Tiwala Lang 21
Still Marion's POV (sorry ang dami lang niya kailangang iclarify. Super hinurt niya si Plum eh)
Hindi na ako makangiti. Kahit si Ck ang pinili ko hindi ako masaya. Alam kong nakikita niya iyon pero nagpanggap na lang siya na hindi niya nakikita.
Ayaw niya akong pakawalan.
Si Daddy alam na ito. Hindi niya ako masermonan kasi luging lugi ako. Hindi na din niya ako papapuntahin sa ibang bansa. Alam niya din na mahal na mahal ko si Plum. Hindi niya lang tanggap yung part na kailangan kong ilet go si Plum.
It's for the best. Yan ang lame excuse ko sa mga ginagawa ko. Kahit hindi naman talaga para sa best. Mas bagay siguro kung 'it's the right thing to do'.
Kung pwede lang na ako lang ang masaktan sa amin, inako ko na lahat ng sakit.
Lagi na lang akong nakatanaw kay Plum. Nung birthday niya pumunta ako kaso di ako makapasok dahil alam kong di na ako welcome. Nakabantay lang ako sa labas ng bahay nila non. Nakacap ako para hindi niya makilala. Alam kong masisira pa lalo ang birthday niya kapag nakita niya ako. Hindi ko nga maibigay ang regalo ko sa kanya dahil hindi na non matatakpan ang sakit na binigay ko sa kanya.
Hindi rin ako umaalis ng school hangga't di pa siya umaalis. Hinihintay ko siyang lumabas ng bahay nila, pagpapasok, sa malayo. Nakatanaw lang ako. Kasi dito lang ako nararapat. Ito ang bagay sa akin. Hindi na ako pwedeng lumapit sa kanya. Wala na akong karapatan.
Natuwa ako ng one time, nakauwi na si Ck at sumabay ako kay Plum pauwi. Kunwari nagtetext ako pero pinipicturan ko lang siya sa phone ko. Buti na nga lang at nakasilent phone ko nun kundi nabisto na.
Natutuwa ako dahil sumusulyap sulyap siya sa akin. Nararamdaman kong mahal niya pa din ako pero naalala ko agad na hindi na pala pwede. Ayaw ko ng makagawa ulit ng ireregret ko. Ayaw ko ng saktan pa lalo si Plum. Di niya deserve.
Naalala kong bumili ako ng bagong sim. Wala lang, trip ko lang. Pero naisip kong pwede kong itext si Plum gamit yun kaya ayun tinext ko siya at nagpanggap na Ranz. Natuwa na ako kahit na hindi niya alam na ako kausap niya. Ang mahalaga nakakausap ko pa din siya.
Nakakatuwa din na tinetext niya ang totoo kong number. As in parang flinood niya ako. Eh, wala akong load dun kaya no choice ako. Hindi naman pwedeng sa isang number ako magreply. Edi baka nabisto ako.
Tinext niya ako sa bago kong number. Magkatext kami magdamag. Kahit alam ko nanaman mga sinasabi niya, nakakatuwa pa din na open siyang magshare.
After that wala na akong load. Wala eh, taghirap ngayon. Natotoong bawas allowance pagmay girlfriend ako.
2 days after, sinendan ako ng load ni Ck. Hindi ko daw kasi siya nirereplyan para no excuse na daw ako. Mga 15 pesos lang naman
Kaya tinext ko si Plum. Kaso naalala ko, sa totoong number ko pala nagpasa ng load si Ck. Hindi niya alam yung about sa new sim ko.
Tawag naman ng tawag si Ck kaya hindi ko mareplyan agad si Plum. Kainis na babae. Ang clingy na!
Pinaloadan ko yung isa kong sim. Kainis ang gastos.
Natuwa ako sa mga text ni Plum kaya as Ranz ililibre ko siya ng ice cream kahit no budget na ako. Syempre pinapabigay ko na lang. Hindi niya tatanggapin kapag alam niyang galing sa akin eh. Kaya from afar ko na lang siya tinitignan.
------------
Simbang gabi na. At alam kong magsisimba sina Plum.
Hinanap ng mata ko kung saan sila nakaupo at buti na lang may vacant seats sa likod nila.
"Mom, andun sina Tita Claud oh," sabi ko para hindi halata na excited ako makatabi si Plum.
"Sige dun na tayo umupo!" excited na sabi ni Mommy.
Pagkarating namin don nagchicka chicka muna si Mom at Tita.
Dinantay ko yung braso ko sa upuan nina Plum. Wala lang, gusto ko lang siya maamoy. Pero nagulat ako nung lumingon siya. Napaayos tuloy ako ng upo.
Naghi siya sa akin. Hindi ako nakasagot sa dahil sa tuwa.
Tapos maya maya pinalipat ako ni Dad sa tabi niya. Alam niyo naman si Daddy. Indenial pa din na hindi kami magkakatuluyan ni Plum.
Super awkward lang ng misa na yun. Feel ko kasi di na ako pwedeng lumapit sa kanya. Wala na akong karapatan. Hindi kami nag usap kahit kating kati na akong kausapin siya.
Nung natapos ang misa, napagdesisyonan ng matatanda na magsama na lang kami for the noche buena. Okay sa akin yun syempre kaya wala tutol.
---------------
"Pwede bang magpanggap tayo na okay pa din tayo katulad ng dati? Kahit ngayong pasko lang?" narinig kong sinabi ni Plum
Muntik ko ng sabihin kahit hindi na matapos. Kahit ganon na kami forever. Kaso walang forever kaya for life na lang hahaha
Best day of my life to. Napapayag ko pang dumantay yung ulo ni Plum sa balikat ko. Heaven! Hindi ko maexplain yung nafifeel ko. Ni hindi ko nga nafeel to kay Ck eh.
Kahit kanina ko pa ramdam yung matatalim na tingin ni Rin sa akin, di ko pinansin. Alam kong mayrong something sa kanila ni Ck. Di ko lang alam kung ano yung something na yun.
Hindi siya naiinis sa akin dahil niloko ko yung kapatid niya. Naiinis siya sa akin dahil kahit pinaglaruan at niloko ko si Ck sa akin pa rin siya. Sa akin pa din ang mahal niya.
Ni hindi niya nga sinabi kay Plum yung nakikita niya sa classroom eh. Masyado kayang affectionate tong si Ck. Wala miski isang nakarating sa kapatid niya. Kaya nagtataka din ako.
Kung ako lang yung si Rin, isusumbong ko na yung pinagagawa ng lalaking tinutrust ng kapatid ko.
----------
Sa tagal ng pagsisisnungaling ko kay Plum, ngayon lang nagawang ibunyag ni Rin ang lahat. Kung kailan masaya kami kahit alam naming matatapos din to. Kung kailan handa na akong ipagtapat sa kanya. Dun niya pa talaga napili.
Nanghingi ako ng isa pang chance kay Plum. Itatama ko na lahat ng mali kong ginawa. Pero huli na nga. Kahit alam kong huli na, nagsumikap pa din ako. Baka.magbago pa ang isip niya eh.
Kaso naging bato na siya. Di na siya nakinig. Di na siya makatingin sa akin without feeling disgusted. Wala na yung love na nakikita ko dati sa mata niya. Hindi ko na makita yung ngiti na nagpainlove sa akin.
Wala na.
At alam kong ako ang dahilan non.
Kaya nagsikap ako na pasayahin siya. Kahit hindi ako ang magkecredit. Kahit na as Ranz lang, mapagaan ko loob niya.
Kung ano ano binibigay ko sa kanya. Ilang beses din akong nagtangkang magtapat na sa kanya kaso naaalala ko yung mukha niya nung nalaman niya ang lahat. Natakot ako.
In denial ako. Ayaw kong aminin na wala na sa akin si Plum. Dahil deep down alam kong never siyang naging akin.
///////////////
Hi guys. Sorry for the late update. Super emotional ko lang, kakatapos ko lang panoorin yung Rooftop prince and hagulgol pa din ako. Hindi lang ako makapaniwala na may taong kayang magmahal ng katulad ni Park Ha. Even after 300 years, mahal niya pa din si Lee Gak. I believe, may reincarnation talaga. Sino kaya ako sa past life ko? Mehe. Okay, enjoy niyo na lang update ko. Isang chapter na lang before the epilogue!!!! :)