Chapter Two
After 2 weeks, mas naging close pa kami ni Marion to the point na sabay na din kami pumasok. Sad to say di pa din kami. Pero kung ako lang, gusto ko ng maging boyfriend yung kulugong yun. Aaminin ko na, mahal ko na eh!
Pero syempre dahil dalagang Pilipina ituuuu, di ko sinasabi sa kanya. Ready na akong umoo sa kanya. Kaso hinihintay ko na lang talaga na tanungin niya ako ng 'Can you be my girlfriend?' or kahit tagalog dahil alam kong jologs yun sasagutin ko na siya. Ganyan ako kahanda, kahit wala ng ligawan.
Hindi naman nababase sa kung gaano katagal ang ligawan ang magiging relasyon niyo eh. Mahal naman namin ang isa't isa, nararamdaman ko!
"Ang pangit mo kapag nakatulala." Alam niyo na sino yan. Sweet niya talaga eh.
"Atleast di mo kamukha," sabi ko. Well, sabaw ako eh. Haha anong itsura ko nun?
"Weh. Uwi na tayo, wag mo na ako isipin," sabi nito. Ang kapal talaga ng mukha neto.
"Feeler mo po."
"Wag ka ng magpacute sa akin, di na yan eeffect. Dahil matagal ng tumalab sa akin yan," banat niya. Namula naman ako dun, minsan lang yan eh!
Tumawa naman siya! "Feel na feel mo naman. Joke lang yun syempre!" tas tawa ulit.
"Waaaah! Epal mo forever Marion! I was having my moment na eh," sabi ko habang pinagpapalo siya.
"We chat ba ito? Laos na yan!" pang aasar niya. Lagi niya na lang akong inaasar katampo na.
"Eh. Shut up ka na lang "
After ilang minutes di pa din siya nagsasalita. Hala, napikon ko yata. Di ako sanay na di siya maingay.
"Uy, Marioooon, Sorry na. Salita ka na," pagmamakaawa ko. Weh OA ko.
"Sabi mo shut up na lang ako?" pagdadahilan niya.
"Joke lang yun eh. Sorry na!"
"Hindi. Nasaktan mo na ako." OA din neto eh.
"Kasi naman eh! Sorry naaa!"
"Sige na nga. In one condition," sabi niya.
"Game. Ano? Basta after bati na tayo ah?" pag aassure ko.
"Oo naman, basta sasama ka sa akin bukas. May date tayo," pagyayaya niya sa akin.
O////////////////O
Niyayaya niya ako sa date. Oh my gosh!
Nagblush naman ako. Tas tumango na lang. Yikes. Kinikilig ako nun.
"Sunduin na lang kita sa inyo ng mga 5pm. Nagpaalam na din ako sa Dad mo kahapon," pag aassure niya. Wow, close pala sila.
Hinatid niya na ako sa bahay. Di mawawala ang kulitan at harutan. Muntik na nga siyang makatapak ng tae sa kalikutan eh. Buti nakita ko agad. Kundi, ewwww.
Nung gabi, excited na akong pumili ng susuotin ko para bukas. Ilang beses niya din pinaalala sa akin na pumili ako ng magandang damit. Ayaw niya daw ng may kadate na mukhang dukha. Sama niya talaga.
From: Marion
Hoy matulog ka na nga. Ayaw ko magkaroon ng date na mukhang zombie please.
To: Marion
Eh. Maganda nanaman ako kahit di pa ako matulog ng ilang araw. Pasalamat ka nga idedate kita eh. :P
Marion: Wow. Ang hangin mo naman. Hindi mo lang alam na napilitan lang akong ayain kang magdate.
Me: Edi wag na tayo magdate!
Marion: Joke lang naman eh. Pumayag ka na so walang bawian.
Ayun, nagtext text lang kami. Aba, napilitan pa daw siya. Kapal talaga nun. Kung di ko lang siya ano eh. Hahaha. Hindi agad ako nakatulog ng maaga dahil alam niyo na, excited sa date. Mukhang siya din eh, magkatext kami habang naghihintay ng antok. Mga bandang 1 na ako dinalaw ng antok.
/////////////////////////////////////