Chapter Three
Kinabukasan, mga 7 pa lang gising na ako. Sino naman ba ang excited? Hindi naman ito ang first date namin ni Marion, pero siyempre every date namin ganito ako.
To: Marion
Hoy! Batugan, gumising ka na.
Sweet ko no. Walang good morning good morning. Haha. Ganyan talaga kami. Minsan sweet sa isa’t isa. Pero gaano nga ba talaga kadalas ang minsan? Mehehe. All the time para kaming barkada lang. Mas okay nga yung ganun para walang ilangan sa amin. Wala din talaga kaming sweet bones sa katawan eh.
From: Marion
Ha! Goodmorning din P. Sweet mo talaga eh. Kaya mahal kita eh.
OH MY GOSH! ‘Kaya mahal kita eh.'
Sinabi ko bang di kami sweet? Ako lang yata eh.
Magrereply na sana ako nang nagtext ulit siya..
Marion: Syempre alam nating joke lang yun. Wag ka na ngumiti dyan. Mukha kang maniac.
As always naasar ako sa kanya. Kinilig na ako eh. Minsan lang yun eh! Kainis talaga yun. Binabawi ko ng sweet siya. Mas appropriate ang mapang asar.
Me: Epal mo forever Mariooon! I hate you so much!
Marion: Same to you. Hahahahaha. Goal ko sa umaga ko na asarin ka.
Me: You succeed. Galing mo talaga eh.
Marion: Syempre, I’m awesome like that. Brb.
Tapos di na siya nagtext. Baka nagpapapogi na para sa akin yun. Dapat lang! swerte niyang makadate ako noh!
Nung bandang 1, nag ayos na ako. Excited eh kaya maaga pa lang ready na ako. Pinaligo ko yung perfume ko sa katawan. Baka punahin nanaman nung kulugong yun. Himala nga at di pa nagtetext ang loko. Baka nag aayos pa din. Sus, kahit di naman siya mag ayos gwapo pa din siya. Nako!
Naglotion ako ngayon para naman malabot skin ko. Minsan lang to! Naglipgloss ako para naman di dry lips ko. nagpulbos pa ako para di oily (kahit di talaga oily mukha ko). Sinuklay ko ng maigi hair ko. Todo effort ako sa pagpapaganda ngayon.
Nagbraids ako ngayon, para kahit papaano magmukhang presentable ako. Baka magkalat lang sa mukha ko yung buhok ko eh. Maarte pa naman si Marion dun. Akala mo babae kung makapag inspect ng ayos ko yun eh! Minsan nga siya na namimili ng susuotin ko. maarte talaga yun. Bakla eh.
Malapit ng mag4 ng magtext ang loko. Sows. Ngayon lang yata natapos. Baka naligo ng ilang beses para matanggal lahat ng libag niya sa katawan. Napangiti agad ako nung nakita kong pangalan niya ang nakalagay. Excited kong binuksan ito.
From: Marion
P, sorry di na tayo tuloy.
Nanlumo naman ako sa nabasa ko. Kung kelan ready na ako at lahat lahat dun niya lang sasabihin? Nakakainis talaga siya! Sana kanina niya pa sinabi di ba? Maiintindihan ko naman eh. Siya pa nga tong kagabi pa nangungulit na mamili ako ng magandang damit, magmukha dapat akong presentable tapos di pala matutuloy. Tsaka sana man lang sinabi niya bakit di natuloy. Ano to, sasabihin niya lang na ‘P, di na tayo tuloy’ tapos okay lang para sa akin? Hindi! Paasa naman oh!
Dahil nainis ako sa kanya, di ko siya nireplyan. Di man lang nagtext pa kung bakit di ako nagreply. Wala man lang reasons. Di ba siya magpapaliwanag? Bakit di din sa personal? Naiyak ako dahil dun, nagpalit na ako ng damit tsaka nagkulong na lang sa kwarto ng ilang araw. Nabad trip talaga ako sa kanya eh.
Nung Monday, maaga akong umalis ng bahay para di niya ako maabutan. Ayaw ko sumabay sa kanya. Childish man tignan, galit ako sa kanya eh. Excited na excited pa naman ako. Alam niyo yun di ba?! Nakailang palit ako ng damit dahil iniisip ko kung anong magugustuhan niya. Nasayang yung fave perfume ko dahil pinaligo ko siya nun para maging mabango ako para sa kanya. Pinaasa niya ako. Naghintay pa naman ako. Di pa ako mapakali nun dahil gusto kong maging maganda sa paningin niya tapos tapos..... Naiyak nanaman ako.
Buong araw pinilit kong di magtagpo ang landas namin. Wait, penge tissue. Nose bleed ako dun ah! K. Panira ako ng moment ko. Haha.
So ayun na nga, di ako nagpuntang canteen para kumain. Di rin ako nagCR para di siya makasalubong. Nagstay lang ako sa classroom buong araw. Mukhang napansin din nga ng mga classmates ko pero di sila nagsasalita. Naiintindihan nila ako. I’m so glad ganun classmates ko. Hanggang sa nagdismissal na.
“Plum, uuwi ka na agad? Di mo ba hihintayin yung sundo mo?” sabi ng kaklase kong lalaki. Binatukan naman siya ng babae kong kaklase.
"Alam mo ang slow mo! Hindi mo ba napansing hindi sila okay? Mga lalaki talaga, ang dense kahit kailan!" pagalit na sabi niya sa kaklase namin.
“Sige na, Plum. Mauna ka na,” sabi nung babae. Nginitian ko na lang siya ng pilit at nagmamadaling umalis ng classroom.
Ayaw ko pa siya makita eh. Galit pa din ako sa kanya. Malapit na ako makalabas ng building ng makita ko siya. Agad agad kong minadali ang paglalakad ko para di niya ako makita. Sa kasamaang palad, nakita niya ako. Lalapit na nga siya sa akin, kaya ginawa ko tumakbo na ako. Ayaw ko siyang makausap. Hindi pa ako handang makipag usap ngayon. Wala siyang mapapala sa akin. Mag aaway lang kami kapag nag usap kami ngayon. Hindi makakabuti yun. Lalala pa ito. Kaya mas okay na ito.