Chapter 09

84 6 3
                                        

Ryleigh

Kasama ko ngayon ang mommy ni Floyd. Sa totoo lang gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo. Ayokong may masaktan na tao nang dahil sa akin.

"Tita." Tumingin naman siya sa akin, namimili kasi kami ngayon ng design ng wedding dress ko. Sa totoo lang 'di ako handa na ikasal di ko nga alam kong tatakbo ba ako sa oras ng kasal. Ayoko sumipot kaso 'di ko alam kong saan ako pupunta.

"May napili ka na ba Ryleigh?" Umiling ako at hinawakan ang kamay n'ya.

"Tita wala na po bang pag-asa na 'di matuloy ang kasal na to?" Mukha siyang nagulat sa tanong ko. Nag buntong hininga ako at tumingin ng diritso kay tita.

"Ayoko pong may masaktan ng dahil sa akin. Siguro naman po alam n'yo na hindi namin gusto ni Floyd ang isat-isa. Masasaktan lang din po kaming dalawa kong matutuloy ang kasal. Sana po magbago pa ang isipan n'yo at pigilan sila mommy and daddy na 'wag na po ituloy." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nag paalam na ako na aalis.

Kapag nalaman ng parents ko ang ginawa ko sigurado akong galit na naman sila sa akin. Wala naman 'ata akong ginawang tama sa paningin nila.

Naglakad nalang ako kahit 'di ko alam kong saan ang pupuntahan ko. Naalala ko may reporting nga pala kami ngayon kaso wala ako pumasok. Papasok naman sana talaga ako kong 'di ako pina excuse ng mama ni Floyd.

Umupo ako sa isang bench dito dahil may malapit na park ang napuntahan ko. Ang dami ko ng naiisip na hindi maganda. Paano kaya kong mawala nalang ako? Para maging malaya na ako. Iiyak kaya ang parents ko kapag nawala ako? Naiinis ako sa sarili ko kong ano-ano na iniisip ko.

"Bakit 'di ka pumasok?" Nagulat ako ng may tumabi sa akin sa upuan at sabay kaming humarap sa isat-isa. Hindi agad ako nakapag salita bakit naman kasi pa sulpot sulpot 'tong si Stephen. Para talagang stalker ko na siya kong na saan ako nandoon din siya.

"Bakit kailangan mo pang malaman? Sino ka ba?" Payak naman siya na tumawa.

"Sabagay in-excuse ka nga pala ng mama ni Floyd." Kinabahan ako sa sinabi n'ya tingin ko kasi naghihinala na talaga siya.

"Una lagi kayong mag kasama ni Floyd and now pina excuse ka mismo ng mama n'ya. Anong meron?" Hindi ko alam kong anong sasabihin. Pero bakit parang responsibilidad ko 'ata na sagutin ang tanong n'ya? Wala akong dapat na ikatakot dahil wala akong kasalanan.

"Nagpatulong lang siya sa akin." Ngumiti siya pero 'di satisfied alam kong di siya naniniwala sa sagot ko. "Alam mo wala naman akong paki kong ayaw mong maniwala. Hindi ko naman responsibilidad na sagutin ang tanong mo," dagdag ko.

"Alam ko, gusto ko lang malaman ang totoo. Sabihin mo rin kay Floyd na makipag break na siya kay Hailee, kong wala naman siyang balak na layuan ka." Tinitigan n'ya ako at kitang-kita ko kong gaano siya ka galit sa akin.

"Hindi ko naman ginusto na may masaktan." Parang anytime bibigay na ako, hindi ako pwede umiyak dito. Bakit kasi napaka swerte nila? Samantalang ako ito wala man lang nakakakita ng worth ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala 'yong luha ko.

Bwesit! Bakit sa harapan n'ya pa ako na iyak?! Kita ko 'yong pagbago ng mga mata n'ya napalitan 'yong galit na tingin sa pag-alala. Pero 'di ko na siya in-intindi pa at tumakbo na.

Siya lang 'yong nakakita sa akin na umiyak, ba't ba kasi ako nasaktan sa tingin n'ya kanina. Wala naman akong paki kahit ano pang tingin n'ya sa akin, bakit kailangan pang mag break down ako mismo sa harap n'ya pa.

****

Nasa bahay na ako ngayon, as usual nagkukulong naman ako sa kwarto. Naiinis pa rin ako kapag naalala ko 'yong nangyari kanina. Parang ayoko na tuloy pumasok, nahihiya ako dahil first time talaga na may nakakita sa akin umiyak, even my friends 'di pa ako nakikita umiyak.

Napatigil ako sa pag-iisip at umayos ng upo sa kama ng dumating si mommy.

"Ryleigh, mag-usap tayo." It's mom parang alam ko na ang sasabihin n'ya.

"Kong about po sa kasal ayoko pong pag-usapan sawang sawa na po ako na 'yan nalang ang topic." Umupo siya sa tabi ng kama ko.

"Hindi don about." Napabangon ako dahil sa wakas ibang topic. Sinabi kaya sa kan'ya ni tita 'yong about sa ayaw kong magpa kasal kay Floyd.

"Gusto ko lang sabihin na kong meron ka mang nagugustuhang iba or kong meron kang boyfriend hiwalayan mona." After n'yang sabihin 'yan sa akin umalis na din siya. Parang 'di talaga ako nag e-exist sa buhay nila, nakikita lang nila ako kapag kailangan.

Halos hindi pa mag sink in agad sa isipan ko ang sinabi ni mommy. Gusto kong magwala pero wala akong magagawa! Anak n'ya ba talaga ako?

Gusto ko tawagan ang isa sa mga friends ko pero hindi ko itinuloy dahil kaya ko na siguro ang sarili ko. Baka may iba din silang problema bukod sa akin.

Bumaba ako para kumain this time hindi nila ako tinawag para kumain. Feel na feel ko na ang pagiging hindi part ng family na 'to. Dumiritso ako sa kusina para tumingin kong anong pagkain. Naabutan ko si Daphne na kumukuha ng water sa fridge.

"Here you go, kusa ka rin naman palang bababa kapag gutom ka." Napa roll eyes naman ako. Ang galing n'ya talaga mag panggap kapag wala ang sila mom and dad. Pero kapag kaming dalawa na lang ganito siya sa akin.

"Talagang bababa ako dahil una sa lahat anak ako na t.u.n.a.y" Ipina mukha ko 'yan sa kan'ya. Nagbago ang mukha ng itsura n'ya pero agad din naman siyang nakabawi at ngumiti.

"Yes dear, you're the real daughter here but look at you?" Tinignan n'ya ako na parang naaawa sa akin. "Anak ka ngang tunay pero mas itinuturing na anak ako." Gusto ko na siyang sapakin sa inis ko, ang kapal talaga ng mukha n'ya.

"Goodbye my sister eat well." Sarcastic na sabi n'ya bago umalis na.

Gusto ko sana siyang patulan pero ako na naman magiging masama sa paningin ng parents ko. Palagi tama sa paningin nila si Daphne.

Kailangan ko na rin pumasok bukas pero na g-guilty ako kapag nakikita ko si Hailee. Wala naman akong kasalanan pero na g-guilty pa rin ako. Knowing na 'yong boyfriend n'ya 'yong papakasalan ko. Mas lalo pang ayaw ko dahil makikita ko si Stephen.

Ayoko ng maramdaman 'yong pakiramdam na 'to na nag-iisa lang ako sa lahat.

******



Markie Stephen  [Bad Boy Series #3]Stories to obsess over. Discover now