Tiwala Lang 19

62 3 2
                                        

Tiwala Lang 19

Marion's POV (mas madaling iexplain kung side niya ang mababasa niyo. Basta ito din ang kinekwento niya kay Rian, okay?)

Let's start sa time na nagkakilala kami ni Plum..

Family friends ang family namin kaya since baby pa kami magkakilala na. Same grade school and same high school. Lagi kaming inaasar ng parents namin dahil since high school daw sina Mommy at Tita Claud(mommy ni Plum) gusto nilang magkatuluyan ang magiging anak nila.

Unang nagkaanak sina Tita Claud at syempre si Kuya Renz yun. Si Mommy naman wala pang asawa non. Tapos nagpakasal sina Mommy at Daddy after 3 years nung pinanganak si Kuya Renz. Then after 2 years pinanganak ako ni Mommy. Nasad sila dahil lalaki ako at hindi pwede kay Kuya Renz. Pero at that time kabuwanan na din ni Tita Claud. To their suprise din lalaki ang lumabas. Btw, ayaw nila magpaultra sound kasi mas exciting daw paghindi nila alam ang gender.

After 2 years nanganak ulit si Tita Claud. And tuwang tuwa sila na babae ito. Kahit bata pa lang kami pinagpapartner na talaga kami. Wala naman kaming magawa dahil bata pa kami non.

Kahit magkaedad lang kami ni Rin di kami nagkakasundo. Ako yung maingay at makulit, siya naman tahimik lang at suplado. Parang laging mainit ang dugo niya sa akin kasi mas close kami ng bunsong kapatid niya.

Lumaki kaming magkakasama kaya ang tingin na namin sa isa't isa ay kapatid.

I mean kami lang pala ni Plum.

Nung high school kami, syempre same school kami. 2nd year na ako nung naghigh school na siya. And may girl friend ako nyan at si Ck yan. Not from same school. Hindi ko sinabi kina Mommy kasi umaasa pa din silang si Plum ang makakatuluyan ko.

Nagkakilala kami ni Ck sa isang cafe malapit sa school. Madalas ako dun at pati na din siya. Sino bang hindi makakapansin sa kanya, ang ganda niya kaya tapos ang amo pa ng mukha niya. Kaya nung nilapitan niya ako one time, di ko na pinalagpas. Niligawan ko siya for 6 months. Well, first year lang kami nung nanligaw ako. Naging kami nung 2nd yr na.

Legal kami sa parents niya. Sa akin hindi. Sinabi ko lang na bawal ako maggirlfriend at kung magkaron man ako matatagalan ako ng allowance.

Inaasar niya ako dahil para daw akong babae. Di niya lang alam na hindi totoo yun. Pero kahit mawalan ako ng allowance okay lang kasi siya naman ang kasama ko. Mahal na mahal ko si Ck.

Nung first yr si Plum, hi lang sinasabi namin sa isa't isa siguro dala na din ng puberty stage at nakikita niya ng lalaki ako. Naging mahiyain siya ng konti pero sobrang friendly. Ang weird no? Hahaha basta ganyan siya. Sa una mahiyain pero pagnakilala mo masarap kasama.

Nung nagthird year ako nalaman ng parents ko ang about sa amin ni Ck.

"Hindi kayo pwede ng girl friend mo Marion! Alam mo naman si Plum ang para sayo di ba?" strict na sabi ni Dad.

"Ano ba Daddy? Bakit ba kayo nakikialam sa love life ko? Ako ang pipili ng babaeng mamahalin ko!" pagtanggol ko sa rights ko.

"Aba. Sumasagot ka na ha? Sa ayaw at sa gusto mo ligawan mo si Plum! Kung hindi, padadala kita sa ibang bansa kasama ni Kuya Renz mo dun," sabi niya at wala ng makakapagpabago ng isip niya.

Naisip kong sundin na lang ang utos ni Daddy pero hindi ko pakakawalan si Ck. Mahal ko si Ck. Ayaw kong mahiwalay sa kanya. Sorry na lang kay Plum at gagawin ko to.

-----------

"Plum, may gusto sana akong sabihin sayo," pumunta ako ng bahay nila after a month na trinay ko makuha ang loob niya.

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon