Markie
Nakarating na kami sa exact location pero 'di ako sumunod. Huminto ako dito sa kabilang resort, katabi lang 'to ng resort na dapat namin puntahan. May napansin kasi akong familiar na kotse na nandito pero 'di pa ako siguro kong sa kanya ba.
So, far maganda 'yong loob at malaki. Nag vibrate yong phone ko at si Jake ang tumatawag. Mukhang na pansin na nilang wala ako. Hindi ko pinansin 'yong tawag at pumasok na ako sa loob ng resort.
Pumunta ako sa pinaka front beach para mas matanaw pa ang dagat. Hindi nakakapangsisi kapag pumunta ka dito dahil sobrang ganda at ang calm lang ng alon ng dagat. Sa unahan naman may floating dock na nandoon.
Sumampa ako sa floating dock may iilan ding mga tao dito pero sa dulo halos wala ng tao. Kaya nag lakad pa ako sa may unahan.
Pero hindi ko inaasahan yong makikita ko. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko silang dalawa. Mas lumapit pa ako para ma sigurado kong sila talagang dalawa. Pero hindi nga ako nagkamali sila talagang dalawa.
Gusto kong hilahin si Floyd kaso di ko ginawa. Gusto ko rin sana siyang tulakin at nang mahulog siya sa dagat baka sakaling matauhan siya sa mga kagagohan n'ya. Pero instead nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nag-uusap. Hindi nila ako mapapansin agad, tumabi kasi ako sa isang grupo dito na tumatambay din.
Hindi ko na alam kong ano pang totoo? Pero isa lang ang alam ko pinagloloko nilang dalawa si Hailee.
Lumayo na ako sa kanilang dalawa baka 'di ko kasi mapigilan ang sarili ko at maitulak ko si Floyd sa dagat. Hindi ko na 'ata alam kong paano ko pa pakikisamahan si Floyd. Lalo na sa mga nakita ko pa ngayon, napatunayan kong ginagago n'ya lang talaga si Hailee.
Bumaba na ako sa floating dock habang naglalakad ako sa dalampasigan nasalubong ko sila Jake.
"Amp nandito ka lang pala! Talkshit mo pre! Anong ginawa mo dito?" Tanong ni Oliver.
"Sayang 'di mo nakita reaction ni Ricky napaka epic pati." Tumatawa tawa pang sabi ni One.
"Feeling ko may babae 'tong si Stephen nakipag date ka no? Kaya iniwan mo kami, umamin ka." Hindi ako sumagot dahil baka masabi ko pa 'yong mga nakita ko. Nag-iinit 'yong buo kong katawan dahil sa galit.
"Bakit anong nangyari?" Mukhang nahalata ni Clyde. Pero 'di pa rin ako sumagot ayokong malaman nila magkakagulo lang.
"By the way punta tayo don sa floating dock mga pre." Aya bigla ni Ayen.
"Mukhang maganda nga don, tara don muna tayo."
"Hwag umuwi na lang tayo." Napatingin naman silang lahat sa akin.
"Ano bang meron nakaka curious?"
"Wala malamig lang don tsaka kagagaling ko lang don. Ayoko ng bumalik umuwi na lang tayo."
"Ang unfair mo Stephen! Kami don nakikipag bardagulan tapos ikaw dito naglalanghap ng masarap na hangin. Sarap buhay mo ah." Tumawa naman silang lahat sa complained ni Third.
Mabuti na lang din sumunod sila sa akin at 'di na nagpumilit pang pumunta don. For sure kapag nakita nila 'yon magkakagulo ng sobra.
Palabas na kami ng resort ng may ma pansin si Third ulit na ikinahinto nila. Syempre ako 'di na nagulat pa.
"Kotse ba 'to ni Floyd?" Lahat naman sila napatingin, gusto kong sabihing 'oo' hindi ko ginawa. Alam ko kasing kapag na confirm nilang kay Floyd kotse 'to hahanapin nila.
"Hindi sobrang layo," sabi ko sa kanila na ikinataas naman nila ng kilay. Alam kong nakakahalata na sila pero di na sila nag tanong pa. Pumunta na rin kami sa kotse namin kong saan 'to mga naka park.
****
Nasa bahay na ako at hinihintay ko si Floyd. Tinawagan ko siya kanina at sinabi kong pumunta sa bahay. Pag hindi siya pumunta pinatunayan n'yang ang gago n'ya talaga.
Ilang beses na siyang 'di nakakasama sa mga lakad ng tropa 'yong pala may ibang pinupuntahan.
Lumabas talaga ako para abangan siya, nang nag beep ang phone ko at nag text siya na malapit na siya.
Hindi ko alam kong bakit ako 'yong nakakakita ng mga katarantaduhan ni Floyd!
Lumabas ako ng gate ng nasa labas na siya. Lumabas siya ng kotse n'ya at parang nagtataka.
"Hindi na ako welcome sa bahay n'yo?"
"Yah, 'di welcome mga katulad mong gago dito."
"What do you mean? Nagagalit ba kayo sa akin dahil 'di ako nakakapunta sa mga lakad? It's not my fault laging naka bantay sa akin ngayon 'yong family ko sa mga gagawin ko." Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi n'ya at dinahilan n'ya pa ang family n'ya sa mga katarantaduhang ginagawa n'ya.
"Hindi ako galit, naiinis ako kasi bakit ang gago mo?!" Nakita ko ang pag tiim bagang n'ya. Mukhang nainis siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam.
"Anong problema mo sa akin Markie?! Do we have a problem? Wala akong natatandaan na nag-away tayo or what!"
"The problem is only you! Why? Nakita ko kayo kanina ni Ryleigh. Bakit mo niloloko si Hailee? If you don't love her anymore just break up with her, kaysa naman niloloko mo lang siya. Hindi na ikaw 'yong kaibigang na kilala ko."
"You misunderstood the situation. Walang namamagitan sa amin ni Ryleigh."
"Hindi ako gago Floyd! Hindi lang isang beses ko kayong nakita. Hwag mo na lang ipag tanggol ang sarili mo. Makipag break ka nalang kay Hailee. Mas okay ng ganon kesa naman sa ginagago mo lang siya."
"Si Hailee lang ba talaga ang dahilan ng ikinagagalit mo o may iba pa?" Gago ba 'to?
"Sino pa bang sa tingin mo na ikakagalit ko pa? Kaibigan na rin turing ko kay Hailee katulad ng turing ko sa'yo. Kaya nga iniiwasan kong makialam sa inyong dalawa ngayon. Kaya kinausap din kita kasi gusto kong ikaw mismo mag-ayos nito."
"Hwag kang mag-aalala di ko sasabihin kay Hailee ang nakita ko. Pero sana ikaw na mismo ang magsabi sa kan'ya. Ayokong makialam sa inyong dalawa kaya gusto ko ikaw na magsabi. Kong 'di mo gagawin ang dapat ako mismo ang magsasabi sa kanya. Kahit na masaktan pa siya sa katotohanan kaysa mamulat siya sa kasinungalingan mo."
Hindi ko na hinintay pa ang susunod n'yang sasabihin at tinalikuran na siya. Ayoko munang makialam sa kanila ni Hailee. Pero kapag pinagpatuloy n'ya pa rin na lokohin ang pinsan ko ako na mismo ang magsasabi kay Hailee ng totoo. Mas okay nang masaktan si Hailee kaysa mahalin ang gagong katulad ni Floyd.
***
![Markie Stephen [Bad Boy Series #3]](https://img.wattpad.com/cover/198778598-64-k963715.jpg)