Tiwala Lang 11

93 2 2
                                    

Tiwala Lang 11

Kumakain kami ngayon ng sabay sabay sa terrace. Well, si Tito Arman(Dad ni Marion) ang nagsuggest kaya go lang sina Mommy. Mas maganda nga dito kasi mamayang magfireworks makikita namin.

So siguro alam niyo na sino katabi ko? Mehehehe talagang pinanindigan niya eh. Sweet talaga.

Tinutukso nga kami nina Dad at parents niya. Si Mommy medyo nakutuban niya yung nangyari dati kaya hindi siya nakisali.

"Mukhang magiging magbalae na talaga tayo ah?" sabi ni Tita Carmen. Ngiti lang ang iginanti ni Mommy. Nice Mom, kilala mo talaga baby mo! Hahaha

"Ayos yon. Boto naman ako dito kay Marion para sa unica ija namin eh," sabi ni Dad. Dad kung alam mo lang! Di naman talaga ako gusto niyang boto mo. :(

"Hayaan na muna natin ang mga bata. Sila na magdedesisyon kung gusto ba nila ang isa't isa. Baka naiisip nila na pinagpapartner talaga natin sila kaya ganyan sila," sabi naman ng Dad ni Marion. Wow lang hahaha

Yung kapatid ni Marion tahimik lang. Wala kasing makalarong bata eh.

Sina Kuya di naman nakiasar. Ewan ko dun kung anong nangyari sa kanila?

Si Kuya Rin kasi busy sa pagtetext. Which is rare kasi sino namang katext niya?! Sina Kuya Nat? Weird naman nun!! Nakasalubong nga kilay nya eh. May kaaway yata?

Si Kuya Renz naman naglalaptop. Nako, may girlfriend na ba to? Di naman nagkekwento sa akin. Huhu ako na ang kapatid na left out.

So hot seat talaga kami ni Marion dito. Nako

Umalis na ang tanders kaya solo ko nanaman si Marion. Mehehehe si kuya Renz pumasok sa loob ng bahay. Idk why

Umupo ako sa veranda sa may terrace namin. Pinagmasdan ko ang langit. Wala ka feel ko magdrama drama dito. Maya maya nagback hug sa akin si Marion.

Ang init ng yakap niya. Nakakarelax dahil malamig ang hangin sa gabi.

Nasira naman ang pagmomoment namin dahil may kaaway yata si Kuya Rin sa phone niya at ang lakas lang ng sigaw niya.

"Seryoso? May ibang babae yung boyfriend mo CK?" syempre di ko alam sinabi ng kausap niya dahil di naman nakaloudspeaker. Si Kuya Rin lang ang loud speaker. -.-

"May girlfriend na siya tapos ganon!?" hala! Anong klaseng lalaki yan? Epal.

Si Marion biglang parang nagulat at humigpit ang yakap sa akin. Sobrang higpit na.

"Asdsgahe naman lalaki yan oh!"

"Alam naman ng lahat na nililigawan niya si--- oo siya nga! Tignan mo ikaw nga din alam mo eh."

Humigpit pa yakap niya. Pinipilit kong tanggalin ang pagkayakap niya pero masyado siyang malakas.

"Ano ba Marion?" sabi ko pero di siya sumagot.

"Pasalamat lang siya di ko siya masapak ngayon kasi kayakap niya kapatid ko." biglang nawala ang pagkayakap niya sa akin ng sinabi to ni kuya.

Di ko gets. Anong sinasabi ni Kuya? Di niya masapak yung lalaki kasi kayakap ang kapatid niya? Eh ako yung may kayakap kaya---

No! Meaning ba non may girlfriend si Marion habang nililigawan niya ako? Kaya ba hindi na niya matanong ang 'will you be my girlfriend?'

"Plum I can explain!" sabi ni Marion. Pero di ko siya pinansin. Umiyak na lang ako.

Best christmas gift ever.

Now, it makes sense. Bakit ba ako nagpapakatanga pa sa kanya? Di niya naman pala talaga ako sineryoso.

"Kuya Rin," tawag ko ng mahina pero narinig niya pa din. Napatingin siya sa akin at nagmadaling lumapit agad. Concerned siya, kita sa mukha niya.

"Totoo ba yung narinig kong usapan niyo ng kung sino man kausap mo?"

"Sorry Rian na sa ganitong way mo pa malaman," sabi niya with a hurt voice pero may galit ding kasama.

"Kuya wala *huk* w-wala na akong kayakap," sabi ko. Mukhang di niya nagets agad kasi di mo maexplain yung itsura niya kanina. Pero nung nagets niya bigla niyang sinuntok si Marion.

Medyo gumaan ng konti yung pakiramdam ko dahil nasaktan siya. Well, not the same way as nasaktan ako pero okay na to.

Finally, makakamove on na ako.

Nasagot na ang mga tanong ko! I can be happy right?

"Hoy Marion! Wag mo na ulit lapitan si Rian kung ayaw mong saktan ko yung girlfriend mo for 2 years!" sabi ni Kuya ng mas nagpahagulgol pa sa akin.

"2 years? Eh 1 year mo na akong nililigawan ah? Tanggap ko sana kung 7 months na kayo nung babae o kahit 1 year din. Pero niligawan mo ako habang may girlfriend ka? How could you do that to me? To her!" sigaw ko kay Marion.

"Plum, please. Mag eexplain ako. Hindi ko siya mahal. Please! Ikaw mahal ko!" pagmamakaawa niya.

Ako mahal niya? Eh di ba nga sabi niya di niya pala talaga ako gusto? Ano to? Pakiexplain nga sa akin! Hindi ko talaga maintindihan eh!!!!

Hinawakan niya yung pisngi ko at sinabing, "Di ko kayang wala ka Plum. Please, wag mo akong iwan. Mahal kita! Magtiwala ka naman sa akin." pero tinaboy ko yung kamay niya.

Hindi ko na alam paniniwalaan ko.
Habang umiiyak pa din ako, sinabi ko, "Nagtiwala ako sayo Marion. All this time nagtiwala akong babalik ka pa sa akin. Sa sobrang tiwala ko sayo naging bulag ako. Kung maaalala ko nga lang talaga, mukhang napipilitan ka lang talaga sa akin. Okay lang. Atleast ngayon alam ko na. Kahit mahal kita, ayaw ko na."

Umalis na ako pagkatapos non. Umiiyak din siya. Sht ang drama ng pasko namin. Pwede ng ipangMMK.

Sabi nga ng iba, this is for the best.

///////////////////////////

Okay. Di ako makagawa ng drama scene dahil good mood ako hahaha may kausap kaya talaga si Rin? Haha naalala ko lang kasi nung dati may tumawag DAW sa friend ko tapos syempre usap usap sila don. Kinabukasan tinignan nung isa ko pang friend yung logs niya. And ang last call pa ay from his mom at last week pa yon. Wala lang, share hahaha maagang update bc good mood ako. Please check yung chap 5. May konting changes akong ginawa. Nagkaloko loko kasi ang plot

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon