Ryleigh
Nagising akong medyo masakit ang ulo at parang nanghihina. Cheneck ko kong anong oras na at 6:45 am na pala. Kinapa ko ang noo ko at may towel na nandito. Nilalamig nga pala ako kagabi at parang magkakasakit.
Napatingin ako sa table na nasa gilid ko may gamot dito na nakalagay at tubig, meron ding notes na iniwan.
Kong nabasa mo man 'to for sure gising ka na. Hindi na kita ginising kanina para uminom ng gamot dahil alam kong pagod na pagod ka. Total matapang ka naman kaya inumin mo na 'tong gamot, hirap mo naman alagaan.
Napangiti ako habang binabasa 'yong sulat n'ya at kinuha ang gamot para inumin. Siguro na gu-guilty lang talaga 'to sa mga pinapagsabi n'ya sa akin kaya inalagaan ako.
Hindi na ako nakatulog pa. Binuksan ko ang curtain para makita ang labas. Maliwanag na ang paligid pero umaambon. Naupo na lang ako sa kama ko at tumingin sa labas habang pumapatak ang maliliit na tubig ng ulan.
Ngayon lang gumaan ang pakiramdam ko pero alam kong bibigat na naman 'to kapag umuwi ako.
"Gising ka na pala ang aga mo naman gumising." Halatang kulang siya sa tulog dahil siguro sa pag-alaga n'ya sa akin kaya 'di siya nakatulog ng maayos.
Gusto ko sanang mag thank you sa kanya kaso lang nahihiya ako. Tsaka nakapag thank you naman na ako sa kan'ya kahapon, okay na 'yon.
"Magaling ka na ba?" Lumapit siya sa akin para sana i-check ako. Agad akong napalayo ng humawak siya sa noo ko.
"Okay na ako."
"Good to know, may dala pala akong damit mo. Hindi ko lang sure kong kasya sa'yo sobrang dumi na kasi n'yang damit mo. Maligo ka na." Iniwan n'ya 'yong towel and yong clothes na dala n'ya.
Nakakahiya man pero medyo nadumihan ko 'yong kama dito sa guestroom. Naglinis naman ako kagabi kaso lang 'di ako nakapagpalit ng damit kasi wala naman akong dalang extrang damit.
After kong maligo at makapag ayos ng sarili bumaba na ako. May nakahanda ng pagkain sa lamesa.
*****
Hinatid na ako ni Markie sa bahay at mabuti na lang din wala dito ang parents ko. Tanging si Daphne lang nandito.
"Who he is?" Agad na tanong n'ya sa akin pagpasok ko pa lang sa gate. Sakto kasing nasa labas siya ng dumating kami ni Stephen. Umalis din kaagad si Stephen ng maihatid n'ya ako.
"None of your business." Bakit pa kasi kailangan n'yang alamin 'yong buhay ko. Never ko naman din pinakialaman buhay n'ya.
"Gusto mo ba ipaalam ko sa kan'ya na ikakasal ka na para tigilan ka n'ya." Pagbabanta n'ya pa sa akin. Ano bang iniisip ng babaeng 'to?
"Go, walang pumipigil sa'yo. Gusto mo samahan pa kita." Napaangil siya sa sagot ko, halatang napikon.
"Pag nalaman 'to ni mom and dad, you know the consequences, Ryleigh!"
"Gawin mo na lahat ng gusto mo, mukhang don ka naman kasi sumasamaya." Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon sa kan'ya at pumasok na sa loob.
*****
STEPHEN
May tumawag sa akin ngayon at gustong makipag kita. I really don't know who she is. Pumunta ako sa address na binigay n'ya.
Nakita ko siya agad ng dumating ako, she dressed a luxury brand. Sa ayos at paglalakad n'ya pa lang, she's really a rich.
"Do I know you?" Agad na tanong ko sa kan'ya, never ko pa kasi siyang nakita.