Tiwala Lang 22
Marion's POV
Di ko na siya nilalapitan.
Kung dati nakatanaw na ako sa malayo. Ngayon hindi ko na siya makita pa.
College na ako at high school pa din siya.
Kami pa din ni Ck.
Di ako makawala sa kanya kahit may affair na din talaga siya sa iba. Alam ko. Wala lang akong sinasabi dahil pinapaisip ko sa kanya na gumaganti siya sa akin. Para matahimik nanaman siya.
Pero hindi ako nasasaktan.
Kung dati mahal ko pa siya. Ngayon wala na talaga. Si Plum na lang talaga. Siya na lang.
Kahit naghirap kami dahil sa sunog, naging blessing in disguise ito. Dahil nagkausap at naging close kami ni Plum.
Kaso before that kailangan ko pa talagang magsuffer. Aamin na talaga ako na ako si Ranz. Nandon na ako agad sa meeting place. Ang nangyari lang, siya naman ang di sumipot. Sobrang nadown ako.
Nainis ako sa kanya dahil never niya talaga ako binigyan ng chance mag explain. Di niya man lang inalam ang side ko.
Pero ayun nga natuwa ako kahit hanggang best friend lang ang maibibigay niya. I mean sobra sobra nga yun eh!
Ako pa din si Ranz. Kapag alam kong nasasaktan siya sa pinapakita namin ni Ck. To the rescue ako.
Actually, tuwing kasama lang namin si Plum kami sweet ni Ck. Kapag hindi lagi kaming nag aaway. Lagi naman siyang tatawag kay Plum kasi alam niyang aayusin nito ang relationship namin. Alam niyang masasaktan ako pagginawa niya yon. Feeling niya gumaganti siya sa amin.
Wala na akong paki sa kanya. Nagiging selfish na siya. Di niya na alam paano tumigil. Gusto niya na lahat na sa kanya.
Di ko nga alam paano ko siya natiis for 3 years. And now alam kong nasa limit na ako. Hindi ko na kayang magtiis pa ng ilang taon o araw man na kasama siya.
Puro downs na kami ni Ck. Siguro alam niya na din kung saan papunta tong relationship namin. Pero aaminin ko, I tried to fall in love with her again. Kaso hindi ko na makita kung saan ako nainlove sa kanya eh. Hindi na kasi siya yon.
Plum's POV
Habang kinekwento ni Marion yung side niya di ko na mapigilang umiyak.
Nasasaktan ako from the start hanggang sa tapos na siya magkwento.
Nasaktan ako dahil hindi pala siya sincere na nanligaw sa akin non. Na niligawan niya ako para magstay pa din siya malapit kay Ate Ck. Parang ang kwento niya ay nagrevolve kay Ate Ck.
Kahit sweet moments namin, magiguilty siya dahil kay Ate Ck. Tinigilan niya ang panliligaw sa akin dahil kay Ate Ck.
Nakakainggit naman si Ate Ck.
Puro na lang Ate Ck!
Pero sa bandang huli, nasaktan ako dahil mahal naman namin ang isa't isa pero bakit parang hindi pa din pwede?
Dati tinatanong ko yan. Inis na inis ako sa kakilala ko. Mahal nila ang isa't isa pero hindi sila gumawa ng paraan para maging sila. Naisip ko na anong pakialam ng iba sa inyo? Ang mahalaga ay mahal niya ang isa't isa. Sobrang naiinis ako non.
Hanggang ngayon dahil hindi ko pa din gets.
Naiinis ako dahil bakit pa gagawing complicated ang bagay bagay? Isa lang naman solution para mawala ang sakit na nararamdaman namin eh. Kailangan lang namin ang isa't isa at hindi na namin mararamdam ito kahit gaano pa kasakit. Kakayanin dahil kasama naman ang minamahal.
Ang daming tumatakbo sa isipan ko niyan. Hindi ko lang alam kung anong irereact ko sa mga nalaman ko.
Akala ko noon, ako lang ang nasasaktan dahil syempre ako ang iniwan eh. Minsan din pala kahit na ikaw ang nang iwan masasaktan ka din.
"Rian, please give me one last chance and I promise I won't mess it up this time. I love you so much!" sabi niya ng sincere.
Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niya. At sinabi ko ang desisyon ko.....
//////////////////////////
Epilogue is next chap. Sorry for the short update and wala masyadong convo dito. Well, I'm gonna miss writing about Marion and Plum. Huhuhu itong story na to nasulat ko lang parang breathing space pagnagkakawriters block ako. Pagwala akong masulat for Let me be the one or dun sa my beki bf. So after this magfofocus na ako sa isang story and tatapusin na yun. Promise mehehehe