Tiwala Lang 4

109 3 2
                                    

Chapter Four

"Hoy Plum! Lumabas ka nga dyan. Wag ka ng isip bata!"

Si Marion yan. Kanina pa siya sigaw ng sigaw. Nakakarindi na nga eh. Minsan ang hina ng utak niyan eh. Ang kulit kulit.

Di niya ba gets na ayaw ko lumabas? At tsaka ba't pa ako lalabas? Pagtatawanan niya lang ako. Leche yan eh.

Paano ba naman, pinasukat niya sa akin yung dress. Eh hindi ko nga type kasi sobrang ikli. Baka konting galaw ko lang makita na singit ko. Di pa naman ako girly. Baka laitin pa ako nito ni Marion, sasabihin niya di bagay sa akin. O di kaya, 'Tumayo ka ng maayos' kapag nakoconcious ako sa suot ko.

Naguguluhan ba kayo? Sige ikekwento ko na lang yung nangyari...

FLASHBACK.

Malapit na ako makalabas ng building ng makita ko siya. Agad agad kong minadali ang paglalakad ko para di niya ako makita. Sa kasamaang palad, nakita niya ako. Lalapit na nga siya sa akin, kaya ginawa ko tumakbo na ako. Ayaw ko siyang makausap. Hindi pa ako handang makipag usap ngayon. Wala siyang mapapala sa akin. Mag aaway lang kami kapag nag usap kami ngayon. Hindi makakabuti yun. Lalala pa ito. Kaya mas okay na ito.

Pero nakakainis na nakalimutan kong member ng track and field pala tong si Marion kaya naabutan niya ako. Arg. Ba't di ko ba naisip yun?

"Plum, ano bang problema?" seryosong tanong niya. Di naman ako makatingin sa kanya kasi alam kong once mapatingin ako sa mata niya mawawala na itong galit ko.

"Wala," mahinang sagot ko.

"Anong wala? Eh iexplain mo nga bakit mo ako tinatakbuhan?" medyo mahinahon na tanong niya.

"Natatae kasi ako eh," bigla ko na lang nasabi. WTH. Lame excuse. Kahit naman galit ako kay Marion ayaw kong magkaaway pa kami lalo. Ayaw ko ding aminin na nadisappoint akong di natuloy yung date namin.

"Sorry na, bigla kasing nagtae si bunso eh. Dinala ko sa hospital. Di bale P, babawi ako sayo. Ayaw kitang nadidisappoint," sabi niya. WAIT! Bakit niya nalaman na nadisappoint ako sa kanya?

"Narinig kong binulong mo," sagot niya ulit.

"WAAAAH! Kainis ka naman, wala na akong privacy." tili ko. Nakakainis naman. Nasasabi ko na pala, akala ko naiisip ko lang. Kaasar! G-R-R talaga

"So ano, gusto mong ngayon ituloy ang date?" aya niya.

---Kaya ayun, nandito kami sa mall para bumili ng pampalit na damit. Si Marion nag insist, pambawi niya daw sa akin. Hassle din kasi pag umuwi pa kami, out of the way ang mall dun.

Pero siya naman ang namili ng susuotin ko. Ang hahalay naman ng pinipili niya eh. Bakit di na lang siya magsuot nun? Di ako mahilig sa masyadong girly na damit eh. Okay naman yung jeans at tshirt di ba? Epal forever nito.

"Hoy paspecial ka na ah! Labas na diyan!" Sigaw niya. Kahiya talaga yan, pwede namang magsalita nalang. Naririnig ko naman siya eh, ba't pasigaw pa talaga?

"Heh! Di ako lalabas. Tatawanan mo lang ako eh!" sigaw ko din. Nakakahawa siya eh!

"Tss. Hindi no! Tiwala lang," yan nanaman siya. Favorite line niya yan, tiwala lang. Kada may problema ako, di mawawala sa payo niya yan. Nagtiwala naman ako kaya nagdecide na akong lumabas.

"Isa, pag umabot akong tatlo dito ako na mismo papasok dyan! Dala---"

Medyo napansin kong natigilan siya, dapat sisigaw pa siya eh.

"wa, tatlo?" medyo nalilitong tanong ko.

*croo crooo* tagal niyang di nagsalita.

NAPIPI NA SI TATA MARION! NAPIPI NA SIYA! (Okay, parang naging nerdy na ako dyan. Kung di niyo gets yan, refer to El Fili kabanata 8-"Maligayang Pasko" kung saan napipi si Tata Selo. So, hahaha share)

"Uy Marion. Weird ba?" takang tanong ko sa kanya.

Parang nasnapped out naman siya sa dreamworld. Umiling iling naman siya.

"You look so nice. Di ko alam na magmumukha kang tao pagnabihisan." Pinuri na ako eh, dinagdagan pa ng ganun. Galawang Marion talaga!

"Weh. Bayaran mo na lang to!" utos ko. Hindi na ako napikon sa kanya. Natuwa na kasi ako sa reaction niya kanina eh. Action speaks louder than words.

So, ayun na totoong magdedate na kamiiiiii!

Tiwala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon