Tiwala Lang 16
"Ano ba bakit ka tumawag?" bungad ko agad kay Marion pagkasagot ng phone
"Eh wala akong magawa eh!" bored na sabi niya
"Bakit kailangan mo pa akong tawagan? Kumakain pa lang ako oh!" nandito ako sa canteen kumakain with friends. Buti pa at break siya tumawag dahil hindi ko nasilent phone ko
"Kumakain din naman ako eh kaya fair lang," sabi niya.
"Epal mo talaga forever Marion, nasabi ko na ba sayo yun?" painis na sabi ko. Napansin kong napatingin naman sa akin yung dalawa kong friends. Nagulat sila syempre
"Ay, hindi pa. Hindi!" sarcastic niyang sabi.
"Leche. Bababa ko na to!" tapos inend call ko at sinilent ang phone. Sure ako tatawag ulit yun eh hahaha
"Uyy may fishy dito no Berry?" parinig ni Chelsea.
"Oo nga eh. Parang may hindi nagkekwento sa atin. Nahuhurt ako," padrama ni Berry.
"Wala akong naririnig," sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
"Make kwento na kasi!!" pagpilit ni Berry. Hays, nagkwento na ako para di sila mangulit. Ayaw ko ng makulit eh.
"From lovers to bestfriends? Nice!" sabi ni Chelsea
"Nako di kami naging lovers no. Bagay ang close-to-lovers!" pagcorrect ko.
"Alam mo, ang mga lovers pagnagbreak tapos naging friends may dalawang pwedeng dahilan," pagsimula ni Berry.
"Ano naman yun?" curious na tanong ko.
"Yung isang reason ay hindi talaga nila minahal ang isa't isa. Which is hindi kayo dahil I'm so sure you're madly inlove with him," sabi niya.
"Were! I was madly inlove. Past tense Berry," pagtutol ko dahil moved on na ako ano ba?
"May namove on na ba na habang nagkekwento about sa kanila ngiting ngiti?" tanong ni Chelsea.
"Oo mayron ha!"
"Sino naman?" paghamon niya
"Ako, tanga mo forever eh!" sabi ko hahahahaha totoo naman eh, ako lang yun!
"Ewan ko sayo, tuloy mo na nga Berry," sabi na lang ni Chelsea.
"Yung isa pa ay syempre, parehas niyo pang mahal ang isa't isa. Duh. Feel ko ito kayo eh," parang fangirl na sabi niya. Kilig na kilig eh.
"Sa tingin ko pwede naman both yan eh, yung isa mahal pa at yung isa hindi naman talaga nagmahal. Hahahaha feel ko ito kayo! Siya hindi ka talaga minahal at ikaw ang nagmamahal pa!" pang aasar ni Chelsea.
"Sakit mo magsalita ah! Alam ko namang hindi niya talaga ako minahal eh. Sinabi niya na sa akin yon kaya wag mo ng ipagsisikan sa akin na totoo yun," sinabi ko. Natigilan sila. Syempre hindi ko naman nakwento ng buo yung mayron sa amin ni Marion. Kung anong nangyari sa amin syempre amin lang.
Sinabi ko lang na may gf na pala siya habang nililigawan niya ako. Wala ng iba.
"Nagbibiro lang naman ako Rian," medyo mahinang sabi niya.
"Oo na. Kaya ayaw kong ikwento eh, kakaawaan niyo lang ako."
"Nako di totoo yan! Basta pagsinaktan ka niya ulit sabihin mo na lang sa amin. Lagot siya sa amin," sabi ni Berry.
"Pasensya na talaga Rian ha. Di ko lang talaga kasi alam."
------------------------
Pagkauwi ko, nandon na si Marion. Well, morning ang classes niya eh
"Hoy, bakit di mo na sinasagot mga tawag ko!?" bungad na tanong niya sa akin
"Ang kulit mo kasi eh. Ayaw ko sa makulit!"
"Wow ha sino ba ang makulit dati?" tanong niya.
"Change is the only constant thing in the world," sabi ko.
"Wow. English. Nosebleed. I kennot," sabi niya at umaktong nagpupunas ng dugo sa ilong.
"Shut up," sabi ko.
Lumipas ang ilang seconds pero hindi na siya nangulit.
"Hoy anong nangyari sayo bakit natahimik ka?"
"Marion uy!"
"Ay kainis magsalita ka na nga please!"
"Please di ako sanay na di ka nagsasalita. Salita na!!"
"Weh. Sabi mo shut up?" sabi niya.
"Expression lang yun. Tanga mo talaga forever."
"Hindi pa tayo bati para matanga tanga mo ako dyan ha!"
"Hala. Ganon? Okay edi hindi bati," pag agree ko sa gusto niya.
"Ayy, hindi ba dapat sasabihin mo 'Wag ka na maggalit sa akin please. Gagawin kahit anong gusto mo Marion'," sabi niya
"Sorry ka kasi people change, di na ako tulad ng dati."
"Pansin ko nga. Si Plum super sweet and caring hindi tulad mo na pusong bato," sabi niya tapos umalis. Ay grabe nagawa pang magwalk out.
Ayaw ko namang sabihin sa kanya na gagawin ko ang lahat para magkabati lang kami. Promise I was about to tell him that pero natauhan agad ako. I know na ang sasabihin niya magdedate kami. Ganyan naman siya lagi eh. Kilala ko na siya. Ayaw ko ng masaktan ulit.
Change is constant nga. Pero alam niyo ba yung history repeats itself. Kahit na magbago ka babalik at babalik ka pa din sa dati. At ayaw kong umabot sa point na babalik ako sa dati, sa kanya.
//////////////////
Short update. :( expect the constant time skip guys. Tinatapos ko na kasi tong story. And sinasabay ko sa plot na nagawa ko ng Let me be the one. Ayun, enjoy this na lang mehe. Baka mag update me bukas!