Chapter Six
"Happy birthday to you! Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you!!" kanta ng mga friends and relatives ko.
"Make a wish then blow mo na, baby, dali!" sabi ni Mommy.
Wish? Magkakatotoo kaya kung magwish ako dito? Wala namang limitations ang pwedeng iwish di ba? Wish lang naman eh. So, wish ko sana bumalik sa akin si Marion. Yun lang talaga ang gusto ko ngayon.
Blinow ko na yung candles tapos nagpalakpakan sila. Ang saya nila oh. Daig pa may birthday.
"Baby, picture ka muna with the handa!" cheerful na sabi ni Mommy. Tapos nagpicture pa kami sa bisita. Parang birthday to ng 7 years old ah. Ako naman si sunod sa kanya.
Feeling ko wala na akong kontrol sa katawan ko. Sumusunod na lang sa flow. Parang wala ng soul. Zombie na kung baga.
Nagkainan na sila. Yung mga friends ko di ako pinapansin kasi busy sa pagkain ng handa. Relatives ko din busy, karaoke pa more. Sina Mom and Dad naman busy sa pag aasikaso sa guest. Si kuya ko, MIA. Grabe naman yun. Pati na din si Marion.
Hay buhay. Ayaw na nga pala sa akin nun. Sinakto niya pa talaga sa birthday ko eh. Sana man lang sinabi niya agad sa akin di ba? Di yung pagmumukhain niya akong tanga. Nag effort pa naman akong gumawa ng cookies.
"Baby! May surprise kami sayo!!!" sigaw ni Kuya Rin. psh attention seeker. lol. Nako baka aso nanaman yan pero siya ulit ang magiging dahilan kung bakit yun mawawala. Lavender huhu :(
"Sure akong matutuwa ka dito! Grabeng pagplaplano ginawa namin dito. Ubos pera to." tuwang tuwang sabi ng loko.
Biglang may pumasok na lalaki bibit ang isang box. Regalo yun of course.
Nashock ako syempre. Tama nga si kuya, matutuwa talaga ako kapag makikita ko yan.
Syempre tumakbo ako palapit sa kanya at hinug siya. (binaba niya yung box nung nakita niyang palapit na ako) yung mga tao nag aww.
"Namiss kitang mokong ka! Kunwari busy busy ka pa. Yun pala para dito yun. Dapat sinabi mo na lang na uuwi ka Kuya Renz! Asar to!" paiyak kong sabi.
"Haha sorry na. Pahug nga ulit bunso. Ayan, happy birthday!"
Obvious ba? Favorite ako nyan ni kuya Renz. Minsan nga feeling ko anak niya ako eh. Iniispoil niya ba naman ako. Sa ibang bansa yan nagtatrabaho pero palagi pa din kaming nagiskype. Pero netong mga nakaraang araw sabi niya busy sya. Yun pala para dito. Asus tong si Kuya Renz, sweet.
Akala niyo si Marion no? Asa na lang tayo.
"Baby kwentuhan mo naman si kuya. Iupdate mo ako sa nangyayari sayo. Tara," pagayaya niya. So ayun matagal kaming nagkwentuhan ni Kuya. Medyo matagal na din since nung last kami nagkita sa personal eh.
Yung mga friends ko umuwi na after kumain at makapagpapicture sa mga kuya ko (pogi yung dalawang yun syempre) kilig na kilig pa sila. Tapos yung iba sa relatives ko umuwi na, may take out pa. May iilan ding nagstay, makikipag inuman daw kina Kuya eh. Kaninong birthday ba to?!
Nakalimot din ako kahit papaano dahil kina Kuya. Kahit masaya akong nandito sila may part pa din na malungkot dahil wala si Marion. Pero syempre kahit papaano inaasahan ko pa din siyang pumunta kahit as a friend lang. Pero naghintay ako sa wala.
Kahit ganun kasakit yung sinabi niya sa akin di ko magawang magalit ng todo. May part pa din sa akin na sinasabing mahal ko siya.
"Uy, kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa pinto. May hinihintay ka ba?" tanong ni Kuya Renz
"Kuya, sure akong si Marion yan! Boyfriend ni Plum yun. Lagi ngang nandito yun kasi hatid sundo niya yang si bunso," sabi ni kuya Rin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Dalaga na pala ang baby namin eh. Di na pala baby. Di niya na pala kailangan ng mga regalo natin. Binibigyan na siya ng boyfriend niya. Baliwala na tayo dito Rin," pagdadrama ni kuya. Pero wait, walang regalo? Di yata pwede yun!
"Hala mga kuya di ko boyfriend yun no! Sabi niya kaya sa akin di niya daw ako gusto. At saka baby niyo pa din kaya ako no!" depensa ko.
"Sus gusto mo lang ng regalo namin eh. Pero wait, anong sabi niya?" pagtataka ni Kuya Renz.
Ohmygosh! Baka mabugbog niya si Marion. Ayaw ko ng gulo. "Hehe wala yun kuya." binigyan ko aiya ng innocent smile.
Nagkulitan pa kami ni Kiya dun. Buti nakalimutan niya na agad yun. Maya maya inantok na ako kaya umakyat na ako. Mag iinuman pa sila dun eh.
Nagprepare na ako matulog ng maisipan kong magmuni muni muna sa terrace ko (bunso eh kaya sunod ang luho) nagulat ako ng mapansin kong may tao pa sa labas ng bahay namin. Nakacap siya pero ang nakakatakot dun ay parang nakatingin siya sa kwarto ko!!! Sa sobrang takot ko, pumasok na ako ng kwarto. No, enough na po yung nangyari ngayon araw para sa birthday ko. Dinasal ko na lang kay God. Sana maging okay na lahat bukas.
/////////////////////////////
