Tiwala Lang 10
"Pwede bang magpanggap tayo na okay pa din tayo katulad ng dati? Kahit ngayong pasko lang?" tanong ko ng nakapikit.
No, hindi ko kayang harapin ang totoo. Kahit na lumabas na sa bibig ko yon. Parang gusto kong takpan yung tenga ko para hindi marinig ang sagot niya. Dahil kahit alam ko na ang sagot niya di ko pa rin maiwasan na umasa.
Kahit sabihin ng buong mundo na wala akong pag asa hindi ko pa din ito mapigilan. Sisihin niyo ang puso ko, siya ngayon ang namamayani.
"....." nasabi niya na ang sagot niya. Wait, di nagprocess sa akin.
Pero WAIT! Totoo ba na yun ang sagot niya? Di na ba magbabago yon? :( umaasa nanaman ako huhuhuhuhu
Syempre alam kong never magiging 'sige' ang sagot niya kahit yun talaga ang pagkarinig ko sa kanya.
Super lungkot ng mukha ko kasi naghahallucinate na ako sa sobrang pag asa ko sa kanya. Huhuhu I'm so sick na talaga
"Hey, P. Bakit ganyan mukha mo? Ang pangit?" sabi niya.
Anong?!?!?!?!
"Ang sama mo! Anong mapangit dyan!" sigaw ko. Alam kong OA at super lungkot ko dahil di sya payag pero syempre ayaw kong sinasabihang pangit ako!!! :(
"Yung mukha mo."
"Arg! Hindi ako mapangit. Huhuhu lagi mo na lang akong sinasaktan," sabi ko. Wait, ang lalim ng hugot ko dun ah! Hahaha
"Akala mo lang ikaw lang nasasaktan..." sabi niya ng sobrang hina na ang narinig ko lang ay ang 'ikaw lang nasasaktan' mukhang ayaw ko na rin namang marinig yon kaya di ko na itatanong dahil masasaktan lang ako.
"Drama mo. Tss," reklamo niya sa akin
"Eh kasi naman tumanggi ka na nga tapos sasabihan mo pa akong pangit," pagdadrama ko pa
"Huh? Ano? Ako tumanggi?" nagtatakang tanong niya.
Napatigil ako sa pagdadrama.
"Oo. Di ba di ka payag na magpanggap tayong okay pa tayo?"
"Hay nako! Ang tanga mo talaga kahit kailan no?" sabi niya. Aray naman. Lait na lait ako sa lalaking to eh!
"Kanina pangit ako ngayon naman tanga! Ano pa?"
"Alam mo nakakainis ka eh. Maglinis ka nga ng tenga para marinig mo naman na pumayag ako sa gusto mo!" iritang utos niya.
"Okay maglilinizz--- wait a minute! Pumayag? As in 'sige Plum papayag na akong magpanggap dahil pasko naman' na payag? O as i--"
"Oo na! Kahit anong interpretation mo sa payag na ako. Kainis naman eh," pabalang na sagot niya.
SERYOSO BA SIYA?! YIIIIIIEEEE CAPITAL LETTERS NA GAGAMITIN KO COZ IM SO HAPPY! :) :) :) :) (: (:(: (:
Pero ang weird lang kaya back to normal na lang hahahah
"Walang bawian Marion ah?" tapos nagpretty eyes pa ako sa kanya
"Parang gusto ko na ngang bawiin eh."
"Ha! Wala na. Nasabi mo na, pinky promise na yon!"
"Hays. Mukgang pagsisihan ko to. Nakalimutan ko na kung gaano ka kakulit," sabi niya at nasaktan nanaman ako. Hindi niya na ako kilala. Nakalimutan niya na ako habang ako every second siya inaalala ko.
Siguro dapat na akong magmove on sa kanya after nito. Its for the best. :'(
Nagulat ako ng hinilig niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Uy ano to?" reklamo ko para di inaalis ang ulo sa shoulders niya. Bakit ba, patweetums ako hahahaha
"Naging ganyan ka na ba katanga nung iniwan kita?" ang sakit ha! Kailangan niya talaga ipamukha na iniwan niya ako eh
Hindi na lang ako nagsalita at nanood na lang ng movie. Hindi ako masyadong nakapagfocus dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Nilagay niya pa kamay niya sa balikat ko!!!! *0*
"Marion."
"Hmm?" tanong niya with matching himas himas sa buhok ko. Ayy comforting to baka hanap hanapin ko :(
"Pwedeng wag muna nating isipin na hindi na tayo. Taboo muna yon please?" sabi ko.
"Okay."
"Yey, thanks!" i said tapos niyakap siya. Medyo natigilan siya saglit pero nagrelax din. Miss ko na siyang ihug.
"EHEM! Kuya Renz, bakit parang dumami langgam natin sa bahay? Nalilinis naman natin to ng maayos di ba?" parinig ni Kuya Rin
"Shh wag kang maingay Rin. Baka malaman nilang nanonood tayo," medyo mahinang saway ni Kuya Renz na rinig pa din namin.
Akmang aalis na ako sa pagkahilig kay Marion pero hinigpitan niya ang pagkakaakbay niya sa akin.
"San ka pupunta? Pinapaalala ko lang na ngayong gabi lang to."
Bigla kong naalala na may hangganan pala to kaya di na ako umalis. Sure akong di na to mauulit pa kaya susulitin ko na lang.
"Rin! Hindi talaga sila nagpatinag. Ang baby natin! Huhuhu," pagdarama ni Kuya Renz na feeling daddy. OA niya talaga
"Kuya ang OA mo lang!" sabi ko
"Umalis nga kayo dito, kitang nagmomomment kami eh," pagtataboy ko sa kanila. Hahaha bait kong bunso eh
"Huhuhu Rin narinig mo yun? Di niya na tayo mahal!" pagdadrama pa din ni Kuya Renz. Si Kuya Rin naman walang expression. Wala namang paki sa akin yan eh puro pang aasar lang! Hmpp umalis na sila after madaming pagpapalayas pa ang ginawa ko
"Kailangan mo bang gawin yon? Baka nasaktan talaga mga kuya mo. Concern lang yong mga yon!" sabi niya.
"Wala naman silang alam eh."
"Anong walang alam?" takang tanong niya.
"Di ko pa nakekwento ang about sa *toot* *toooot*" sagot ko
"Loko ka talaga eh hahaha nagtoot toot ka pa dyan!" sabi niya sabay tawa. Aww miss ko to! Napangiti ako agad
"Eh sa taboo yun!" sabi ko ng di mawala wala ang ngiti sa labi ko
"Ang ganda mo ngayon Plum," sincere niyang sabi. Omg!!! Seryoso ba?
"Nakakainis ka talaga forever Marion! You never fail to make my heart beat fast!" sabi ko with matching palo na mahina
"Naks gumaganon!" hahahahaha tapos nag asaran pa kami. Bumalik talaga kami sa dati, walang alangan. Puro tawanan at pagmamahalan lang. Pero alam naman naming dalawa na pake na lang ang makikita sa aming dalawa.
Pero kahit ganon, best gift pa din ito para sa akin :)
---------------------
Hi! Hahaha di na late update to! 2 updates in a week. This isn't real! Hahaha joke! So ayun, base nga sa sinabi ko nung last update medyo experience ko ito. Pero di naman kami nagkasama nong pasko talaga. Pero totoo yung iniwan part but not the whole scene. Tsaka sinabihan niya din talaga ako ng maganda ako kaso christmas party nga lang. Huhuhu those memories. Hayssss uupload ko yung next update next week! Abangan niyo na lang. Mej continuation din nito yun :)