.

Nag pa-part time job kasi ako habang nag-aaral. Pero ngayon wala dahil bakasyon na nag tu-tutor kasi ako. Hindi ko nga alam kong paano ko natagalan yon. Ang ikli lang kaya ng pasensya ko!

Minsan din pala nilalagyan din ni daddy ng allowance yong atm card ko. Pero 'di ko ginagamit 'di ko na nga alam kong magkano na yon. Ito yong time na hirap na hirap na ako at nagmakaawa ako kay daddy. Kaso he can't help me daw pagdating kay mommy.

Tapos ilang araw nun may pumunta sa bahay at ibinigay nga 'tong card. Para sa akin daw at naka pangalan na rin sa name ko. Hindi ko alam kong na konsensya ba ng time na yon sa daddy. Pero no choice din ako kaya ginamit ko pero nong nagka pera ako dahil sa part time job binayaran ko rin.

Sa totoo lang 'di ko talaga dapat gagastusin yong nasa card ko ngayon. Kaso wala na akong pera yong cash ko ngayon na naiiwan nasa dalawang libo na lang. Kailangan ko pang bayaran ang apartment at ibang utility bills. Papalitan ko nalang siguro kapag nagka pera.

Pumunta muna ako sa atm machine dito sa loob ng mall at nag balance kong magkano 'tong nasa atm card ko.

Nagulat ako sa laman dahil umabot ng 350,000. Seryoso ba 'to? Bakit naman ganito kalaki 'to? Kong ibalik ko kaya 'to kay daddy? Sa sunod na nga lang kapag nabayaran ko na 'tong bibilhin ko.

Masama lang kasi talaga loob ko kay daddy kaya ayaw ko gamitin 'tong pera na galing sa kanya. Ikaw ba naman pabayaan?

Pumasok na ako sa department store para maghanap ng bibilhin kong damit. Nadaan ko na rin yong mga shoes. Parang gusto ko rin bumili.

Tinignan ko ang mga price ng damit at nalula naman ako. Pinaka mura kasi 500 pesos na. Hindi naman kasi ako bumibili dati ng damit nong nasa puder pa ako ni daddy. Hindi ko din kasi alam na ganito pala kahirap ang buhay.

"Love mas bagay 'to sa'yo." Napatingin naman ako sa gawi nitong dalawa na parang mag jowa.

Pamilyar sa akin ang boses ng babae.

"Ito rin bagay din sa'yo." Nakatalikod sa akin yong babae pero yong lalaki nakaharap sa akin. Kaso 'di ko makita ang mukha nya dahil natatabunan ng babae.

Hindi ko nalang sila pinansin pa at tumingin ulit sa mga damit na nandito. Bakit ba kasi ang mamahal?

Kinuha ko ang isang damit na nandito at nag dalawang isip pa talaga ako kong bibilhin ko 'to. Kong mag shopee, shein or lazada na lang kaya ako? Kinuha ko ang isang damit na nagustuhan ko. Kaso yong price nya umabot ng libo.

Ibabalik ko na sana ng inagaw sa akin ng babae na nagsasalita dito kanina.

"Love bagay ba sa akin?"

"Excuse me miss?" Para kasing ang disrespectful nya naman. Agawin ba naman sa akin.

"Yes?"

Mas lalo akong na inis ng makilala ko kong sino. It's Delaney.

"Oh sis ikaw pala. Ang tagal din kitang 'di nakita." Tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa.

Napatingin ako sa lalaking kasama nya at nakatingin din siya sa akin. Ngayon ko lang siya nakita ulit at bat sa ganito pang situation?

"I know he's yummy sis pero boyfriend ko na siya. Tara love." Hinila na ni Delaney si Stephen palayo.

Naramdaman ko na lang na parang basa na ang pisngi ko at nanlalabo ang paningin ko. Agad kong pinunasan ang luha ko. Bakit ba ako naiiyak?

Hindi ko rin maintindihan kong bakit sila naging close ni Delaney? Kong bakit parang 'di nya na ako kilala? Ang tagal ko siyang hinanap at hinintay na bumalik pero ganito lang pala.

Umalis na lang ako at pumunta sa supermarket para bumili ng stocks para sa bahay.

Pagkatapos kong makakuha ng mga iba pang bibilhin ko pupunta sana ako sa section ng mga prutas. Kaso napatigil din ako dahil nandon si Delaney and Stephen.

Hinintay ko sila umalis don ginagawa lang naman nila sa harap ng mga prutas ay mag landian.

Hindi na ako nakapagpigil at lumapit na lang don dahil parang matatagalan pa sila sa paglalandian nila.

Agad akong kumuha ng apple, orange, lemon at iba pa.

"Hi sis" hindi ko siya pinansin. Hindi naman kasi talaga kami nagpapansin kaya bakit ako makikipag plastikan sa kanya.

Nabwebwesit pa ako sa kasama nya dahil nararamdaman kong nakatitig siya sa akin.

"Saan tayo kakain love?" Love? Grabe namang endearment yan?!

"Kong saan mo gusto" dinig kong sagot ni Stephen.

Iniwan ko na silang dalawa dahil parang 'di pa rin sila tapos sa paglalandian nila. Dumiritso na ako sa counter.

Binigay ko ang atm card ko sa cashier. Pagkatapos kong makapag bayad ay umalis na ako.

Balak ko pa nga sana kumain sa restaurant dito kaso 'di bale na lang. Tsaka sagabal din 'tong mga pinamili ko.

Umupo ako sa mga upuan na nandito sa mall at inilapag ang mga pinamili ko. Tinignan ko ang resibo ng pinamili ko at halos ma bigla ako. Paano ba naman umabot ng sampung libo. Ano ba naman 'tong pumasok sa utak ko at ang dami kong pinamili?

Imbis mabayaran ko kaagad 'tong utang ko kay daddy mukhang matatagalan pa.

Nasa labas na ako ng mall at nag-aabang na lang ng masasakyan ng may huminto sa harap ko na kotse.

Binuksan nya ang pinto ng kotse na nasa front seat. Tinignan ko naman yong lalaki na nasa driver seat at naka sun glasses ito.

"Ayaw mo sumabay?" napataas naman kilay ko. Sino ba 'to? Pero he look familiar to me.

Napatingin naman ako sa kabilang side at nandon si Dhapne and Stephen na pasakay na rin sa kotse. Bakit ba napaka malas ko ngayong araw?!

Sumakay na lang ako para 'di ko na sila makita pa.

"Kailan ka pa naging taxi driver Christian?" tumingin kasi ako sa id na nakasabit dito. Pero 'di naman taxi 'tong sasakyan.

"Ako kasi si Kim Do Gi." pareho kaming natawa. Kailan pa siya natutong mag joke?

******



Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Where stories live. Discover now