Tiwala Lang 18

50 2 0
                                    

Tiwala Lang 18

"End of the world na ba?" tanong ni Marion.

"Oo," sagot ko kasi pagnalaman niya yung nalaman ko siguradong end of the world niya na. Btw, magkausap lang kami sa phone. Hahahaha

"Loko. Himala yata at napatawag ka. Miss mo na ako no?" panloloko niya.

"Lul. Seryoso kasi to. Puro kalokohan ka lang eh," asar na sabi ko

"Sige. Game, sabihin mo na," seryoso namang sabi niya

"I think mas bagay na sa personal ko to sabihin. Kita tayo sa The Ice Cream House sa X street," sabi ko.

"Sows. Nagseryoso na nga, di pa sinabi," reklamo niya.

"Wag ka ng makulit. Sundin mo na lang ako Kuya!" sigaw ko.

"Oo na. Papunta na nga eh," sabi niya.

"Good. See you, andito na pala ako," sabi ko.

"Di ka naman excited?" pang asar niya

"Bye," pikon kong sabi. Tapos binaba ko na yung phone. May sinasabi pa siya eh. Hindi ko na pinakinggan dahil kalokohan lang sasabihin niya.

Naisipan kong sabihin sa kanya dahil binuksan ko na yung regalo kanina. It's about time na din naman eh.

Naglalaman lang naman iyon ng dark blue beanie. Wala pa akong ganon kahit may collection na ako ng mga hats. May letter na nakasulat.

Nakalagay lang, 'Mahal na mahal kita tandaan mo' pero time flies na kaya I'm sure nag iba na yan.

Naisip ko, kung mahal niya ako, baka hindi siya masyadong masaktan dito. Magiging masaya na kami--- I mean, makakawala na siya kay Ate CK.

Btw, ito yung ice cream shop na dapat unang pagkikita namin ni Ranz kaso di siya sumipot. Nababanas tuloy ako pagnaaalala ko yun.

Medyo naging madalas na ang pagbibigay sa akin ng kung anu ano nun. Pero di pa din nagpapakita. Siguro naisip niyang di talaga ako magpapakita sa kanya pagpinush niya pa yun. Ang weird part lang, tuwing feeling ko malungkot ako or nasasaktan dun siya magtetext. Iniisip ko minsan na guni guni ko na lang si Ranz eh. Huhuhu

After 5 minutes dumating si Marion. Malapit lang naman sa kanila to, walking distance lang.

"Wow. Nag ayos ka pa ha," sabi ko. Kasi super lakas ng pabango niya, naka polo shirt siya and jeans. Hahaha ako naman naka t-shirt lang at maong shorts. Nakaslippers nga lang ako eh.

"Feel mo naman para sayo to? Pupuntahan ko pagkatapos nito si Ck. Feeler ka talaga eh," sabi niya at ayan nanaman ang familiar feeling. Parang gusto ko magtext si Ranz. Please take me away from here!

"Baka alam ko?" sinabi ko sa kanya.

To: Ranz
Busy ka?

Bigla namang narinig ko yung text alert tone ni Marion. Napatingin ako sa kanya. Medyo gulat. Coincidence lang siguro to! Tinignan niya yung nagtext sa kanya at napakunot ang noo niya. Di niya nireplyan yung nagtext. Pinatong niya na lang yung phone niya sa table.

At ang mas kinagulat ko ay di nagreply si Ranz. Pero baka busy lang?

"Ito na nga, kaya kita pinapunta dito kasi may nalaman ako. And it concerns you. Gusto mo bang malaman?" seryoso kong tanong.

Napatingin naman siya sa akin.

"Gusto kong sabihin sayo kasi as a best friend nagwoworry ako for you," pagpatuloy ko. Napansin kong parang huminga siya ng malalin na parang pinipigilan niya ito kanina. Hala, kinakabahan ba siya? Hahaha ang cute

"Sabihin mo na!" curious na demand niya.

Pero bago ko sabihin yung nalaman ko. Dinial ko muna number ni Ranz para tawagan. Never ko tong trinay dati kasi medyo curious lang naman ako sa katauhan niya. Pero ngayon super curious na ako.

Nagring siya at sabay na nagvibrate ang phone ni Marion. Napatingin ako dito at ang nakalagay sa screen

'Plum calling....'

"Care to explain?" sabi ko.

Hindi siya makapagsalita. Shocked pa din siya. Akala niya siguro papalampasin ko yun pero hindi dahil gusto ko lang idivert ang isip niya para isipin niyang wala lang sa akin yun.

And to think na kaya ko siya pinapunta dito ay para sa kanya din. Tapos niloloko niya nanaman ako.

"So yung sa jeep nung first text ni Ranz, i mean mo ako yung katext mo nun?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"At nakangiti ka non di ba? So tuwang tuwa ka namang pinaglalaruan ako?" sabi ko na medyo hurt.

"Tapos makikipagkita ka pero hindi ka sisipot! Pinaghihintay mo ako sa wala. Tuwang tuwa ka din ba na umaasa nanaman ako?" tanong ko at napayuko siya.

"Rian, mag eexplain ako..." sabi niya ng mahina at hahawakan sana ang kamay ko pero iniwas ko.

"Explain? Ano pang ieexplain mo? Na hindi mo naman sinasadya? Na sasabihin mo naman na sanang ikaw yon kaso di ka makahanap ng tyempo? Ano?"

"Rian, wag tayo dito please. Nakakahiya sa tao," sabi niya at pinipilit akong pakalmahin.

"Wow, ngayon ka pa nahiya. Ayaw mo bang malaman nila kung paano mo ako niloko at pinaglaruan paulit ulit?" sabi ko at pinipigilan ko talagang umiyak.

"Plum, please dun na lang tayo sa bahay. Wala naman sina Mommy dun. Pwede mo aakong sigawan don. Pati suntukin o murahin. Okay lang basta dun tayo sa bahay, please?" sabi niya at pumayag na lang ako. Gusto ko siyng bugbugin eh

Pagkarating naman sa kanila, pinaupo niya ako at kinuha ng tubig. Siyempre calm na ako ngayon at naisip ko ng sabihin na sa kanya yung nalaman ko. Mali din naman akong magwala don sa shop. Nakakahiya nga

"Kuya Marion...." pagtawag ko sa atensyon niya.

"Hmm?" di niya alam sasabihin niya kaya ayan lang siguro nasabi niya

"Sorry dahil gumawa ako ng scandal dun sa shop."

"Naiintindihan naman kita Rian. Ako din siguro ganon magiging reaction ko kapag nalaman kong niloloko lang ako. Hindi naman sa niloloko kita ah," sabi niya in a defensive tone

Napatawa ako, "Okay. Start explaining."

"Kasi ganito yun......

/////////////////////

Pabitin lang guys. Mehe! Update din ako later kaso paguwi ko na lang from binyag ng anak ni papa lol. Enjoyyy

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon