Tiwala Lang 15

70 2 1
                                    

Tiwala Lang 15

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Hays, nakatulog pala ako ng nakauniform. Medyo makulimlim na eh.
Nagpalit ako ng damit tapos bumaba na.

Pagkababa ko, nagulat ako sa nakita ko. Sina Tita Carmen at Tito Arman. At ang mas nakakagulat ay syempre ang anak nila na si *toot* at si Marraine hahaha joke si Marion. Nakamove on na ako eh kaya di na siya taboo!

Nakabusangot yung mukha niya na parang ayaw niya dito. Or bad trip lang siya. Bakit, nagbreak na ba sila ni ate CK? Hindi naman sa hinihiling ko na magbreak sila ah.

"Oh Mommy, bakit sila nandito?" lumapit ako kay Mommy syempre at binulong yan. Ayaw ko naman maging rude.

"Sila ang bisita natin baby! Dito muna sila titira for the mean time dahil sad to say nasunugan sila," malungkot na sabi ni Mom.

"Hala, Tita Carmen buti okay lang po kayo!" Oha, di na din ako yung mataray at walang paki. Nakamove on na kasi talaga ako.

"Buti nga din at ligtas kami nina Marraine, Marion at Tito Arman mo. Kaso nasunog lang talaga lahat ng gamit namin kaya dito muna kami saglit," pagexplain ni Tita.

"Nako Tita, welcome na welcome po kayo dito," sabi ko with a smile. Totoong ngiti na to kasi di na ako bitter.

"Thank you Plum! Napakabait mo talagang bata," tapos niyakap niya ako. Humiwalay na ako tapos lumapit si Daddy.

"Okay lang ba talaga baby? Hindi ba *ehem* awkward?" sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya, kitams nagagawa ko ng tumawa kasi di na talaga ako affected. Talagang nagehem pa siya eh.

"Don't worry Dad. Moved on na ako," proud kong sabi dahil moved on na talaga ako.

"Kain na tayo. Rian tawagin mo kuya Rin mo," utos ni Mommy.

Umakyat naman ako at kakatok na dapat sa kwarto ni Kuya kaso may narinig ako.

"Ano ba CK? Magpapakatanga ka na lang ba lagi dyan?" may kausap siya sa phone at si ate CK nanaman. -.-

"Mahal ka pa ba niya?!" frustrated na sabi ni Kuya.

"Alam mo nakakainis ka na eh. Dapat hindi na ako naiinvolve sayo kasi graduate na tayo ng high school eh."

"Hindi na ako magpapagamit sayo." Oww ano mayron sa kanila? Akala ko ba girlfriend siya ni Marion?

"Ayusin niyo na yan ni Marion, labas na ako dyan, bye!" sigaw niya. Oh sht. Kailangan ko ng kumatok.

"Hm Kuya kain na daw tayo?"

"Sige susunod na lang ako mauna na kayo," sagot niya

Bumaba na ako at pumuntang dining.

"Mom, susunod na lang daw siya kain na daw tayo," pag inform ko. At nagstart na kami kumain.

Pagkababa ni Kuya ang sama ng tingin niya kay Marion. Malamang dahil ginugulo siya ng girlfriend nito. Pero si Marion walang reaction, di niya nga pinansin si Kuya eh.

Dapat di ba mainis din siya kay Kuya. Kasi kung ibebase ko sa narinig ko kay kuya, may something si Kuya Rin at Ate Ck.

Hays ang gulo!

Pero mas galit kasi sa akin si Marion kanina pa ang sama ng tingin niya sa akin eh. Wala akong ginawa ah! Ako nga dapat magalit sa kanya eh. Well I mean dapat wala ng may galit sa amin kasi moved on na kami, di ba?

"Okay ka lang ba Kuya Marion?" hahaha balik sa dati

Nabulunan naman silang lahat dahil kinausap ko siya pero nakabawi naman siya agad at sinamaan ako ng tingin. Ano ba problema nito?

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon