Chapter Five
Pagkatapos nung date namin mas naging close pa kami ulit. Sabi niya next time magsasabi na daw talaga siya ng mas maaga at ipaplano niya ng maayos bawat date. Kinilig naman ako dun, meaning madami pa kaming magiging date. Looking forward ako dun pero syempre sinabi ko naman sa kanya na, "Asa ka namang may next pa dun!" para di mapaghalataan. Haha pasensya na ganyan talaga eh.
Hanggang ngayon napapangiti ako kapag naaalala ko yun.
It's been three months, pero hindi pa din kami. Hindi naman sa nagmamadali ako, medyo lang. Kasi naman nape pressure ako sa mga schoolmates ko eh. Lagi nila ako tinatanong kung ilang month na kami nun o kung kami na daw ba ni Marion. Nakakapagod din namang paulit uliting sabihing hindi. Tapos di pa sila maniniwala sayo. Oh di ba, nagtanong pa eh. Showbiz pa daw. Naku mga tao nga naman.
Mga tatlong araw na kaming di nagkikita nun. Busy sila sa thesis at monologue. Oh well, graduating na eh. Naiintindihan ko naman yun, kahit wala na siyang halos oras sa akin. Miski pagpasok at pag uwi di kami sabay. =((( nakakamiss na eh.
So, nagbake ako ng cookies para sa kanya. Si Mom talaga nagbake, nagmix lang ako. Baka sa sobrang busy ni Marion nakakalimutan niya na kumain. Nuxx, caring girlfriend ang peg. ^_____________^
On the way na nga ako sa building nila eh. Hassle pa nga, pero go lang. Nakangiti ako habang naglalakad sa corridor nila. Mukha akong tanga I know. I don't care.
"Kuya Marvs, patawag naman si Marion. Thank you." Wala sa labas ng classroom si Marion kaya pinatawag ko na lang siya sa friend niya. Kilala naman ako niyan, kung sa classroom kilala siya dun na sundo ko, ako naman kilala ditong anak niya. You know, susunduin-- anak like that.
"Sige, wait lang ha." tapos pumasok siya ng room.
"Hoy Sanchez, andyan sa labas yung anak mo!" narinig ko pang sabi ni Kuya Marvs.
Naghintay ako ng ilang segundo, baka nagliligpit ng gamit.
Ilang minutes, baka nagpapapogi pa. Sus naman.
Hintay pa, patience is a virtue. Baka naistorbo ko eh.
Medyo 9 minutes na, lumabas na siya. Buti naman! Tagal nito forever eh. Papunta na siya sa akin.
"Ho--" natigilan ako kasi nilagpasan niya ako.
"Marion, andito ako," habol ko sa kanya. Tinignan niya lang ako sandali tsaka na nagpatuloy maglakad palayo.
Naguluhan naman ako dun. Hindi naman siya mukhang natatae, hindi rin naman kami nag away. Oh no! Baka naman lumabo na mata niya dahil kakapuyat sa gabi para matapos yung thesis niya?
So hinabol ko naman siya syempre.
Hinawakan ko siya sa braso. "Gutom ka na ba? May cookies ako dito for you!" sabay abot, kaso hindi niya kinuha kaya ako na inabot ko yung kamay niya at ako na naglagay sa kamay niya.
Pero agad niya namang binalik iyon.
"Ayaw mo ba?" medyo nahurt kong sabi. "Or nahihiya ka lang? Go on take-----" iaabot ko sana ulit kaso tinaboy niya yun.
"Plum ano ba?! Are you dumb or what?!" speechless ako bibihira lang ako into sigawan. I believe this is just the second time, yung first dun sa fitting room (remember the make up date nila?)
"Hindi mo ba napapansin na ayaw kitang kausapin? Bakit ba ang kulit kulit mo? Di ba obvious na inignore kita?"
"Sorry na. I know pagod ka la--"
"Yes! I'm so tired. Pagod na ako sayo."
WHAT?! "Ano? Pakiulit, mali pagkakadinig ko." Bakit naman siya mapapagod sa akin? For sure mali pagkarinig ko.
"Ang sabi ko, I'm tired of you. Nakapag isip isip ako nitong nakaraang araw...." nagpause siya sandali then, "I had my lone time. Napagtanto ko lang na, huwag na ituloy to. Na nakakapagod ka na kasama."
"No, no. Magpahinga ka na muna today Marion. Mag uusap na lang ulit tayo kapag okay ka na."
"Hindi mo ako naiintindihan P. Narealize ko din hindi pala talaga kita gusto. Kaya please, itigil na natin to." nakita ko yung coldness sa mata niya habang sinasabi niya yun. Umalis na siya pagkatapos nun.
Hindi ako nagsalita, miski umiyak di ko magawa. Kinuha ko sa lapag yung nireject niya na cookies. I bitterly laughed. Parehas pa kami ng fate nitong cookies na ito. Rejected. Nanghihina ako. Anong gagawin ko?
'Narealize ko din hindi pala talaga kita gusto.'
So he never really did like me. Kaya pala kaya niyang magbiro biro about sa love. Bakit ngayon niya lang narealize? At bakit ngayon pa!?
*********************
Tulala lang ako maghapon pagkatapos nun. Wala ako sa sarili ko. Sino bang hindi magkakaganto sa mga narinig kanina? Hanggang pag uwi ko sa bahay di ako matino. Dirediretso lang ako sa kwarto ko pagdating. Humiga ako ng paside, patalikod sa pinto. Hindi ko pa din makuhang umiyak. In shock pa din ang brain ko, kumbaga nagproprocess pa siya.
"Baby what's wrong?" tanong ni Mom.
Hindi ako sumagot. "Come on, pwede mong ishare kay Mom," sabi niya kaya napaharap ako sa kanya. "Is it about Marion?" dahil dun, napaiyak na ako. Hinug naman agad ako ni Mom. Hinihimas himas yung ulo ko. Hindi na siya nagtanong pa ulit, siguro hinihintay niya na lang akong magsalita. So Mommy talaga.
After ilang minutes, tumahan na din ako.
"Would you like to talk about it?" No. Umiling na lang ako. I'm sure my voice is croaked kaya di na ako nagsalita. Hindi ko pa tanggap yung nangyari.
"Lagi mong tandaan na I'm always here if you want na to talk about it. At kung ano namang problem niyo ni Marion, for sure bukas magkakaayos na din kayo. Hindi niyo yata matiis ang isa't isa." sabi niya tapos lumabas na ng kwarto. Mukhang ako lang to.
"How I wish," bulong ko. Sana....
Naalala ko nanaman, gosh naiyak nanaman ako.
Almost 5 months ng ganun yung set up naming ngayon niya lang na napansin? Almost a year niya na nga ako nililigawan eh. At mas naging close pa kami this past 2 years! Hindi excuse ang pagiging mabilis ng pangyayari. I can't think of a reason kung bakit siya napagod sa akin. Dahil ba lagi niyang dala bag ko? Pero sya naman nag iinsist nun di ba? O dahil hinahatid at sundo niya ako everyday? Pero hindi eh, siya din nag insist nun. Ang labo niya naman eh. Napepressure kaya din siya?
Bigla kong naalala, today's my birthday pala. Wow what a great birthday gift I've ever receive. Best birthday ko ito!
////////////////////////////